CHASE: 8

1149 Words
CHASING MY PROFESSOR EPISODE 8 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “Congratulations to Miss Lucianna Lei Coleman for having the highest score in our prelim examination.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Gabriel at agad din na nag palakpakan ang aking mga kaklase at binati nila ako. Pinapunta ako ni Gabriel sa harapan at kinuha ko kaagad sa kanya ang aking test paper na may nakalagay na score sa taas na may 49/50 ang score. Oh my Gosh! Totoo ba ‘to? Isa lang ang aking mali. “Wow! Ang galing mo naman, Lucianna,” sabi ng aking seatmate na si Ericka habang nakatingin sa aking testpaper na hawak. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. Nakaramdam din ako ng sobrang sayo lalo na’t wala pa akong maayos na tulog habang nag su-study ako sa subject ni Gabriel sa amin. Inaamin ko na bias ako sa lahat ng subjects ko ngayon sa 1st semester namin dahil sa subject lang ako ni Gabriel masyadong nag focus dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako bumalik ngayon sa pag-aaral ko eh. Muli akong napatingin kay Gabriel at bahagya akong nagulat ng nakita ko siyang nakatingin na rin pala sa akin ngayon. Ngumiti ako sa kanya at akala ko ay hindi na naman niya ako papansinin pero nagulat ako ng ngumiti siya pabalik sa akin at nagsimula na siyang mag discuss sa kanyang topic ngayon na araw. Simula nang nagkasagutan kaming dalawa ni Gabriel sa kanyang opisina at nag sorry siya sa akin sa may hallway ay hindi na niya ulit ako pinagalitan at pinagsasabihan ng kung anu-ano. Hindi na rin siya masungit—well, konti na lang na masungit. May time talaga na lumalabas ang pagiging masungit ni Gabriel at ang dami ng mga kaklase ko ang napagalitan at napahiya niya at walang nagawa ang mga kaklase ko kundi ang umiyak at tanggapin ang lahat ng sinabi ni Gabriel. Pero nagpapasalamat na rin ako na hindi na ako pinapagalitan ni Gabriel kasi nakakapagod ng umiyak. “Lucianna, sumama ka sa amin mamaya! May cousin’s bonding tayo.” Nang matapos na ang class namin kay Gabriel ay agad kong narinig na tumunog ang aking phone at may tumatawag sa akin at walang iba kundi ang aking pinsan na si Aiden. Nakauwi na pala si Alessandra galing sa kanyang secret mission sa Germany or sa Italy—ewan ko ba saan ang exact location basta delikado ang trabaho ng pinsan ko na si Alessandra at nagpapasalamat kaming lahat na buhay at maayos siyang nakauwi dito sa Pilipinas. “Aiden, alam mo naman na busy ako sa pag-aaral ko diba?” sabi ko habang naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa sunod ko na class. Narinig ko ang kanyang pag buntong-hininga sa kabilang linya. “Sige na, Lucianna! Ngayong gabi lang naman eh. Kumpleto tayong lahat! Alam mo naman na kakauwi lang din dito sa Pilipinas ni Chantal diba? Mas maganda kung kumpleto tayong magpipinsan,” muling sabi ni Aiden sa kabilang linya. Napakagat naman ako sa aking labi at napaisip kung sasama ba ako mamaya o hindi. May gagawin pa kasi akong plates mamaya para sa subject ni Gabriel. Imposible naman kasi na hindi ako mapapainom mamaya eh grabe makatulak ang mga pinsan ko at hindi kami pwedeng umuwi habang hindi nakakainom ng alak. Bumuntong-hininga naman ako at tumango. “Fine! Pero hindi ako magpapakalasing, okay? Pupunta lang ako dyan dahil namiss ko rin si Alessandra at si Chantal,” sabi ko. Narinig ko ang pag halakhak ni Aiden sa kabilang linya. “Very good! Tama na muna ‘yang paghahabol mo sa ex-husband mong wala nang maalala, Lucianna. Mag enjoy na muna tayo mamaya,” sambit ni Aiden. Napailing-iling na lang ako sa kanyang sinabi at nagpaalam na ako sa kanya dahil may klase pa ako. Isang buwan na ang nakalipas simula nang mapagpasyahan ko na bumalik sa pag-aaral. Ngayon ay unti-unti ko na rin na nagugustuhan ang pagbabalik aral ko at sa course ko na civil engineering kahit na mahirap. Tinutulungan naman ako ni Alaric kapag kailangan ko na talaga ng mapagtatanungan na engineer at hindi ko na alam ang aking gagawin. Nahihiya kasi akong tanungin si Dad lalo na’t kailangan din nila ng lambing moments ni Mom pagkauwi nila galing sa work. Si Kuya Matthias naman ay busy rin sa kanyang new projects at nag re-ready na siya sa kasal nilang dalawa ni Sarah. Ang bunsong kapatid ko na lang talaga ang makakatulong sa akin. Natapos na ang klase ko nang mag 12 PM na. Half day lang kasi ang class namin dahil morning session lang naman ako. Maganda na rin ito dahil maaga akong makapag handa para sa lakad naming magpipinsan mamaya. Isasabay na raw ako ng aking kapatid na si Ric papunta sa bar na pupuntahan namin mamaya. Habang maaga pa, sisimulan ko na lang na gawin ang aking plates para hindi na ako gagawa mamaya pag-uwi ko galing sa bar. Naglalakad na ako ngayon palabas sa department namin at papunta na sa parking area upang makasakay na sa aking sasakyan at makauwi. Habang naglalakad ako ngayon at papalapit na ako sa may parking area ay natigilan ako ng makita ko si Gabriel sa hindi kalayuan at hindi lang siya mag-isa… may kasama siyang babae. At nakangiti ngayon si Gabriel habang ang babae naman ay parang may nakakatawang sinasabi sa kanya. Nakita kong hinawakan ni Gabriel ang bewang ng babae at inalalayan niya itong makapasok sa sasakyan at agad din na pumunta si Gabriel sa driver’s seat. Bago sila makaalis ay nagmadali ako sa pagtago upang hindi ako makita ni Gabriel at nakita ko ng umandar ang kanyang sasakyan at umalis na siya… kasama ang babae na nasa loob ng kanyang sasakyan. Napatulala naman ako at napakagat sa aking labi. Sino ang babaeng kasama niya kanina? Girlfriend niya ba ‘yun? Habang pinagmamasdan ko sila kanina ay nakita ko na masyadong maingat si Gabriel sa babae. Nasasaktan ako… naninikip ang aking dibdib sa hindi malaman na dahilan. Huminga ako ng malalim at nilabas ko ang aking phone at naisip ko na mag message sa pinsan ko na si Aiden na tumawag sa akin kanina. To Aiden: Aiden, maglalasing ako mamaya. Alam ko na kami na naman nila Ric ang huling darating dyan at kayo naman ang pinakauna… orderan niyo na kaagad ako ng pinakamatapang na alak na sigurado akong mahihilo kaagad ako at mawawala ang lahat ng aking problema. Alam mo na ang gagawin mo! Thanks. Nang ma type ko na ‘yun sa aking keyboard ay agad ko na itong sinend sa aking pinsan at muling nilagay ang aking phone sa bag at nagsimula na akong maglakad papunta sa aking sasakyan. Hindi ko gagawin ang plates ko kay Gabriel. Maglalasing ako ngayon—magsasaya ako ngayon. Bahala na si Gabriel bukas na magalit sa akin. Galit din ako sa kanya ngayon! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD