Ilang beses ng tumawag sa akin si Troy hindi ko sinasagot marami narin siyang massage hindi ako nagrereply ni hindi ko nga binabasa binubura ko agad. Ang bulaklak naman na pinapadala niya binibigay ko kay Inday yung kasamang card tinatapon ko sa basurahan hindi ko rin binabasa. Ayoko ng mapaikot niya ako uli.Hinihintay ko lang na kumanta ang mga ito. "Gabby may bad news" Sabi ni Michelle kinabahan ako. "Ano yun?" Tanong ko. "Nagpakamatay ang dalawang nagtangka sayo wala silang nakuhang kahit ano." Sabi ni Michelle napa upo ako sa bench nanlumo ako sa narinig. "Sorry Besty." Sabi ni Jade. "Ayos lang wala kayong kasalanan talagang suicidal ang mga tauhan nila ibig sabihin malaking grupo ang nakabanga ng kapatid ko maaring may kinalaman ang negosyo namin." Sabi ko sa kanila. Matagal

