LAST CHAPTER

1660 Words
YNA NGAYON gabi na ang pag arestuhin kay Veron. Last night na ng pekeng lamay ko kuno. Alas nuebe iyon ng gabi at alam kong nakuha ulit ni Gosano ang loob muli ni Veron. Dahil sinabi ni Gosano na nagkukunwari lang kaming mag kasintahan nito sa ikalawang araw ng lamay ko. Para pasakitan nito ang damdamin ng babae, dahil sa pag iwan nito kay Gosano nang mapagsulo silang dalawa sa isang sulok ng punerarya habang umiinom ang mga ito ng alak na sadyang kasama sa palabas namin. “Alam mo bang ang laki ng atraso ko kay Yna, d-dahil ginamit ko lang ito dahil sayo kaya ang laki ng guilt ko ng m-mamatay ito, iniisip ko tuloy na baka na karma na ako sa paggamit ko sa kanya.” Saad ni Gosano, habang nagkukunwaring lasing na ito. Natigilan naman si Veron ng marinig nito ang confession ni Gosano sa kanya. “Ginawa mo iyon, d-dahil sa akin? So ibig sabihin mahal mo pa rin ako sa kabila ng lahat ng nagawa ko sayo?” tanong nito habang mataman na nakatingin ito kay Gosano. “Oo, dahil sayo dahil gusto kong ipamukha sayo na hindi lang ikaw ang kayang makahanap ng iba. Kaya bakit mo kasi ako pinagpalit sa lalaking iyon? Ano bang meron sa kanya na wala sa akin?” may galit sa mga matang tumingin ito sa babae. Kaya napalunok naman sa guilt ang babae. “Patawarin mo ako sa nagawa ko sayo Babe! Nasilaw lang ako sa yaman niya pero maniwala ka, pinagsisihan ko na iyon. Kaya nga bumalik ako sayo dahil narealize ko na mas mahal kita kaysa sa kanya. Kaso ng bumalik ako ay may bago ka na kaya nga ginawa ko ang lahat para bumalik ka lang sa akin!” Pagpaliwanag naman nito kay Gosano kaya natahimik naman ang huli. Kahit na ako man ay natahimik kasi parang hindi na lamang iyon acting para kay Gosano. Parang totoo na ang mga sumbat nito kay Veron. Kanina pa kasi ako nanonood sa dalawa habang nakakubli ako sa may pintuan na malapit sa kanila. “K-kaya nagawa mong ipapatay si Yna? Ganoon ba para lamang bumalik ako sayo?” Ang kaninang sakit na gumuhit sa mga mga mata nito ay napalitan ng galit ng mabangit iyon ni Gosano kay Veron. “What! Hindi kita maintindihan at h-hindi ko alam ang sinabi mo?” Tila nagulat ito sa sumbat ni Gosano pero pinilit pa rin ng babae na magmaang-maangan sa harap ni Gosano. “Liar, Veron, huwag ka ng mag deny pa! Alam ko na ang lahat dahil nahuli na ang leader ng mga inutusan mo para ipapatay si Yna. Napasigaw na si Gosano sa galit at napatayo pa ito sa upuan umayos na rin ito sa pagkakatayo at hindi na nagpanggap pa ng lasing at mahigpit na hinawakan ang kaliwang braso ni Veron at gigil na simpal ito. “B-bitiwan mo ako Gas, nasasaktan ako!” pagpupumiglas nito sa mahigpit na pagkakahawak ni Gosano sa braso nito. “Aminin mo na Veron, ikaw ang nagpapatay kay Yna, at huwag na huwag kang magkakaila dahil marami akong ebidensya laban sayo!” Sabi naman ni Gosano at sininyasan nito ang mga pulis na nagpapanggap na nakikiramay at agad na nilapitan si Veron at pinusanan nila ito para hindi na ito makatakas. “Bitiwan niyo ako mga hayop kayo wala akong kasalanan!” Nagsisigaw si Veron at nagpupumiglas pero hindi pa rin ito binitiwan ng mga kapulisan. At doon na ako lumabas sa nagkukubli ko kaya nanlaki ng mga mata ni Veron ng makita ako, gumuhit sa mga mata nito ang takot at pagkabigla. “Y-yna b-buhay ka?” tili nito kaya lalo itong nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga pulis. “Yes it’s me buhay ako nagulat ka ba?” Nakangisi kong sabi at saka dahan-dahan ko itong nilapitan at malakas na sinampal ko ito sa kanyang tig-kabilaang pisngi. Kaya hindi agad ito nakahuma at natulala lamang sa mga pangyayari. “No, no, no, paanong nangyari ito, h-hindi ito totoo patay ka na!” Parang nababaliw na ito at masama niya kaming tiningnan ni Gosano nang lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa labi sa harapan mismo ni Veron. “Ano’ng feeling na pinaglaruan ka ah, Veron, masakit ba? Pero kulang pa ito sa lahat ng atrasong pinaggagawa mo sa akin at kay Gosano, kaya pagbabayaran mo ang lahat ng kasamaang ginawa mo.” Galit kong saad at muli ko itong sinampal na mas malakas kaysa sa mga nauna. “Mga hayop kayo pinagkaisahan ninyo ako. Pag nakawala ako rito ay humanda kayo maghihiganti ako!” Nag gagalaiting sigaw nito. “Iyan ay kung makakalabas ka pa sa bilangguan matapos ng lahat ng ito. Sisiguraduhin kong mabubulok ka na sa bilangguan. Kung na abswelto ka sa ginawa mo sa akin noon, pwes hindi ko na hahayaang makawala ka pa ngayon. Dahil hindi ko na hahayaang matakasan mo naman ang lahat ng mga kasalanan mo!” Paniniguro ko rito at saka sinabihan na ni Gosano ang mga pulis na dalhin na si Veron sa police station. Kaya kinaladkad na nila ito papalabas sa conception funeral. Kaya wala ng nagawa pa si Veron kundi ang titigan na lamang kami nito ng masama pero makipagtitigan din ako dito hanggang sa tuluyan na silang makalabas doon kaya doon lang ako nakahinga ng magaan. “Tapos na ang lahat sweetheart, makukulong na si Veron at hindi ko siya hahayaan pang makalabas pa sa kulungan. Kaya huwag ka ng matakot o mangamba pa!” Saad ni Gosano at saka niya ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa ibabaw ng ulo aking ko. Nakaramdam ako ng kasiyahan ng sa wakas ay nahuli na si Veron kaya tumango naman ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit habang nagpapasalamat dito. VERON NAGSUSUMIGAW ako sa inis at galit ng malaman kong pinaglaruan lang pala ako nila Gosano at Yna. Nandito ako ngayon sa kulungan habang hinihingaan ako ng salaysay, pero kahit anong tanong nila ay hindi ako sumasagot. Wala silang makukuhang kahit ano’ng pag amin sa akin. Hindi ako papayag na makukulong lang ako ng ganito kabilis. Sisiguraduhin kung makakatakas ako dito kahit anuman ang mangyari. Pangako ko sa aking sarili habang hawak ko ang mga bakal na nasa selda at iyon ang pinanggigilan kong pigain. “Ma’am Veron. Ang malas naman natin nagkasama pa nga tayo dito sa kulungan.” Bigla na lamang may nagsalita sa aking likuran at kilala ko ang boses na iyon kaya marahas akong napalingon dito. “You, this is your fault bakit ka ba nagpahuli sa mga pulis? Hindi ba sabi ko sayo ay magpakalayo layo ka na?” Nanggigili kong sabi rito at saka siya sinampal. Ang walang hiyang Greg na ito. Ito iyong leader ng sangganong inutusan kong patayin si Yna. “Teka-teka mam bakit ako? Eh nagpahuli ka nga rin? Kaya hindi ko ka kasalanan kung makukulong ka rin.” Saad naman ng lalaki habang nakangisi pa kaya lalo akong nainis dito. Napaupo na lamang ako sa sahig at hindi ko alam kung ano aking sasabihin at mararamdaman ko sa mga oras na iyon. YNA ANG mga araw ay lumipas at sa wakas ay araw na upang dumulog kami sa korte at litisin sa mga kasalan si Veron. Ang bawat isa ay dumating upang masaksihan ang kasong ihahatol sa nagkasala. Ang lahat ay nandoon, mga magulang ko, mommy ni Gosano at pati na rin ang ibang taga opisina sa kompanya ni Gosano ay mga dumating din. Kaya magkaroon ako ng lakas ng loob dahil sa mga sumuporta sa akin lalong lalo na ang pinakaimportanteng tao sa akin ang kasintahan ko na ngayong si Gosano. Dinala na sa unahan si Veron at ako naman ay isinalaysay ang buong pangyayari noong sampung taon na ang nakakaraan kaya nagulat si Veron at hindi siguro nito inaasahan na mabubuksan ang kaso laban sa kanya noon. Ang akala siguro nito ay iyong kasalukuyan lang ang ihahain naming kaso laban dito kaya kampanti pa ito ngunit matibay ang mga ebidensyang nakalap namin kaya lalong tumibay ang kasong isinasampa namin dito. Kaya ng umpisahan ang paglilitis sa kanya simula ng sampung taon na ang nakakalipas ay gumuho ang pag-asa nitong makakalaya pa at matakas ang mga kasalanan nito kaya hindi na ito nakatakas pa at hinatulan ito ng pagkakasala sa kasong attempted m*rder dahil muntik na ako nitong mapatay sanhi ng pagkadamage ng aking ulo at dahil tinakasan niya pa noon ang kasalanan niya ng tulungan ito ng mga magulang nito. Ay hinatulan ito ng reclusion temporal ng labing dalawang taon hanggang dalawampung taon sa kulungan isinama na rin ang bago nitong krimen sa akin kaya nadagdagan pa ito ng labing dalawang taon sa kulungan. Kaya halos panawan ito ng ulirat ng iaannounce na ng Judge ang hatol dito na Guilty. Ang mga magulang naman ni Veron dahil patay na ay hindi na nila iyon mapapakulong pa pero okay lang iyon. Dahil alam kong nasa impyerno na ang mga iyon at alam kong napagbayaran na nila ito sa kabilang buhay. Pero para sa akin ay hindi mahalaga kung gaanong karaming taon ang gugugulin niya sa bilangguan ang importante sa akin ay mapagbayaran nito ang lahat ng mga ginawa nitong krimen sa akin at sa mga magulang ko ng hamakin nila ang mga ito. “Miss Veron Smith, ikaw ay pinarusahan sa ilalim ng batas sa pagkakabilanggo dahil sa pagtatangkang pagpatay kay Yna Christoval. Kaya ikaw ay inakusahang Guilty!” Saad ng Judge matapos basahin ang hatol kay Veron kaya nag palakpakan naman ang kami namin dahil sa pagkapanalo ko sa kaso. Napapangiti ako na tumingin kay Gosano at mangiyak ngiyak ko itong niyakap ng mahigpit. Tiningnan ko rin ang aking mga magulang at mababakas sa mga mata nito ang saya. Kaya nilapitan ko rin ang mga ito at niyakap ko sila ng mahigpit. Niyakap din kami ni Gosano at masaya kaming nag iyakan habang ang mommy naman ni Gosano ay masaya lang na nakatingin sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD