CHASE: 9

2231 Words
CHASING MY PROFESSOR EPISODE 9 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “I thought you were not coming, Lucianna. Akala ko ay magpapakabaliw ka na talaga diyan sa ex-husband mong professor mo na ngayon.” “Alessandra!” saway ni Chantal at pinanlakihan ng mga mata si Alessandra. Nandito na kami ngayon sa bar na sinabi ni Aiden at tama nga ang kutob ko kanina, kami na lang ni Alaric ang late at nagsimula na silang mag inuman ngayon. Nandito na rin si Kuya Matthias at kausap niya si Alessandro at mukhang seryoso ang kanilang pag-uusap ngayon dahil hindi sila nakisali sa aming pagkukwentuhan na magpipinsan dito sa aming table. “What? Did I say something? Totoo naman!” sabi ni Alessandra at nagkibit-balikat siya. Napatawa na lang ako at napailing-iling sa sinabi ng aking pinsan. “I still have my own life, and I’m free to go out whenever I want, Alessandra,” sabi ko sa aking pinsan at ngumiti sa kanya. “Eh shat mo na lang ‘yan, Lucianna!” nakangising sabi ni Aiden at binigyan niya ako ng baso na may laman na alak. Ngumiti ako sa kanya at ininom ang kanyang binigay na baso ng alak. Bahagya akong napapikit sa aking mga mata at bumuntong-hininga ng maubos ko ang laman ng baso. Umingay ang paligid at ang mga pinsan ko naman ay nakisabay na rin sa tugtog at naki indak dito sa may table namin. Napangiti naman ako at nakisabay na rin sa kanila, pero hindi ko maiwasan na magtaka sa aking bunsong kapatid na si Ric na nakaupo lang sa sulok habang seryoso na nakatingin sa kanyang phone. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. “Hey, you,” tawag ko sa kanya. Pinatay niya naman ang kanyang phone at humarap siya sa akin at ngumiti. “Hey, you….” bati niya pabalik sa akin. Kumuha naman ako ng alak at binigay ito sa kanya. Mabilis niya naman itong kinuha at diretso na ininom. “Are you okay? You look you have a big problem, brother,” tanong ko sa aking kapatid. Sa aming tatlo na magkapatid ay si Alaric ang pinaka tahimik at misteryoso sa amin. Noong high school pa kami ay natatandaan ko na palagi siyang nabubully dahil ibang-iba siya sa amin ni Kuya Matthias at lagi siyang sinasabihan na pangit kahit hindi naman totoo. Walang pangit sa mga Coleman at wala lang talagang panahon si Ric sa pag-aayos dahil mas inuuna niya ang kanyang pag-aaral at hindi siya magaling pumili ng susuotin. “I-I’m okay, Ate Lu. I’m just… uhm…. My girlfriend is not answering my text messages,” mahinang sabi ni Ric at bahagya siyang yumuko. Nanlaki ang aking mga mata at napatakip sa aking bibig sa gulat sa kanyang sinabi. “May girlfriend ka na?!” “Ate, shh!” Mas lalo siyang lumapit sa akin at napatingin na muna siya sa mga pinsan namin na nagkakasiyahan na ngayon bago siya muling humarap sa akin at nagsalita. “Yes, meron na akong girlfriend. But it’s still complicated kaya hindi ko masabi sa inyo at hindi ko pa siya mapapakilala sa inyong lahat,” seryoso na sabi ni Ric. Kumunot naman ang aking noo. “Why? Kinakahiya ka ba ng girlfriend mo? Niloloko ka ba niya? Ric, you’re a f-cking Coleman! Wa;a siyang karapatan para paglaruan ang damdamin mo,” sabi ko sa kanya at nakaramdam na rin ako ng konting inis. Mabilis na umiling si Alaric at ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay. “Ate Lucianna, I’m fine. You don’t have to worry about me and my love life. I assure you, I’m okay, and I can handle it. Ayokong dagdagan pa ang problema mo. I’m happy—kung ‘yan man ang gusto mong tanungin sa akin,” malumanay na sabi ni Alaric habang nakatingin sa akin at muli siyang ngumiti. Tumango naman ako at binigyan ko ulit siya ng alak. Nakisaya na rin kami sa aking mga pinsan at niyaya ako ni Alessandra na pumunta sa dance floor ngayon kaya sumama na ako sa kanya at nakisayaw sa maraming tao. Muli ko na namang naalala ang nakita ko kanina sa may parking lot…. Si Gabriel na may kasamang babae. Girlfriend niya kaya ‘yun? If oo, masasaktan talaga ako nang sobra. Magkahawak kamay kaming tatlo ni Alessandra at Chantal habang sumasayaw kami dito sa dance floor. Namiss ko rin na makipag bonding sa mga babae kong pinsan dito sa side ng Coleman. Masyado kasi silang busy at ako lang ang nandito sa Pilipinas at sila naman ay nasa ibang bansa. Kaya habang wala sila ay ako ang ginugulo palagi ng mga pinsan ko na lalaki kung bored sila sa mga buhay nila. “Oh my Gosh!” Natigil kami ni Chantal sa pagsasayaw nang biglang sumigaw si Alessandra at nanlaki ang mga mata niya ngayon na para bang nakakita siya ng multo. Kumunot naman ang aking noo at nagtaka sa kanyang reaksyon. “Okay ka lang ba? Anong problema, Alessandra?” alalang tanong ni Chantal at lumapit kay Alessandra at hinawakan ang braso nito. Napa kurap-kurap ang mga mata ni Alessandra at napatingin ito ng seryoso sa akin kaya mas lalo akong nagtaka. “What?” tanong ko sa kanya. “Lulu, nandito si Mr. G!” “Huh?” taka kong tanong sa kanyang sinabi. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Chantal kaya napatingin na ako sa aking likuran at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang aking nakita sa isang table na hindi kalayuan sa amin, walang iba kundi ang mga Generoso. At kapag sinabing mga Generoso… kasama si Gabriel! “Your ex-husband is here, Lulu!” sambit ni Alessandra. Napalunok naman ang aking laway habang nakatingin pa rin sa table nila Gabriel. Kumpleto rin sila na magpipinsan ngayon. Kasama nila ang girlfriend ni Aiden na si Sabina Veronica at iba pa nitong mga pinsan na babae kagaya ni Oceania. Bakit hindi sinabi ni Aiden na pupunta rin ang mga Generoso sa bar na ito?! “So, what’s your plan?” Napatingin ako kay Alessandra ng sinabi niya iyon sa akin. Napa kurap-kurap ulit ako sa aking mga mata. “Anong plan?” Kumapit siya sa aking braso at pinanlakihan niya ako ng aking mga mata. “Lulu, akala ko ba ay you will win him back?!” Mabilis naman akong napatango. “Yes, Alessandra. That’s why nag enroll ulit ako sa college, diba?” sagot ko sa kanyang tanong. Bumuntong-hininga siya at seryoso akong tingnan. “Well, hindi pa sapat ‘yun! Hindi ka naman kasi pwedeng gumawa ng kalandian sa university eh. Kaya ngayon, habang wala kayo sa campus at hindi mo siya professor ngayon, you should do something!” wika ni Alessandra na ikinasang-ayunan naman ni Chantal. “Alessandra’s right, Lucianna. We’re in a bar now, so grab the opportunity!” nakangiti na sabi ni Chantal at kumapit din siya sa kabila kong braso. Bago ako makapagsalita ay nakita kong itinaas ni Chantal ang kanyang kamay at sumigaw siya. “Ate Veronica!” Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa ni Chantal. “C-Chantal, what are you doing?!” natataranta kong tanong. Sumulyap siya sa akin at kinindatan ako. “Helping you, my dear cousin.” Naglalakad na kami papunta sa table ng mga Generoso at nakisama na rin sa amin si Alessandra ngayon. Ang lakas ng t***k ng aking puso at pinagpapawisan na rin ako ngayon. Nang makalapit kami sa table ng mga Generoso ay agad na lumapit si Chantal kay Veronica at nagyakapan silang dalawa. “Chantal! I’m happy to see you here finally. Sorry kung hindi ako nakadalaw sa bahay niyo, ah? Nabusy kasi ako sa photoshoots ko eh,” sabi ni Nica. “It’s okay, Ate Nics. Ang importante ay nakauwi na ako dito sa Pilipinas at nakita ko na kayo ulit. Ah! Kasama ko pala ang dalawa kong magandang pinsan, si Alessandra and of course Lucianna!” Mas lalo na akong nataranta ng mapatingin sa akin si Gabriel at nakita kong kumunot ang kanyang noo. “Oh! Alessandra, nakauwi ka na pala,” narinig ko na sabi ni Sabel which is kapatid din ni Nica. “Gabriel, nandito pala si Lucianna! Lu, upo ka muna rito,” nakangiti na sabi ni Oceania. Napalunok naman ako sa aking laway at lumapit sa kanila. Nakita ko na ang bakanteng upuan lang ay nasa tabi ni Gabriel kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa kanyang tabi. “Mas inuna mo pang mag bar kaysa gawin ang plates mo,” mahinang sabi ni Gabriel kaya napatingin ako sa kanya. Umiinom siya ng alak ngayo habang nakatingin sa malayo. Alam ko naman na ako ang pinaparinggan niya sa kanyang sinabi dahil ako lang naman ang nag-aaral pa ulit dito at estudyante niya. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis at napairap ako. “Nandito ka nga eh,” mahina kong sabi at kumuha ng baso at nilagyan ito ng alak at mabilis ko itong ininom. Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Gabriel pero hindi ko na siya pinansin at nakisali na rin sa usapan nila Chantal ngayon sa mga Generoso. Dahil sa sobrang kaba ko ngayon na katabi ko si Gabriel ay ginawa ko na atang tubig ang alak na nasa aking harapan ngayon at nakaramdam na talaga ako ng sobrang hilo. Napahawak ako sa aking ulo at bahagyang napapikit sa aking mga mata. Kailangan ko ng umalis dito at bumalik sa table namin. Mas maganda pa doon na maglasing dahil nandoon ang mga pinsan at kapatid ko. Dito ay nakakahiya sa mga Generoso at mas nakakahiya kay Gabriel! Naiinis pa ako sa kanya ngayon kaya wala akong time para landiin siya. “Are you okay? You drink too much,” narinig ko ang boses ni Gabriel at hinawakan niya rin ang aking balikat kaya bahagya akong napatalon sa gulat at napatingin sa kanya. Pero muli na naman akong nahilo kaya napahawak ako sa kanyang balikat. “You’re drunk, Lucianna!” galit niyang sabi. “Hala! Lulu, okay ka lang? Iuwi ka na lang namin,” alalang sabi ni Alessandra at lumapit na rin si Chantal. “Kami na ang bahala kay Lucianna. Uuwi na rin naman kami ngayon,” sabi ni Chantal. Akmang itatayo na ako ng dalawa kong pinsan nang biglang magsalita si Gabriel na nasa aking tabi at napatingin din ako sa kanya. “Ako na ang maghahatid kay Lucianna sa bahay nila.” Hindi ko mapigilan na magulat sa sinabi ni Gabriel. Seryoso ba siya sa kanyang sinabi? “W-What—” “Wow! Good idea, Gabriel. Ikaw na lang muna talaga ang maghatid sa pinsan namin. Mamaya pa kasi kami uuwi,” sabi ni Alessandra kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at kinindatan niya ako. Nagpaalam na ang dalawa at nagmamadaling umalis kaya naiwan na lang ako na mag-isa dito kasama ang mga Generoso. Nakakahiya! Parang gusto kong maglaho na lang sa aking kinauupuan na parang bula. Simula ng maghiwalay kami ni Gabriel ay ngayon ko lang ulit nakita at nakasama ang kanyang mga pinsan kaya nakakaramdam pa rin ako ng hiya ngayon at pagkailang. Alam ko naman kasi na ayaw na nila akong palapitin kay Gabriel eh. “Can you walk?” Muli akong napatingin kay Gabriel nang magsalita ito. Napatango naman ako at tumayo pero muntik na akong ma out of balance, buti na lang nahawakan ako ni Gabriel. “You can’t walk on your own,” muli niyang sabi at bigla niya na lang akong binuhat in bridal style kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapagsalita ngayon at rinig na rinig ko na rin ang tunog ng aking puso sa sobrang kaba. “Una na ako sa inyo,” paalam ni Gabriel sa kanyang mga pinsan at nagsimula na siyang maglakad ngayon habang buhat niya ako. Oh my Gosh! Buhat ako ngayon ni Gabriel. Nakatingin lang ako ngayon sa mukha ni Gabriel at hindi ko mapigilan na manghina lalo dahil miss na miss ko na talaga siya at gustong-gusto ko na rin na halikan ang kanyang labi. “Stop staring at me,” inis niyang sabi at tinignan niya ako ng masama habang nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad palabas sa bar. Napalunok naman ako sa aking laway at nagsasalita habang nakatingin pa rin sa kanya. “I can’t help it… you’re so handsome, Gabriel,” mahina kong sabi at napakagat ako sa aking labi. Muli siyang napatingin sa akin gamit ang kanyang seryosong ekspresyon sa mukha. “Are you flirting with me?” he asked. Ngumiti ako at inangat ko ang aking kamay at hinawakan ko ang kanyang pisngi. “I want to kiss your lips… so badly.” Natigil siya sa kanyang paglalakad at muling napatingin sa akin. Nakita ko ang gulat sa kanyang ekspresyon pero agad itong nawala at napalitan ng inis. “Stop it, Miss Coleman! I’m still your professor.” Humagikhik ako at muling tumingin sa kanya. “I want to kiss your lips, Professor Generoso. Oh! You’re so hot tonight. I can’t help wanting you so badly tonight,” mapang-akit kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanya. Maybe I will take the pieces of advice from my two cousins. I will take this as an opportunity. Kaya aakitin ko nang todo ngayon si Gabriel. Akin siya ngayong gabi. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD