CHAPTER 16

1625 Words
GOSANO UMUWI ako matapos makatulog si Yna, Pero ng nasa loob na ako ng bahay ay nakita kong nakaabang sa may pintuan si Veron na all black itong suot na parang nangluluksa. Kaya napailing ako dahil parang mas namatayan pa ito kaysa sa akin. Bumaba ako mula sa kotse at sinalubong naman niya ako habang may malungkot itong mukha pero hindi niya ako maloloko. Dahil alam ko sa gitna ng malungkot na mukha nito ay ang hindi nito maitatagong saya dahil ang akala nito ay nagtagumpay ito na mapapatay nito si Yna. “Veron? Anong ginagawa mo rito? Kung manggugulo ka lang please lang ’wag muna ngayon nagluluksa pa ako sa pagkawala ni Yna.” Seryosong saad ko rito ngunit lumapit lang ito sa akin at hinawakan ang balikat ko. “Hindi ako manggugulo, Gas, nandito ako para damayan ka!” “Hindi ko kailangan ang presensya mo rito kung gusto mo, makiramay doon ka pumunta sa burol ni Yna sa Concepcion Funeral, ’wag dito sa bahay ko!” Saad ko dito at sadya kong sinabi ang funeral na kung saan doon kami gagawa ni Yna ng pekeng lamay para sa kanya para mapaniwala ito na totoong namatay talaga si Yna kinasabwat na rin namin si mommy, mga magulang ni Yna at sng kapulisan sa gagawin namin. “But Gosano. . . Pero hindi ko na ito pinatapos pa at pumasok na ako ng mabilis sa bahay. Kaya wala na itong nagawa ng saraduhan ko ang dahon ng pinto. Ngayon paniwalang paniwala na ito sa gagawin naming palabas ay magandang pagkakataon ito para matrap si Veron sa mga kasinungalingan nito. VERON MASAYANG masaya ako ng tawagan ko si Gosano at makumperma ko rito na natuluyan na ang babaeng kaagaw ko rito. Nang mabalitaan ko kasi na nabaril ito ng inupahan kong mga goons ay natuwa talaga ako lalo na at nalaman kong wala pa silang suspek sa krimen na ako ay may gawa kahit nahuli nila ang mga ito ngunit nakatakas naman ag lider nila na ito lang ang nakakaalam na ako ang nag utos dito para barilin at patayin si Yna, kaya hindi ako nangangamba na malalaman nilang ako ang may kagagawan niyon dahil wala naman silang makukuhang lead sa mga nadakip nila dahil mga myembro lamang ito at ang totoong may alam na ako ang nag utos ay pinaalis ko na at hindi na nila iyon mahahanap. ‘Nawa’y mapunta at mabulok na ang babaeng iyon sa impyerno kung saan man ito naroon. Sa wakas ay wala na akong magiging kaagaw kay Gosano.’ Tawa-tawa kong saad sa sarili ko at nagtatalon ako sa tuwa. Dalawang krimen na nagawa ko ang parehong mamabaon na sa limot sa kaparehong babaeng ginawan ko ng masama. Ang pagpatay sa kanya ay masaya para sa akin, wala ng kukuha pa ng kahit na sino kay Gosano dahil sisiguraduhin kong ako na lang ang mamahalin nito. ‘Ngayon ang kailangan ko na lang gawin ay samantalahin ang pagkakataon na naluluksa si Gosano para ibabalik ko siya sa akin. Magpapanggap ako na nalulungkot sa pagkamatay ni Yna para mapalapit muli ako sa lalaking mahal ko at hinding hindi ko na uti pakakawalan pa.’ Nakangisi kong saad sa aking isipan habang umiinom ng alak. Bukas ay uumpisahan ko na ang isang plano ko ang muli kong mapa-ibig si Gosano. YNA NAGISING ako bandang alas syete ng umaga habang iniisip ko ang aking mga plano kung paano namin mapapaamin si Veron sa planong pagpapatay niya sa akin. Ako lang ang mag isa sa ward kaya wala akong makausap dahil umuwi muna si Gosano para ihanda nito ang patibong na magpapaamin sa ginawa ni Veron sa akin. At alam kong magiging successful ang mga planong nabuo ko. Mabuti nalang at magaling ako sa mga ganito dahil mahilig ako manood ng mga crime scene at mga trap kung paano mahuli ang isang kriminal. Ang gagawin lang ni Gosano pagkatapos naming paniwalain si Veron na patay na ako ay ang pinakamagandang ideya na alam kong kakagatin ni Veron. Maya-maya pa ay dumating na si Gosano dahil ngayon ako ididischarge nito para makalabas na ako sa hospital. Pagkatapos ay didiretso kami sa conception funeral kung saan nandoon na sila nanay at tatay pati na ang mommy ni Gosano. Para umpisahan na ang aming palabas. “Sweetheart handa na ang lahat nakausap ko na rin si Veron dahil nasa bahay siya kanina. Pumunta na rin ako sa pulis at ibinalita sa amin na nahuli na ang leader ng mga inutusan ni Veron at ikinanta na siya ng mga ito.” Masayang balita sa akin nito kaya napangiti ako at saka ito niyakap. “Salamat naman kung ganoon, handa ka na ba na honey sa gagawin mo?” tanong ko naman dito kaya tumago ito. “Oo, handa na ako pagkatapos ng pekeng lamay mo ay sisimulan ko na rin ang pagpapanggap na muli akong makikipaglapit kay Veron at alam kong hindi iyon magdadalawang isip sa gagawin ko!” Nakangiti namang sabi nito kaya napangiti rin ako. “Basta galingan mo ah! May tiwala ako sayo at sana pagkatapos nito ay magkaroon na ng hustisya ang mga ginawa ni Veron sa akin.” Sabi ko naman na ang tinutukoy ko ay ang mga ginawa nitong hindi makatarungan sa akin. Lalo na ang ginawa nito sa akin noong sampung taon na ang nakakaraan at yes na aalala ko na ang lahat ng iyon kahapon habang nag uusap kami ni Gosano ng sumakit ang balikat ko na sinamahan ng pananakit ng ulo ko. At doon ko na aalala lahat ng nangyari sa akin ten year ago. Na halos ikasira ko noo ang pangyayaring iyon lalo na at panandalian ko iyong nakalimutan. Pero ngayon ay natatandaan ko na ang lahat ng iyon. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng iyon na nagpabubugbog sa akin at ang paghamak ng mga magulang nito sa mga magulang ko kaya hindi nila napakulong ang mga bumugbog sa akin dahil sa pagtapal ng pera nito sa mga magulang ko para iurong nila ng demanda sa mga bodyguard ni Veron. Hindi ko rin naman noon masisisi ang mga magulang ko dahil kapos kami noon sa pera lalo na at nag ka-damage ako sa ulo ng ipabugbog ako noon, kaya pikit mata na lamang iyong tinanggap ng mga magulang ko ang pera at gastos na pagpapa-opera sa akin na sagot lahat ng mga magulang ni Veron, kapalit ng pananahimik nila at kalimutan na lang ang nangyari sa akin, para gumaling ako. “Sweetheart! Okay ka lang ba?” tanong ni Gosano na nagpabalik sa ulirat ko habang iniisip ko noon ang nangyari sa akin sa ginawa noon nila Veron. Nasa byahe na kami papuntang funeral. “Ah! Oo naman iniisip ko lang ang mga ginawa sa akin ni Veron noong ten years ago. Ang liit talaga ng mundo. Ang taong may kagagawan kaya ako nawalan ng aalala sa mga nangyari sa akin noon ay si Veron din pala na nagpabaril din sa akin ngayon sa kasalukuyan. Kaya pala lagi ko napapanaginipan ang mukha nito noon, dahil may atraso pala siya sa akin. Akala ko niib ay mga bangungot lang iyong mga napapanaginipan ko iyon pala ay totoong nangyari iyon sa akin. ” Sagot ko naman dito kaya hinawakan nito ang palad ko ng isang kamay nito habang ito ay nagmamaneho. “Sorry kung wala ako sa mga panahon na nangyari ang mga iyon sayo, pero ‘wag kang mag aalala, ipinapangako ko sayo na makakamtan mo ang hustisya na nararapat sayo na hindi mo nakuha noon. Kaya siguro tayo pinagtagpo dahil ito ang magiging tulay para makamit mo na ang kapayapaan mo sa isipan at puso mo. Kaya hinding hindi kita pababayaan.” Nakangiting sambit nito kahit bakas sa mga mata nito ang lungkot nito para sa akin. “Hindi mo kailangan sabihin sa akin iyan. Natutuwa nga ako at nakilala kita at alam kong pinagtagpo tayo ng tadhana para magamot natin pareho ang mga sugat ng kahapon natin na si Veron ang may dahilan. Kaya hindi ko pinagsisihan na nangyari ito sa akin. Dahil ito ang naging daan upang pagtagpuin tayo ng tadhana at upang mapagbayaran na rin ni Veron ang lahat ng kasalanan niya noon man pati na ang ngayong ginawa niya.” Mahaba ko namang saad dito nginitian ko siya ng pagkatamis tamis. Kaya napangiti na rin ito at pinagpatuloy na nito ang pagmamaneho. ILANG araw na ang nakakalipas ng matapos ang kunwariang lamay ko. Pumunta nga doon si Veron habang nakatago naman ako sa isang silid na naroon din sa likod ng Concepcion Funeral pero kita ko naman ito sa CCTV na naroon na pinakabit ni Giosano para makita ang mga ginagawa nila. Natatawa na lamang ako sa mga nangyayari dahil tudo bigay talaga sa acting sila Gosano pati na mga magulang namin wala naman masyadong nakikiramay kundi sila lang pati na ang mga pulis na kakutsaba namin na mga nakasibilyan. Pagdating naman sa lamay ay pinalabas nilang pina-cremate ako para nga naman hindi na ako magpanggap pa na nasa kabaong pa. Iba talaga nagagawa ng mayayaman dahil madali na lamang kina Gosano at mommy Gracia na gumastos sa lamay na props para lamang mahuli si Veron. Hanggang sa matapos iyon ay talagang nandoon lang si Veron nagpapanggap at kunwaring nakikiramay at nalulungkot din sa pagkawala ko habang nakikisimpatiya kuno ito kay Gosano. Kahit sino na makakakita dito ay mapapaniwala sa mga ipinapakita ni Veron pero hindi ako dahil kitang kita ko sa monitor ang pasimpling ngisi nito habang nasa tabi ni Gosano na sinasamantala ang kalungkutan nito para mapalit ito sa lalaki. Pero hindi nito alam na unti-unti na itong nahuhulog sa bitag na magpaparanasan dito ang walang hanggang pagpaparusa na magpapahirap dito habang buhay para sa kabayaran ng mga kasamaan nito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD