CHASE: 7

1369 Words
CHASING MY PROFESSOR EPISODE 7 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “Hindi mo sineseryoso ang subject ko sa inyo, Miss Coleman. Do you really want to become a civil engineer? Or do you want to study again in a different course in college because you were bored in your life? Ganyan ba talaga kapag wala ka ng mapaggagastusan sa pera mo?” Nandito na ako ngayon sa loob ng office ni Gabriel at nakaupo siya ngayon sa kanyang swivel chair habang nakatingin ng seryoso sa akin at pinaglalaruan niya sa isa niyang kamay ang kanyang ballpen. Hindi ako makapagsalita ngayon sa sinabi ni Gabriel at natatakot ako ngayon dahil baka bigla niya na naman akong sigawan. “Ang simple at ang basic lang nitong plates na pinapagawa ko sa inyo, Miss Coleman. Imposible na wala kang alam sa mga ganito? Your father is an engineer, and also your brothers,” muling seryoso na sabi ni Gabriel habang nakatingin pa rin sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manggas ng aking damit at ang lakas din ng kabog ng aking puso ngayon. “S-Sorry, Sir. Ang dami ko kasing ginagawa—” pinutol niya ang aking pagsasalita kaya napatingin ako sa kanya. “Kaya hindi mo sineryoso ang simple kong project sa inyo, Miss Coleman?” Mabilis akong napailing. “S-Sir, hindi po….” Napailing-iling siya at humahalakhak. Hindi ko mapigilan na magtaka sa pagtawa ngayon ni Gabriel habang ako naman dito ay naiiyak na dahil baka ibaksak niya ako at pagalitan. Tumigil siya sa kanyang pagtawa at mabilis na nag iba ang ekspresyon niya sa mukha, muli itong naging seryoso. “Don’t make that face to me, Miss Coleman. Hindi ako maaawa sayo kahit na umiyak ka pa,” malamig na sabi ni Gabriel. Hindi ko mapigilan na masaktan sa sinabi ni Gabriel at napayuko ako dahil hindi ko na napigilan ang sarili kong mga luha na makawala. “S-Sorry po, Sir. Gagawa na lang ulit ako… kahit maliit na lang na grade ang ibigay niyo sa akin,” mahina kong sabi at tumalikod na sa kanya. Akmang lalabas na ako sa office ni Gabriel nang bigla kong maramdaman ang kanyang kamay sa aking braso at iniharap niya ako sa kanya. Nagulat ako sa ginawa ni Gabriel at nanlaki ang aking mga mata. “S-Sir!” gulat kong sabi habang nakatingin sa kanya. Bigla niya akong itinulak at isinandal niya ako sa may pintuan. “Sir—” “Stop calling me Sir if you have another agenda why you’re here in the university, Lucianna.” Namutla ako sa kanyang sinabi at hindi ako makapagsalita ngayon. Ang lapit ng mga mukha namin ni Gabriel ngayon at hindi ako makahinga ng maayos dahil sa aming posisyon. “I know who you are, Lucianna,” muling sabi ni Gabriel. Bahagya akong napasinghap sa gulat sa kanyang sinabi. “W-What do you mean—” “That you been my stalker since then? Someone told me about that,” seryosong sabi ni Gabriel habang nakatingin siya sa akin na may ngiti sa mukha. Napaawang ang aking bibig sa sinabi ni Gabriel. What? I was his stalker? Saan niya nakuha ang balitang ‘yan? Hindi ako kailanman naging stalker ni Gabriel! Hindi ko gagawin ang ganyang kadesperadahan sa buhay ko. “W-What? N-No! Hindi ‘yan totoo,” pagtanggi ko sa kanyang akusa sa akin. Ngayon ay nakaramdam na ako ng inis sa aking narinig galing sa kanya. Kaya niya ba ako gustong papuntahin dito sa office niya para pag-usapan namin ang tungkol dito? “Stalking you? I will never do that, Sir Gabriel. I still have my principles in life, and doing that desperate thing will never be a part of my journey,” seryoso kong sabi sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Kahit na gusto ko pang makausap si Gabriel at sabihin sa kanya ang totoo sa nakaraan namin, mas minabuti ko na lumayo muna sa kanya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking braso at itinulak ko siya palayo sa akin. Alam ko na hindi ka respe-respeto ang aking ginawang pagtulak sa kanya dahil professor ko pa rin siya at nandito kami sa kanyang opisina, pero siya rin naman ang nagsimula eh. Hinila niya ako at bigla niya na lang akong isinandal sa may pintuan at sinabihan niya ako na stalker. “I have never been your stalker, Mr. Gabriel Nathan Generoso. Kung saan mo man ‘yan narinig ay wala iyong katotohanan. I’m here for another reason. So, please, if you excuse me Sir, I like to eave and do my plates project again,” seryoso kong sabi sa kanya at bahagyang yumuko kay Gabriel at lumabas na sa kanyang opisina. Pinigilan ko ang mga luhang pumatak ulit sa aking mga mata habang naglalakad ako ngayon sa hallway. Nang may nakita akong malapit na restroom ay pumasok na muna ako sa loob at pumunta sa bakanteng cubicle at doon ako umiyak ng umiyak. I was expecting that Gabriel would say that he knew me as his ex-wife, his one true love, not until he lost all his memories, including ours. We had a great memories together, kahit pa noong nanliligaw pa siya sa akin hanggang sa naging boyfriend ko na siya. Maaga kaming kinasal ni Gabriel pero mas naging matibay lang lalo ang aming pagmamahalan. Pero ngayon? I don’t know. Hindi ko na alam ang gagawin ko—hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ‘tong kahibangan ko. Alam ko naman na napaka risky nitong gagawin ko at sigurado ako na masasaktan talaga ako kahit anong mangyari. Pero ginusto ko naman ‘to eh, hindi na ako pwedeng mag backout dahil nandito na ako. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking luha sa aking mga mata at napagpasyahan ng lumabas na sa cubicle at pumunta sa may salamin upang tingnan ang repleksyon ko rito. Hindi ko mapigilan na maawa sa aking sarili dahil ang pula ng aking mga mata ngayon at kitang-kita sa aking mukha ang sobrang lungkot. Kahit anong pilit ko sa pag ngiti ay makikita pa rin ang lungkot at sakit galing sa aking mga mata na namumula ngayon. Konting tiis pa, Lucianna. Kaya mo pa naman diba? Kung hindi na talaga…. ‘Wag mo nang pilitin ang sarili mo. Huminga ako ng malalim at inayos ko muna ang aking sarili at pinilit ko na ngumiti ngayon habang nakatingin sa aking sarili sa salamin. Nang hindi na halatang umiyak ako ay napagpasyahan ko ng lumabas sa restroom at laking gulat ko ng makita ko si Gabriel ngayon na naglalakad sa may hallway at akmang tatakbo ako para hindi niya ako makita ng mabilis siyang napatingin sa aking gawi at naglakad siya papalapit sa akin. “Lucianna, wait!” sabi niya at patakbong lumapit sa akin at tumigil siya sa aking harapan. Bahagya pa siyang hinihingal dahil sa kanyang pagtakbo. Tahimik lang ako ngayon habang nakatingin sa kanya. “May gusto ka bang sabihin o itanong sa akin, Sir?” seryoso kong sabi sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Napalunok siya sa kanyang laway at napa tango-tango habang nakatingin sa akin at nagsimula na siyang magsalita. “I just want to say sorry for what I said to you earlier, Miss Coleman.” Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Gabriel. Ramdam at nakikita ko ang sinseridad sa paghingi ng tawad sa akin ni Gabriel ngayon sa akin. “I’m sorry again, Miss Coleman. And yes, you can do the plate again and pass it to me next week. Take care of yourself, Lucianna,” sabi ni Gabriel at naglakad na siya paalis sa akin. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. He said sorry to me. He feels sorry for what he did. Ang sabi niya ay hindi siya naaawa ng mga estudyante—but I am one of his students and he should not feel sorry for what he said for me earlier. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako ngayon. Huminga ako ng malalim at nagsimula na ulit ako sa aking paglalakad. Now, nararamdaman ko na may pag-asa pa talaga ako. I still have a chance to have him again. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD