The party ended peacefully.
Tumungo ako sa dagat nang matapos ang party. Hindi ko nga halos maramdaman ang kasiyahan dahil hindi rin ako nagtagal doon. I can't handle the crowd's cheering and its rowdiness the whole time. Although it was a sign that they enjoyed the farewell party I organized but I don't know... Perhaps because of that man.
Flynn Alas.
Nakita ko siya roon na kalaunan ay iniwasan ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nakasunod ang kaniyang mapagmasid na tingin sa akin. It was uncomfortable I had to leave early. Sa tuwing nagtatagpo ang tingin namin, ang eksena sa opisina ang naalala ko.
He was dirty. I didn't like what I saw. Flynn is a good father maybe but as a man, I highly doubt. Kung kumalantari siya ng babae, para lang siyang nagpapalit ng damit, iba't ibang mukha araw-araw. Kahit ang nakalingkis sa kaniya sa party ay iba, mas mukha iyon sosyal at mahal.
I'm not judging him but with news involving his name, I can say that he's worst than Nathaniel. Kung si Sir Nil, discreet, si Flynn naman ay lantaran.
I hated how affected I am. Siguro kasi na-trauma ako sa nakita ko kanina.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Rey. He was heading in my direction, eyes locked on me. Hindi na ako nag-abala pa na tumakas dahil mahahalata niya iyon. May dala siyang beer at mukhang lasing pa.
"Zuri, narito ka lang pala. Hinahanap kita sa loob ng bar kanina pa," aniya nang makalapit.
"I'm about to go back," itinuro ko ang bar sa aking likuran.
Medyo malayo na. Wala rin masyadong tao rito. It's not hidden in my knowledge that Rey has a crush on me. Isang rason kung bakit niya ako gustong sumama sa kaniya sa trabaho.
Plastik akong ngumiti sa kaniya. "Mabuti pa at umuwi ka na, Rey. You look wasted, babalik naman ako sa loob para tumulong sa iba na maglinis."
Of course, no one is in their right state right now. They are all wasted and I doubt if they could lift a finger to clean the mess. Mag-aalas-tres na nga ng umaga, kakatapos lang ng party at tiyak na bagsak ang lahat.
Ilang beses siyang umiling.
"Hindi... Hindi... Hinihintay ko ang pagkakataon na masolo ka kaya 'di ako uuwi. And you're not going anywhere either."
Umatras ako. Hindi ko gusto ang ngisi na namutawi sa kaniyang labi.
"Hinahanap nila ako sa loob, Rey. Kailangan ko silang tulungan. The part just ended so it's messy inside."
"Then, why are you here?"
"Just to breathe fresh air," sagot ko. "Kaya mauuna na ako sa 'yo."
I was about to turn my back when he held my wrist. Agad ko iyon winaksi at niyakap ang sarili gamit ang suot kong cardigan.
"Huwag ka munang umalis. Gusto kitang makasama kahit ngayon lang. Huwag kang magmatigas pa."
Umiling ako. "Bukas na lang tayo mag-usap."
Rey is a friend. I didn't mean to think of him as a bad person because he showed me nothing but goodness. But sometimes, whenever we're alone, fear can't be avoided.
Hindi ako komportable.
"C'mon, Zuri. Huwag ka na magmatigas, pagbigyan mo ako kahit ngayon lang."
"Lasing ka lang," I stated.
Kalmado akong tumingin sa kaniya.
Reynaldo is just your typical island boy. Tall, dark, with normal body. Siya iyong tipo laging ipinapatawag para tumulong sa mabibigat na gawain. He's actually nice but kinda creepy. Ayoko rin mapag-isa kasama siya dahil hindi naman lingid sa akin na may nararamdaman siya sa 'kin na pagsinta.
I also hate how he always tried to convince me to quit and join him. Alam niyang wala akong reklamo sa trabaho ko kaya wala rin rason para lumipat ako.
"Aalis na ako. Saka na tayo mag-usap kung nasa tamang wisyo ka, Reynaldo."
Akma ulit akong tatalikod nang muli niya akong hinawakan. Muli ko iyon iwinaksi pero napatigil nang itinapon niya ang bote ng alak sa buhangin. Nabasag iyon, nahagip pa ako ng bubog.
Bahagya akong napaigik.
"Sasamahan mo ako rito, Zuri. Kapag sinabi ko, sumunod ka..."
I felt my body shook in fear. "Hindi kita kayang samahan sa ganito mong estado. Tinatakot mo ako."
Ngumisi siya. "Iyan... Iyan ang gusto kong mangyari. Ang hirap sa 'yo, kailangan mo pang takutin bago ka mapapayag."
Hindi na ako nakapalag nang mahigpit niyang hinawakan ang mga pulsuhan ko. He was too close, he smelled disgusting and I can't look at him.
Nanlalamig ako sa takot, nanginginig ang katawan ko sa takot.
"Bitawan mo ako, Rey... Bitawan mo ako!"
It was dark and empty. Ni hindi ko alam kung may makakarinig sa akin pero nagsusumamo ako.
"Tulong! Tulong! Tulung—"
He covered my mouth with his hand. Tears stream down my cheeks when he tried to dragged me to more secluded area. Sobrang dilim, malayo na ito sa bar. Walang tao, at natatakot ako sa maaaring mangyari.
Hindi ko alam ang sunod na nangyari. I heard grunts but I was too traumatized of what happened. My body felt numb and weak. Sunod-sunod rin ang pagluha ko. Nanginginig pa rin ang katawan ko kahit sa makapal na dyaket na nakatakip sa aking katawan.
My top is almost ruined. He almost touched me. He almost r aped me. He hurt me. Reynaldo caused me this kind of pain.
He harassed me. He almost r aped me.
"Flynn, stop! Baka mapatay mo pa 'yan!"
Hindi ko nakilala ang mga nagsisigawan. I was too weak to even move. Tila natulala na lang ako sa nangyari. Paulit-ulit pumasok sa isip ko ang ginawa niya. He kissed me and it was disgusting. He touched me and it felt so dirty. He almost r aped me and it was traumatizing.
"Flynn! F ucking stop! You don't want to go to jail for murdering this guy with your nonstop punches!"
"He f ucking needs a lesson, Nathaniel!"
Umikot ang paningin ko. Hindi ko na kaya ang sakit na naramdaman ko.
"Rose, assist Zuri. Ihatid mo siya sa cabin niya, we will be there after we settle this mess."
Kinabukasan ay wala pa rin ako sa wisyo. Hindi ko na alam ang nangyari kagabi nang mawalan ako ng malay. Rose was there since I woke up and up to now that it's past lunch, she stayed with me. She took care of me even though my inside says no. Pero hindi na ako nagreklamo pa dahil nanghihina pa rin ako.
I could still feel my body shaking. What happened last night kept on coming back. It was fresh that I can still recall how he did me dirty. Naiiyak pa rin ako tuwing naalala iyon. Pakiramdam ko ang dumi ko. He never really hesitate to do it. He planned to do it and I kept asking what I did wrong to deserved it.
"Hindi pa natuluyan ang h ayop na 'yon. Hindi sapat ang ginawa ni sir Flynn sa kaniya! That man should rot in jail if not dead!"
Mahigpit kong niyakap ang sarili. I'm thankful for them. They arrived on time, they saved me from him. Hindi ko alam ang gagawin kung sakali man na natuloy ang balak sa akin ni Reynaldo.
It was something I didn't expect him to do. He was a friend but I guess he didn't treat me as one.
Nakasiksik lang ako sa aking kama. While she settled on the table across me, eating grapes as she furiously tell me about last night.
"Hinanap kasi kita kagabi pagkatapos ng party at hindi kita mahagilap. I went here in your cabin but you weren't here last night and I don't know... Nakaramdam ako ng kaba kaya hinahanap pa kita lalo kasi you usually send me a message before you sleep and last night, I received nothing. Then, Nathaniel was smoking with Flynn not far from the bar so I told them about you."
Napadpad ang tingin ko sa likod ng pintuan. An unfamiliar jacket was hanging in there.
"Flynn was in rage last night.... I mean, lahat naman kami. If I could punch Reynaldo to death, I would. Kung hindi lang napigilan ni Nathaniel, baka tuluyang nawala si Reynaldo."
I wanted to say something but no words came out.
"They went here last night, though. Pagkatapos nilang bugbugin at ipadala sa hospital, pumunta sila rito to make sure you're safe."
"Si Nathaniel?" I blurted out.
"Sadly, umalis na siya kaninang madaling araw."
Bumagsak ang balikat ko. I wasn't able to thank him personally.
"But I think he sent you a message. Sabi niya check your phone raw."
Mabilis kong inabot ang selpon ko sa bedside table. She was right. May mensahe nga roon mula kay Nathaniel, binuksan ko iyon at binasa.
"Mayroon nga?"
Tumango ako. Binaba ko rin matapos iyon basahin. He just wishing me well.
"Just making sure I'm alright from last night," ani ko. "But I think I need to go out and work now. Gusto ko rin pasalamatan si Sir Flynn sa pagtulong sa akin kagabi."
Kaagad siyang tumayo roon.
"He told me that you can take a leave if you want."
Umiling ako. "Hindi puwede iyon, Rose. I need to work. Unang araw niya bilang boss natin kaya kailangan kong magtrabaho."
Pinigilan niya ako nang tatayo sana ako. Hinawakan niya ang mga balikat ko at muling pinaupo sa kama. Iwinaksi ko iyon.
"Listen, Zuri. You need to rest. Huwag ka munang gumalaw. I know what happened last night was traumatizing so you need to rest, alright?"
Muli akong umiling.
"Mababaliw ako kapag walang ginagawa. Maiisip ko lang ang nangyari, Rose. Ayokong paulit-ulit na saktan ang sarili ko kakaisip."
Matamlay ko siyang tiningnan. Kahit si Nathaniel, binanggit din sa mensahe na huwag na muna akong magtrabaho, payag naman daw si Sir Flynn. Ngunit kailangan kong gumalaw para alisin ang atensiyon ko sa nangyari. Mababaliw ako kakaisip no'n, kailangan ko ng distraction.
Malalim siyang humigit ng paghinga.
"But you really need to rest..."
"I can't..." Tuluyan na akong tumayo at tumungo sa kabinet para maghanap ng susuotin.
I need to be distracted. Kaya wala na rin siyang nagawa pa nang makita ang determinado kong ekspresiyon. I showered and when I finished, she was still there. Sa banyo na ako nagbihis at kahit tapos na, naroon pa rin siya.
She looked concern. I understand but if I lock myself in my cabin, I’d be crazy thinking of last night.
It was traumatizing for me. But I need to move forward. It was still fresh, I still cry upon remembering it but still, I need to continue with my life.
“Zuri, makinig ka naman! Kung gusto mong magtrabaho, sige! Pero huwag mong pagurin ang sarili mo. Don’t force yourself to finish a task if you can’t! You are allowed to rest!”
Hindi pa rin siya tumigil kahit pa nang makalabas na ako ng cabin.
Tiningnan ko ang oras. I don’t know my new schedule but with Sir Nil, I usually start my work at noon ‘till night. Mga ganoong oras kasi siya nagtatrabaho kaya kinailangan kong mag-adjust.
Hingal na hinawakan ni Rose ang aking pulsuhan. Pumiksi ako, bumalik sa akin ang nangyari kagabi.
“Huwag mo akong hawakan!” sigaw ko.
“Sorry, sorry, sorry,” sunod-sunod niyang untag.
Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin sa gulat. May iba na napatingin sa direksiyon namin. I bit my lower lip realizing my reaction. Agad akong humingi ng pasensiya.
“Don’t be sorry. Naintindihan ko naman... Huwag mo lang kalimutan magpahinga, okay? If you need me, you can always lean on me, Zuri.”
“Thank you... And please don’t tell anyone about last night. Kahit si Amelie o sino pa man, ayokong malaman nila ang nangyari.”
Tumango siya. “I won’t tell anyone even our friends.“
“Thank you,” I uttered.
My day went on. ‘Nga lang, hindi pa ako umakyat sa opisina ni Sir Flynn. Amelie said he wasn’t there so I stayed with them instead and help with a little bit of work.
“Umalis siya kaninang tanghali, e. Hindi nagsabi kung saan.” She shrugged and continue working.
I sighed so deeply when I went to the bathroom. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. I looked like a mess. Ni hindi ko magawang ayusin ang sarili ko. Hinubad ko ang apron.
Wala naman masyadong costumer. It’s still noon so the bar caters food only. Mamaya ay party na ang magaganap. Back to normal.
Kinuha ko ang selpon nang tumunog ito. My forehead knotted when I read the message.
From: Unknown Number
Hey, sorry for being a creep but I got your number from Nathaniel. If you’re at the bar right now, please stay there. I’ll be back in awhile.
Inilagay niya ang pangalan sa dulo. It was Flynn.
Nagdalawang-isip pa ako kung is-save ko ang numero niya but I did. He’s my boss, after all. Sa susunod na transakyon namin, kakailanganin ko ang numero niya para doon.
Lumabas na ako sa banyo at tumulong na rin habang naghihintay. It didn’t take him a long time to arrived in the bar. Bumati kami sa kaniya. Tumingin siya sa akin at timid naman akong ngumiti.
I don’t know how to approach him considering the activity I’ve witnessed yesterday in his office, and the fact that he helped me last night beguiled me more.