" Thunder, wag masyadong malayo!!" Sigaw ko sa bata. Nasa isang sikat na beach resort kami at nagsasaya dahil nandito yong mga lahat ng kamag-anak nila. Isang buwan na kasi ang nakalipas simula nong pumunta kami ng canada at ngayon may family day na naman sila, ang saya nga tignan eh dahil lahat sila nakangiti at tumatawa. Kahit papano napalapit narin ako sa ilan sa kanila. "Tita.. pupunta muna ako kay mommy ha?" Tumango naman ako at pinanuod naman siyang tumakbo. Nasa ilalim ako ng maliit na puno at nakaupo habang tinatanaw ang dagat, hindi masyadong mainit at mukhang uulan pero hindi talaga uulan. Makulimlik lang, anyways.. Si Tony, nitong mga nakaraang buwan kakaiba lahat ng kinikilos niya. Masyado na siyang carring, at nagaalala sa akin kahit maliit na bagay lang, kinukumusta ako k

