CHASING MY PROFESSOR EPISODE 42 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “G-Gabriel, may kailangan kang malaman tungkol sa ating dalawa…” Ang lakas ng t***k ng aking puso ngayon at pinagpapawisan na rin ako. Hindi naman sa natatakot ako sa magiging reaksyon ni Gabriel… kinakabahan lang ako sa magiging epekto kapag sinabi ko na sa kanya ang totoo. Dahil noong sinubukan ko na sabihin sa kanya na asawa niya ako ay bigla siyang nahimatay at muntik na siyang ma comatose sa aking ginawa dahil hindi nakayanan ng kanyang utak ang mga memoryang sinasabi ko. Kaya ngayon ay nagdadalawang isip pa rin akong sabihin sa kanya. Paano ko ba sasabihin sa kanya ng hindi siya napapano? “What is it, Lucianna? Tell me,” seryoso na sabi ni Gabriel. Napalunok ako sa aking laway at huminga na muna ng malalim bago maisipan

