CHASING MY PROFESSOR EPISODE 41 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “I’m sorry kung pinag-alala kita ng sobra, Lucianna. Marami kasi akong ginawa na importante doon sa probinsya namin kaya wala na akong panahon para makapag bukas ng aking phone.” Bahagya akong ngumiti at tahimik na tumango. “Okay lang, Gabriel….” “I’m sorry, Lucianna.” “I already forgave you.” Sino ba naman ako para magalit sa kanya at mag demand? Ang importante ay nandito na si Gabriel at bumalik na siya sa akin. Oo, nainis ako sa kanya dahil hindi man lang siya nagbigay ng kahit ilang segundo sa pag text sa akin upang hindi ako mag-alala sa kanya. Pero naiintindihan ko naman na busy siya at kasama niya ang kanyang pamilya kaya hindi na ako mag galit-galitan dito at tanungin ng kung anu-ano si Gabriel. Nakahiga kami ngay

