Dalawang araw na ang nakakalipas at nakalabas na ako sa Ospital. Nandito nga pala ako sa bahay ni Tony, at may kukunin daw siya na ibibigay niya sakin. "Here.." may binigay naman siyang picture sakin. "Ako to ah, at sino naman ang lalaking to? Also this woman?" Turo ko sa lalaking kumakarga sakin at babaing kayakap niya. "Wala kaba talagang maalala?" Nagtaka naman ako at umiling, ano naman ang dapat kong maalala? "Bakit? Ano bang meron sa picture nayan?" Umupo naman kami sa couch habang tinititigan ko ang letrato. "That man is Zack Dilreal, and this woman is Donna Dilreal, magasawa sila.." bigla namang nagdagundong ang puso ko sa sinabi niya. "Kong ganon? Bakit ako nandyan sa picture? O baka naman hindi ako to? Baka kamukha kolang.." umiling naman siya, mukhang hindi maganda ang patu

