GOSANO
UMALIS na kami sa korte at umuwi na habang sakay kami ng Van na dala namin kanina. Sabay-sabay kaming umuwi sa bahay ko at doon kami mag cecelebrate ng pagkapanalo namin sa kaso.
“Honey, baka pagod ka na pahinga ka na muna, ang dami mo ng ginawa sa akin, mula ng makalabas ako sa hospital alam kung wala ka pang tulog ng maayos dahil sa pekeng lamay na ginawa natin.” Sabi sa akin ni Yna habang nakaupo kami sa terasa at nagpapahangin.
Habang ang mga magulang ni Yna at si Mommy ay nagkakasiyahan sa sala ay pumuslit kami ni Yna para makapag solo at makapagpahinga na rin.
“Hindi ako mapapagod basta para sayo, sweetheart mahal kita at handa akong gawin ang lahat para mapasaya lamang kita, ganoon kita kamahal.” Ganting sagot ko rito kaya napangiti ako at niyakap ko ito bago ko hinalikan ang mga labi nito.
PAGKALIPAS ng tatlong buwan. Ako at si Yna ay naging maayos at mapayapa ang mga naging araw namin bilang magkasintahan nawala ang pangamba namin matapos mapagbayaran ni Veron ang mga kasalanan nito.
Binuksan ko ang gate at nakita kong pumasok ang sasakyan ni Yna, kaya sinalubong ko ito, paalis na sana ako para ihanda ang sorpresa dito pero umuwi naman agad ito ng maaga ngunit hindi ako nagpahalata na may ginawa akong sorpresa dito.
Nilapitan ko agad ito nang bumaba ito mula sa sasakyan na binili niya sa sweldo niya bilang manager sa kompanyang ibinigay ko sa kanyang trabaho nitong mga nakaraang buwan. Kayang kaya ko naman siyang bigyan kahit ilang kotse pa ang gugustuhin nito pero hindi siya pumayag dahil gusto raw niyang makabili mula sa sahod niya sa pinagpaguran daw nito kaya hindi ko na ito kinontra pa.
“Good Morning sweetheart bakit ang aga mo yatang nakauwi?” tanong ko rito dahil galing ito sa bahay ng mga magulang nito at doon ito natulog kahapon. Dahil namimiss na raw niya ang pamilya nito kaya pinayagan ko itong dumalaw sa kanila.
Nakangiti naman itong yumakap sa akin at hinalikan niya ako sa labi bago nito sinagot ang tanong ko.
“Inagahan ko talaga ang uwi dahil namiss na agad kita!” masayang sagot nito kaya kinilig naman ako sa sinabi nito.
“At tsaka ’diba, sabi mo may pupuntahan tayo kaya inagahan ko na ang uwi para makapag-ayos pa ako.” Dugtong pa nito kaya napatango ako at napapangiti.
“Oo nga pero mamayang hapon pa iyon. Pero dahil nandito ka na ay si secretary Pascua muna ang bahala sayo para makapag-ayos ka! Sa ngayon ay mauuna na muna ako sa pupuntahan natin, okay hihintayin kita.” Saad ko dito kaya napatingin ito sa akin.
“Ah bakit! At saan ba talaga tayo pupunta?” nagtatakang saad nito.
“Secret! basta mag ayos ka ng mabuti at malalaman mo rin.” Nakangiti kong sagot at tsaka ko binalingan si mrs. Pascua na nakaupo sa sopa at nginitian ito.
“Mrs. Pascua, ikaw na po bahala kay Yna.” Baling ko naman kay Mrs. Pascua na nakangiting tumango sa akin.
“Yna mauna na ako kita na lang tayo mamaya.” Nagmamadali kong saad at agad na lumabas sa bahay. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at agad na akong umalis.
YNA
NAGUGULUHAN kong sinundan na lamang ng tingin ang papaalis na likod ni Gosano habang hindi ko maiwasang magduda. Kaya binalingan ko na lamang si Mrs. Pascua at ito ang tinanong ko pero sa halip na sagutin niya ako ay ngiti lang ang itinugon nito sa akin.
Agad niya akong hinila sa may dressing room at mabilis na inayusan hindi ako nakahuma dahil naguguluhan pa ako sa mga ikinikilos ng mga tao sa paligid ko. Hanggang sa hindi ko na malayang tapos na akong ayusan at bihisan ng sekretarya ni Gosano.
Nagpatianod na lamang ako sa matanda at agad kaming sumakay sa kotse ko at ito na ang nagmaneho. Hinayaan ko na lamang ito at nirelaks ko na lamang aking sarili at iniisip ko na lang kung anong dadatnan ko sa pupuntahan daw namin ni Gosano.
Gabi na ng makarating kami sa pupuntahan namin hindi ko namalayan mahaba haba pala ang aming biyahe bagamat ’di ako nabagot ay nag enjoy naman akong pagmasdan ang mga tanawin sa dinadaanan namin. Agad kaming bumaba ni Mrs. Pascua sa sasakyan ko matapos niyang mag park sa hindi kalayuan sa isang beach resort kaya namangha ako ng tuluyan na kaming nakapasok doon.
Ngunit ang gandang aking nakikita ay biglang nagdilim ng may nagpiring ng mga mata ko kaya kinabahan ako, tinawag ko si Mrs. Pascua ngunit walang sumagot.
“Gosano ikaw ba iyan? Mrs. Pascua!?” sunod-sunod kong tawag ngunit tila parang mga bingi ito kaya lalong nadagdagan ang kaba ko.
Wala na akong nagawa nang akayin na ako ng taong umaalalay sa akin, kaya gumawa na lamang ako mga hakbang at sumabay na lamang sa mga hakbang nito.
Hanggang sa huminto kami at biglang gumaan ang mga mata ko at tila inalis na ng taong iyon ang aking takip sa mata kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga iyon.
May nakita akong isang stand na punong puno ng dekorasyon ng puti at kulay pink ng mga rosas at may nakita akong isang card na nasa ibabaw niyon at doon ay may nakasulat.
Sundin ko lang daw ang mga rosas na nasa kanan na nakalatag sa buhanginan kaya napababa ang paningin ko at doon ko nga nakita ang nagkalat na petals ng mga bulaklak. Nawala na rin ang nag piring ng aking mga mata at kahit si Mrs. Pascua ay hindi ko na rin nakita pa.
Kinakabahan ako na may halong excitement ng makita ko ang mga iyon. Kaya ang kaninang pag aalinlangan ko ay napalitan ng pagkasabik kaya wala na akong oras na sinayang at agad ko ng tinahak ang mga petals ng mga rosas at binagtas ang daan sa kung saan man.
Hinawakan ko ang card at patuloy na sinusubaybayan ang mga rosas. At tumigil ako ng may isang card naman ang nandoon na nakalagay ulit sa kaparehong stand ng nauna. At binasa ko ito. Kinuha ko ito at patuloy na naglakad hanggang sa makumpleto ko na ang mga card na nakasulat doon.
Binasa ko muli iyon isa-isa:
WILL
YOU
MARRY
ME
MY
PRETTY
MAID
IN
MY
HEART
Kaya natawa ako sa nabuo kong mga words. At doon ko na rin naintindihan ang lahat na nangyayari.
‘Gosano, honey! Seryoso ba ito?’
Bulong ko at biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa kasiyahan nang makita ko ang huling mga petals ng mga rosas at sa dulo niyon ay nakita ko ang isang tao na gwapong gwapo sa suot nitong isang dark blue na suit na nakaabang sa akin, walang iba kundi si Gosano.
“A-ano ito ikaw ba lahat ang gumawa nito?” Maluha-luhang tanong ko nang tuluyan akong makalapit dito.
“Yes, pero nagpatulong pa rin ako kay mommy at kila nanay at tatay sa pagprepare dito.” Sagot naman nito sabay turo nito sa likuran ko.
Kaya napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko silang nakatayo roon at mga nakangiting nakatingin sa amin kasama nila si Mrs. Pascua na nagtumbs up pa sa akin.
Kaya napangiti ako habang naluluha sa sorpresang inihanda nila para sa akin.
Pagkatapos ay bumalik ang tingin ko ulit kay Gosano na nakaluhod na sa buhanginan sa nakahilerang mga petals na hugis puso.
Kaya napasinghap ako sa gulat kaya hindi ko na mapigilan ang mapaiyak dahil sa mga nangyayari.
Ang lalaking kaisa isang minahal ko ay nakaluhod ngayon habang hawak nito ang nakabukas na box ng singsing habang may ngiti sa mga labi nito. Kaya hindi ko maiwasang mapalunok sa kaba at sa katuwaan dahil kahit hindi pa nito sinasabi ang mga katagang gusto kong marinig dito ay alam ko na ang ibig niyo’ng sabihin.
“Honey!” Iyon lang ang namutawi sa mga labi ko habang tahimik na umiiyak.
“Ngayon nandito ka na sa harapan ko at sa mismong harapan ng ating mga magulang. Gusto ko lang sabihing mahal na mahal kita Sweetheart. Handa kong gawin ang lahat at ibigay ang lahat sayo, kahit ang sarili kong buhay dahil ganun kita kamahal. Kaya sana gusto kong marinig sa mismong mga labi mo ang magiging sagot mo. Yna, mahal mo rin ba ako? At handa ka bang makasama ako habang buhay. Will you marry me Yna Christoval?” Mahabang saad nito habang nakaluhod pa rin at mababakas sa mga mata nito ang pagmamahal ngunit may kaba pa rin sa mukha nito kahit nakangiti ito.
Hindi pa rin ako makakilos sa kinatatayuan ko dahil sa pagka-overwhelm kaya lalo itong namutla sa kaba sa pag aakala nitong baka ‘No’ ang isasagot ko habang namayani naman ang katahimikan sa mga magulang namin na nasa paligid lamang.
Kaya natauhan ako sabay nagpakawala ako ng isang pagkatamis-tamis na ngiti sa aking mga labi at inabot ko ang kamay ko sa kanya.
“Mahal na mahal din kita Gosano at Oo, magpapakasal ako sayo, kahit saang simbahan pa iyan!” Naiiyak ko namang sagot dito kaya natigilan ito.
Pero maya-maya lang ay napatayo ito sa tuwa at agad nitong isinuot sa palasingsingan ko ang magandang singsing na hawak nito sabay yakap ng mahigpit sa akin.
“Oh God. Ginawa mo akong pinakamasayang tao sa buong mundo, sweetheart. Promise hinding hindi ka magsisising pumayag kang magpakasal sa akin. M-mahal na mahal kita Yna.”
Masayang saad nito matapos niya akong yakapin ng mahigpit at sa pagkabigla ko ay ginawaran niya ako ng madamdaming halik na nagpapikit sa aking mga mata.
Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagpalakpak ng lahat at hiyaw ng bunso kong kapatid na si Yno dahil sa sobrang saya ng mga ito.
Kaya naputol ang halikan namin ni Gosano kaya sinimangutan ko si bunso at sinabi ko rito ang tagang ‘isturbo’ kaya napuno ng tawanan ang aming paligid.
Masaya kaming lumapit sa mga ito ng may ngiti sa aming mga labi habang magkahugpong aming mga palad ni Gosano.
Sa mga nangyari sa amin at sa kabila ng mga pagsubok na aking naranasan ay ito na yata ang pinakamasayang araw na hinding hindi ko makakalimutan kailanman.
~THE END~