CHASE: 10

1308 Words
CHASING MY PROFESSOR EPISODE 10 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “Gabriel, ayoko pang umuwi! Bitawan mo ako! Kaya kong maglakad!” nagpupumiglas ako ngayon kaya napatigil siya sa kanyang paglalakad. Nakalabas na kami sa may bar at papunta na rin kami ngayon sa may parking lot dahil iuuwi na ako ni Gabriel sa amin. Ayoko pa ngang umuwi eh. Gusto ko pa siya na makasama ng matagal. Ayokong umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Gusto kong sumama kay Gabriel! “Lucianna, stop it! Stop being stubborn, will you?! You’re drunk! Kailangan mo nang umuwi dahil may klase ka pa bukas,” inis na sabi ni Gabriel habang nakatingin sa akin. Bahagya naman akong napayuko at napaiyak. Hindi ko ba alam kung bakit ang bilis kong maging emosyonal ngayon. Baka dahil ito sa pagkalasing at sa mga alak na aking nainom ngayong gabi. Humihikbi akong nag angat ng tingin kay Gabriel at nagmamakaawa ang mukha ko ngayon habang nakatingin sa kanya. “Hindi ka ba naaawa sa akin, Gabriel? All I want is you! Hindi mo ba maibigay ito sa akin ngayon, huh? I missed you so much. Hindi mo ba ako na miss?” umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa akin at alam ko na naguguluhan siya sa aking sinabi ngayon sa kanya. Umiling-iling siya at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin at muli na siyang nagsimulang maglakad habang buhat pa rin ako. “You’re drunk, Lucianna. Kailangan mo nang magpahinga,” seryoso na sabi ni Gabriel. Napanguso naman ako at isinandal ko ang aking mukha sa kanyang mukha at nagsalita. “Gusto kong magpahinga kasama ka, Gabriel,” bulong ko sa kanya. He sighed. “Stop flirting with me. Hindi mo ako madadala sa ganyan,” wika ni Gabriel at binuksan na niya ang pintuan ng kanyang sasakyan at ipinasok niya ako sa loob. Bago makaalis si Gabriel ay hinila ko na ang kanyang kwelyo at sinunggaban siya ng halik sa kanyang labi. Naramdaman ko ang pagkagulat ni Gabriel dahil hindi siya nakagalaw. Kumapit ako sa batok ni Gabriel at mas lalong pinalalim ang paghalik ko sa kanya. Bago ako mahalikan pabalik ni Gabriel ay inalis na niya ang aking kamay na nakakapit sa kanyang batok at lumayo sa akin kaya natigil ako sa paghalik sa kanya at taka siyang tinignan. “Gabriel—” “You kissed me!” he growled. Kumunot naman ang aking noo at nagtaka sa naging reaksyon niya ngayon. Bakit siya galit? Hinalikan ko siya dahil gusto ko. Hinalikan ko siya dahil mahal ko siya at miss na miss ko na siya. “Yes, I kissed you. Ano naman?” patanong ko na sabi sa kanya. Napahagod si Gabriel sa kanyang buhok at bumuntong-hininga. Muli siyang tumingin sa aking gamit ang seryosong ekspresyon sa mukha at nagsalita. “I’m your f-cking professor, Lucianna Lei Coleman. Baka nakakalimutan mo na bawal ang ginagawa mo?” seryoso niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata. Parang biglang nawala ang aking pagkalasing sa kanyang sinabi. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at nagsalita pabalik. “Gabriel Nathan Generoso, baka nakakalimutan mo rin na wala tayo ngayon sa university? I’m not your student here, Mr. Gabriel, and you’re not my professor. If I said I wanted to kiss you, I would kiss you. Ngayon ay hindi lang halik ang gusto ko…” ngumiti ako kay Gabriel at inangat ko ang aking kamay at idinikit ko ito sa kanyang pisngi. Kumunot naman ang kanyang noo habang nakatingin pa rin sa kanya. “What?” he curiously asked. Ngumiti ako at inilapit ko ang aking mukha sa may tainga ni Gabriel at bumulong sa kanya. “I want you to f-ck me right here, Gabriel. I know you want me… I know you want to kiss me too as much I want to taste your lips again,” seryoso at mapang-akit kong sabi sa kanya. Nakita ko ang paglunok niya ng kanyang laway. Umiwas siya ng tingin sa akin at bumuntong-hininga siya. “Iuwi na kita,” malamig na sabi ni Gabriel at umalis na siya sa aking harapan at sinirado na niya ang pinto ng sasakyan. Nakaramdam ako ng labis na panghihinayang at lungkot. Napasandal ako sa aking kinauupuan at tahimik na tinignan si Gabriel na pumasok sa kanyang sasakyan ngayon. Akala ko ay sa pagpasok ni Gabriel sa loob ng sasakyan ay papaandarin na niya ang kanyang kotse at aalis na kami. Pero nagtaka ako ng hindi gumalaw si Gabriel at nakatingin lang siya sa harapan habang may seryosong ekspresyon sa mukha. Para siyang may malalim na iniisip ngayon kaya hindi pa kami nakakaalis. Huminga naman ako ng malalim at tinawag siya. “Gabriel…..” Humarap sa akin si Gabriel at seryoso niya akong tinignan. “Who are you, Lucianna?” Bahagya akong nagtaka sa naging tanong sa akin ni Gabriel. Anong ibig niyang sabihin? “What do you mean?” nagtataka kong tanong sa kanya. Umigting ang kanyang panga bago siya muling nagsalita. “Bigla ka na lang dumating sa buhay ko. You’re just one of my students, but why the hell do I dream about you?! Gaano ka kaimportante para mapanaginipan kita, huh?! Who the hell are you?!” napalakas ang boses ni Gabriel at bahagya siyang hiningal habang matalim pa rin siyang nakatingin sa akin ngayon. Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha habang nakatingin pa rin sa kanyang mga mata. Unti-unting umangat ang aking labi at tuluyan na akong napaiyak. He dreams about me… It means I’m still there in his heart, pero dahil nawalan siya ng alaala ay natabunan na ito at mahirap ng hanapin. Naniniwala ako na kahit na nawalan man siya ng alaala ay hindi maapektuhan ang pagmamahal niya para sa akin. “Lucianna, ginugulo mo ang utak ko…. Pinapagulo mo ang buhay ko,” mahinang sabi ni Gabriel habang nakatingin sa akin. Muli akong napahikbi at lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at kinabisado ko ang bawat sulok ng kanyang mukha. Namumungay na ang kanyang mga mata habang nakatingin din sa akin at hinahayaan ako ngayon sa aking ginagawa sa kanya. “Gabriel, I miss you. So much. A-Ayokong… ayokong sabihin sayo kung ano mo ako. Gusto ko na maalala mo ako… kahit na napaka imposible nang mangyari ang bagay na iyon. Pero gusto ko lang na malaman mo na mahal na mahal kita,” mahina kong sabi habang nakatitig sa kanyang mga mata. Muli akong napaiyak dahil nasasaktan ako ngayon. Kung hindi lang sana nawala ang alaala ni Gabriel ay baka ngayon ay may anak na kaming dalawa… masayang-masaya kami sa buhay naming mag-asawa at hindi kami nasasaktan at nahihirapan ngayon. “Mahal na mahal kita, Gabriel,” muli kong sabi at hinalikan ko siya sa kanyang labi. Napapikit ako sa aking mga mata at kumapit ako sa kanyang batok. Tanggap ko na kung itutulak na naman ako palayo ni Gabriel ngayon. Ang mahalaga ay nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko… na mahal ko pa rin siya kahit na ilang taon na ang lumipas. “G-Gabriel!” Nanlaki ang aking mga mata sa biglang ginawa ni Gabriel at natigil ako sa aking paghalik sa kanya. “F-ck! Bahala na,” mahina niyang sabi at hinawakan niya ng mahigpit ang aking bewang. Inupo niya ako sa kanyang kandungan at magkaharap na kami ngayon. Akmang magsasalita na sana ako ng bigla niya akong halikan sa aking labi kaya nalunod na ako sa halik ni Gabriel. Lihim akong napangiti at hinalikan ko na siya pabalik at napapikit na rin ako sa aking mga mata. Ito na ang pinakahinihintay ko na mangyari. Gabriel kissed me. We kissed passionately. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ito. Hindi ako susuko. I will chase him until he falls into my trap. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD