YNA
DAHANG-DAHAN kong binuksan ang aking mga mata sa umpisa ay malabo ngunit maya-maya lang ay luminaw na ang aking paningin. Doon ko lang naalala ko anong nangyari sa akin. Nabaril ako sa may balikat ng dalawang beses ng isang armadong lalaking bigla na lamang pumasok sa restaurant kung saan kami nagdidinner ni Gosano.
Napalinga ako sa pagkakahiga ng may maririnig ako ng isang tunog ng beeping sa kung saan, kaya pinagala ko ang aking paningin sa loob ng kinalalagyan ko. Purong puti iyon at may mga aparatong nasa tabi ko na naka kabit sa aking ilong at sa mga braso at pala pulsuhan ko. Siguro nasa isang silid ako dito sa ospital.
Naiangat ko ng kaunti ang aking ulo ng makaramdam ako ng kirot sa may balikat ko. Kaya hinawakan ko ang iyon gamit ang kanan kong kamay kaya medyo nahila ko ng kaunti ang disttroce na nakakabit doon.
Hanggang sa may narinig akong mga nagbubulung-bulongan sa aking tabi kaya napabaling doon ang aking paningin.
'Gosano!' Bulong ko ng makita ko itong may kausap habang nakatalikod ito sa akin. Hindi pa rin nila ako napapansin kaya hindi nila alam na gising na ako.
Nang biglang may naalala ako na sinabi ko rito bago ako nawalan ng malay ng mabaril ako kaya napaisip ako.
“Mahal din kita Gosano!”
Nanumbalik ang mga katagang iyon sa aking isipan kaya namula ako ngunit napangiti naman pagkatapos. Titig na titig ako rito dahil natutuwa ako na nakita ulit ito ang akala ko ay hindi na ko na siya makikita pang muli kaya napaluha ako sa kagalakan.
Hanggang sa napalingon ito sa akin at gulat na napanganga ito ngunit saglit lang iyon at agad itong lumapit sa akin habang naiiyak sa tuwa.
“Yna! Oh my God. Gising ka na?” Halos madapa ito ng nagmamadali itong lumapit sa kinahihigaan ko at agad na niyakap.
“Oo, gising na ako. Kumusta ka ayos ka lang ba h-hindi ka ba nasaktan?” Paos na tanong ko sa kanya habang nakangiti. ‘Umiiyak ba siya?’
“Oh my God Yna, salamat at gising ka na. Ano may masakit ba sayo nauuhaw ka ba?” Natatarantang saad nito habang nakayakap ito sa akin ng mahigpit.
“G-Gosano, hindi ako m-makahinga, ang higpit ng yakap mo sa akin!” Sagot ko naman dahil napapahigpit ang yakap nito sa akin kaya nagmadali naman itong inilayo ako sa kanya.
“Sorry, sorry natuwa lang akong gising ka na. Oh God! Tatawagin ko lang ang doktor para masuri ka kung maayos ka na ba talaga!” Sabi pa nito ngunit pinigilan ko ito at umiling dito at saka ako ngumiti rito.
“Ayos na ako, ’wag ka ng mag alala!”
“Okay thank God at maayos na ang kalagayan mo Yna, sorry nga pala k-kung hindi kita nai-save ng araw na nabaril ka. P-patawarin mo ako dahil sa akin kaya muntik ka ng kunin sa akin ng Diyos. Mabuti at nadala ka namin agad dito sa ospital!” Malungkot na sabi nito at lumuha ito ng may pagsisisi, umupo ito at mahigpit na hinawakan niya ang palad ko at hinalikan niya iyon.
“Wala ito, hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo Gosano, kalimutan mo na iyon okay!” Sabi ko naman at ako naman ang humalik sa kamay nitong nakahawak pa rin sa palad ko.
“Salamat Yna, mahal na mahal kita!” Naiiyak na sabi nito kaya napangiti ako sa sinabi nito.
“M-Mahal din kita!” sabi ko naman habang namumula ang aking mga pisngi at hinawakan ko ang pisngi nito.
“May bisita ka rin pala Yna.” Sabi ni Gosano sa akin kaya napatingin ito sa sopang naroon kaya napabaling din ang tingin ko.
At napangiti ako ng makita ko roon ang aking mga magulang, na hindi ko napansin kanina kaya tuluyan na akong napahagulgol kaya lumapit sila sa akin at agad nila akong niyakap nang mahigpit.
“Nanay! Tatay! Narito kayo, asan si Yno?” nakangiti kong tanong sa mga ito.
“Anak! Kumusta ka na maayos ka na ba wala na bang masakit sayo?” Sabay na tanong nila sa akin.
“Okay na po ako ’nay, ’tay asan si bunso?” sagot ko naman sa kanila at muli kong tinanong sa kanila si bunso.
“Okay na siya anak salamat sa mga pinadala mo na pampagamot sa kanya. Naipagamot na namin siya at umayos na ang hika ng kapatid mo, salamat na rin sa boyfriend mo at tinulungan niya kami na mapatingin siya sa maayos na espesyalista.” Masayang saad naman ni tatay kaya napangiti ako at binaling ko ang tingin kay Gosano nakangiti rin sa amin.
“Salamat!” saad ko rito at hinalikan ko ito sa pisngi nito kaya natulala ito saglit pero lalo ito ngumiti at hinalikan din niya ako sa noo ko ng makabawi ito.
“Salamat sa Diyos at nailayo ka sa kapahamakan anak mabuti at hindi ka bumitaw at bumalik ka sa amin!” Maluha luhang saad nila nanay kaya napangiti ako.
“At salamat din kay Sir Gosano at hindi ka niya pinabayaan anak, buto ako sa kanya anak, kami ng nanay mo.” Sabi naman ni tatay kaya lalong lumawak ang ngiti ni Gosano sa amin.
MATAPOS naming mag iyakan at mag kwentuhan ay umalis na sila nanay dahil wala raw kasama si bunso sa bahay at iniwan muna ito kay aling Cora ang kumare ni nanay kaya nakangiti akong nagpaalam sa kanila. Ngunit nangako naman ang mga ito na babalik daw ulit bukas.
Nang makaalis na ang mga magulang ko ay bumaling ako kay Gosano na nagbabalat ng mansanas at kinausap ko ito.
“Gosano, nalaman mo ba kung sino ang nagpadala ng mga taong iyon upang patayin ako?” Tanong ko kaya bumaling ito sa akin at umupo sa tabi ko at sinubuan muna ako nito ng mansanas na tinanggap ko naman bago nito sinagot ang tanong ko.
“Hmm! hindi pa, ngunit alam ko sino ang gagawa nito sa atin, kaya huwag kang mag-alala, hahanapin natin siya at pagbabayaran niya ang kanyang kasalanan.” Seryosong saad nito.
“Sino?” tanong ko kahit may idea na ako kung sino tinutukoy nito.
“Si Veron. Kaya kailangan nating mag isip ng paraan para mahuli na natin siya!”
Wika nito kaya tumango ako. ‘Sinasabi ko na nga ba siya ang may gawa nito.’
“May alam akong paraan para mapaamin natin siya sa mga ginawa niya.” Sabi ko naman habang nakatingin siya akin ng diretso sa aking mga mata.
“Ano ang iniisip mo, Yna?”
“Magpapanggap tayo na patay na ako.” Sabi ko kaya napakunot ang noo nito.
“Anong ibig mong sabihin sweetheart?” tanong nito sa seryosong boses.
Ngunit natigilan ako ng marinig ko ang tinawag nito sa akin.
“Ano ang sinabi mo? I mean ano nga ulit tawag mo sa akin!?” namumula kong tanong dito.
“Sweetheart! Bakit ka namumula may masakit ba sayo?” Ulit nito sa tinawag sa niya sa akin ngunit nag alala ito ng makita niyang namumula ako sa kilig.
“Wala, k-kinikilig lang ako sa tinawag mo sa akin!” Sabi ko naman kaya saglit itong nag isip bago napangiti ng malawak.
“Kinikilig ka ba? sweetheart ko!” Saad nito ng ma-gets nito ang pamumula ko.
“Oo, sabihin mo nga ulit!”
“Sweetheart, Oi namumula ang sweetheart ko!” Ulit nito at kinantiyawan niya ako kaya natawa ako.
“Eh tumigil ka nga! baka mawalan na ako ng mukha sa pamumula ko!” Kinikilig ko pa ring saway naman dito kaya natawa na rin ito kaya hinampas ko ang balikat nito bago ako muling nagsalita.
“Oh! tama na muna itong kiligan natin, pakinggan mo muna ang plano kong oplan paghuli sa isang kriminal na pinaglihi sa clown.” Natatawa kong sabi kaya lalong natawa si Gosano sa sinabi ko.
“Ang harsh mo naman sweetheart sa kanya. Pero ito seryoso na. Ano ang plano mo?”
“Iyon nga tulad ng sinabi ko, ipapalabas natin sa lahat na patay na ako at kapag nakarating na iyon kay Veron ay hihintayin natin ulit ang hakbang nito. Dahil alam kong magkukumahog ito na lumapit sayo kapag nalaman niyang patay na ako.” Pagpapaliwanag ko kay Gosano at inalis ko muna ang kilig na nararamdaman ko dahil kailangan naming seryosohin ito.
“Hindi ko akalain na matalino ka sa bagay na iyan, sweetheart akalain mo iyon naisip mo iyon!” Namamangha namang saad sa akin ni Gosano kaya napangiti ako.
Magsasalita sana ulit si Gosano ng biglang tumunog ang cellphone nito kaya sinabi kong sagutin na muna niya iyon kaya sinagot naman nito ang tumawag.
“Si Veron! ’Wag ka muna maingay!” Sabi nito kaya tumahimik muna ako at pinakinggan ang usapan nila dahil ni loudspeaker nito ang volume.
“Oh! napatawag ka?” kaswal na tanong nito kay Veron.
“Babe! Chill ka lang okay, nangungumusta lang naman ako sayo, nabalitaan ko kasi na may bumaril daw kay bruha I mean sa kasintahan mo? It’s she okay?”
Kunwaring nagulat ito kaya napaismid ako sa narinig.
“Ang bilis mo namang sumagap ng balita, pero Oo, nabaril siya at sa kasamaang palad na m-matay siya! Kaya wala akong panahon para makipag-usap ngayon, Veron kaya pwede ba ’wag mo muna ako kulitin, please lang!” Lalo pang pinalungkot ni Gosano ang boses nito kaya tahimik akong natawa, ang galing kasi nitong umarte.
“Oh! Poor Yna, ang aga niyang pumanaw nakakalungkot. So babe I mean Gas kumusta ka naman paniguradong nalulungkot ka ngayon gusto mo ba ng karamay? Pupuntahan kita riyan tutulungan kita sa pagpaburol kay Yna.”
Sabi pa nito at halata sa boses nito na nagti-take advantage ito sa tono ng pananalita nito.
‘Ang gaga ilang araw pa nga lang ako na patay kuno, Gusto na yatang landiin agad si Gosano, pero maganda nga iyan dahil isa ito sa mga plano ko para mahuli ito sa mismong bibig nito na siya ang nag utos para ipapatay ako.’
“Bahala ka, pero huwag mo muna akong kulitin ngayon. Kung gusto mo makiramay sa akin bahala ka rin hindi kita pipigilan pero hindi kita maasikaso dahil busy ako sa burol na gagawin namin para kay Yna.” Malungkot pa ring saad ni Gosano at agad na nitong pinatay ang tawag ni Veron kahit may sasabihin pa sana ang babae, sapat na iyon para malaman nitong kunwaring napapatay niya talaga ako.
“Okay ba acting ko? At naniniwala kaya siyang patay ka na talaga! What do you think!” Baling nito sa akin kaya napangisi ako at pinuri ko ito.
“Oo galing mo nga kahit ako namangha sayo.
At alam kong naniwala siya sayo. Halata naman sa boses nito!” Sabi ko naman kaya napangiti ito.
“Pero hindi pa rin tayo pwede magpa kampante, matalino rin ang babaeng iyon. Kaya maging alisto pa rin tayo!” Dugtong pa nito kaya napatango ako.
“Alam ko, ngunit huwag mag-alala hayaan lang natin siya kung ano ang gagawin niya, dahil alam ko na kung ano ang susunod nating gagawin.” Sabi ko at sinusubukan na humiga sa aking kama dahil nakaupo ako ng bahagya.
“Ouch!” Napadaing ako ng maramdaman ko ang kirot mula sa sugat ko.
“Oh sweetheart dahan-dahan ka lang baka bumuka ang sugat mo sa balikat!” Nagmamadaling tinulungan ako ni Gosano na inihiga ako ng maayos sa ospital bed kaya ngumiti ako rito dahil tinawag niya muli ako ng ’sweetheart!’ sa pinakamalambing niyang boses sa kabila ng pag-aalala nito.
ITUTULOY