Ako ngayon ang magsasara ng Restau dahil ako ang huling natapos. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko ng may marinig akong ingay na nagmumula sa backdoor ng restau, malapit lang kasi ang pinag-parkingan ko. Dahan-dahan akong naglakad at sinilip ang pinto ng backdoor at napatago naman ako ng may aninong gumalaw sa tinitignan ko. Magnanakaw! Bumalik ako sa kotse at kinuha ang cellphone ko at agad na tinawagan si Coleen. "Hello! Coleen, tumawag ka ng mga police, may magnanakaw na nakapasok ng restau, bilisan mo." Nagmamadaling sabi ko. "Okey sige, wag na wag mong tangkaing lapitan yan, baka may kong anong b***l o kotselyo yan.. sige na." Binaba na niya kaya binalik ko na sa bag ang phone ko at naglakad ako papunta sa back door. Hindi pweding hindi pigilan ang magnanakaw, may volt d

