Chapter VI

2507 Words
*** I let my long brown hair down as I gently stroke it with my hand making it easier for the forceful wind to gust its tip — light as a ribbon of a kite. It's another windy day. My eyes wander around, silently watching how the wind turned from vigorous to gentle breeze. The rustling of every leaf on the acacia tree reminds me that peace is dominant when you're alone, content and free amid His magnum opus. But I can't contradict the fact that being accompanied with someone so genuine and true is somehow beyond peaceful and tranquil. Like how Urm lovingly caressed my back while I'm telling her my thoughts out loud. "Ang tanga mo kasi." Or so I thought. Urm shifted in her seat while scooping her hair back behind her. "You know Ianne, I think you should set aside that feelings of yours. Ang sakit sakit na kasi sa mga magaganda kong mata na nakikita kang nagpapakatanga kay Izi." She said harshly. Urm opened her designer bag and I saw her brought out a big pack of Doritos. Binuksan niya ito gamit ang perpektong ngipin niya. "You want some?" Agad naman akong kumuha ng isang napakalaking tatsulok ng Doritos. "Urm, I should give a try. Kung wala talaga at the end of this month then kahit mahirap iiwasan ko na siya, and at the same time pipilitin ko na ring ibaon sa lupa ang nararamdaman ko para sa kanya." She gave me scowl and licked the cheese on her thumb. Kumuha ulit siya ng Doritos at kinain ito. "Whatever Ianne. Anyway, tapos mo na lahat ng requirements natin? Gosh! Ang hectic!" "Almost..." I replied lazily. Malapit na kasing magtapos ang school year kaya busy kami sa mga ipinapagawa ng mga professor namin. Yeah, I agree with her. Ang hectic nga. My table in my room was filled with modules, files and the likes. Yung mga thesis ko na tatlo na ginawa akong baliw in almost a month. Jeez. Why does college have to be so frustrating? Freshman pa lang kami huh! I drank my cold water when I felt my throat ran dry. Pinagmasdan ko na lang ang mga naglalakad na estudyante sa harapan namin. We're here in a kiosk. It's our vacant so we can freely do whatever we want. The wind blew once again making my hair flew perfectly. Sinakop ko ito at itinali gamit ang scrunchie ko. "Ianne. Ngayong malapit na ang summer, there's a big possibility na uuwi si Hayden dito sa Pinas." "I know Urm. Kaya nga, this month, I will do everything I can just so Izi can notice my feelings for him." She gasped and shook her head. She stood up and went across the table. So kaharap ko na siya ngayon. Mainit na kasi sa dati niya inuupuan. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya? Umamin ka ganun." Napabuntong hininga na lang ako. I put my bag beside me to make room for my elbow on the table. I leaned forward earnestly and slightly cast a pout with my soft lips as I thought about confessing my love for Izi. "I don't think I can do it. Kaya ipaparamdam ko na lang." "Sabihin mo na lang kasi. Pinapatagal mo eh. Kung hindi ka niya talaga gusto edi huwag. At least you know, and you still have the time or chance to find another guy. Kaysa naman yung mauubusan ka dahil lang sa pagiging martyr mo kay Izi." Umiling ako. "Bahala na." Tumayo na kami nung malapit ng mag 1 pm. We immediately went to our next subject which is History. Gosh, what a perfect time to sleep. "Ang boring naman ni Mrs. Linda. History should be interesting but because of her, hindi ko na ito gusto." Sabi niya sabay irap sa kawalan. Ipinagpatuloy ko na lang ang pakikinig kasi baka magpapasurprise quiz siya. Mahirap na, our recent topic pa naman ay may mga dates at places na ang hirap kabisaduhin. I scribbled down the dates she kept mentioning. Gumawa na rin ako ng sariling kong mnemonic para mas madali kong maalala. "Alright. Don't forget to pass your module this Friday." She said before she emerged from the room. Nung wala na si Mrs. Linda, nag unat na ako at kinuha ko ang tumbler ko sa bag at uminom dito. "Pahingi." Narinig kong sabi ni Urm. I faced her and arched my brows, asking what she was pertaining to. "Yung tubig mo." Napatingin ako sa tumbler ko at ibinagay ito sa kanya. Agad naman niya itong kinuha at uminom. "Nga pala. Si ate Khyle, uuwi na yata." "When?" I asked. "Tomorrow I guess. Narinig ko kasi sina dad at yung daddy niya na nag-uusap kahapon. I heard his dad mentioned about picking her up tomorrow." I nodded. Ate Khyle is a good friend of mine. Ganun din si Urm. Nang matapos na ang lahat ng klase namin, agad kaming lumabas ni Urm. Hinila ko siya at dumiretso sa mga kainan sa labas. "Ianne! Bakit diyan?! Sa Starbucks na lang." Reklamo niya pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makalapit sa isang tindero na nagluluto ng fishball at kikiam. "Kuya how much po?" Hindi niya yata ako narinig dahil nakita kong nakatuon pa rin ang atensyon niya sa kanyang niluluto. So I went to his side at kinalabit siya. Tumingin naman siya sa akin gamit ang nagtatanong niyang mukha. "Magkano po yung fishball?" Tanong ko ulit. "Piso po isa mam." Tumango naman ako at binigyan ko siya ng baente. "Ilan bibilhin niyo mam?" Tanong niya nung nakuha na niya ang pera ko. I saw Urm who is now looking at me with her annoyed face while crossing her arms. "20 po." Sagot ko kay kuya. Linapitan ko si Urm, and I immediately regretted it when she pinched my cheeks. "U-Urm!" "You should drink pineapple juice afterwards alright? That food is very unhealthy Ianne." Bulong niya sa akin ng mariin. Tumango naman ako sa kanya kaya binitawan na niya ang pisngi ko. The herd on a bunch of students flocked kuya's cart, pero dahil kasama ko si Urm, tinayaran niya ang mga ito kaya sa kabilang sides sila pumila, leaving us here in the right side. I can hear the guys murmuring something. Hindi ko rin maiwasang mapansin ang mga sulyap nila sa banda namin. They kept saying "Bilis" na to their friend who's the smallest in their group though if you compare him to me, mas matangkad pa rin siya. So small is not literally the term. Nagulat pa ako nang halos matalisod siya nung itinulak siya ng isa sa mga kaibigan niya sa amin. Buti na lang nabalanse niya agad ang kanyang sarili. "Lampa." Urm muttered, kaya kinurot ko siya ng palihim. I saw the guy rubbed his neck while his face is turning to a chilly as if there's a smoke coming from his ears, similar to an angry cartoon, pero ang pinagkaibahan lang ay hindi siya nagagalit kundi nahihiya siya. Cute. Ibinaling ko na lang ang tingin ko kay kuya na nagluluto pa rin ng fishball. Kinuha niya yung perang inilahad nung isang babae at meron pa siya sinabi ngunit hindi ko na ito narinig dahil sa ingay ng mga lalakeng nasa likod niya. "Uhm... I-Ianne." Narinig kong sambit ng lalake. Hindi ako nagsalita. I just stared at him and waited for his next words to come out from his trembling reddish lips. He inhaled sharply but before he could utter a word, his friend (the one who pushed him) suddenly went to his side and spread his arms over the guy's broad shoulder. "Ianne. Gusto ko ng kaibigan ko. Baka naman pwede ka niyang ligawan?" He arrogantly said. Napayuko naman yung kaibigan niya. I furrowed my brows because of confusion and a little bit of irritation. Bakit siya ang nagsabi? Mukhang yun sana ang gagawin ng kaibigan niyang nahihiya na ngayon. "Really?" Urm scoffed, making the conceited guy avert his attention from mine to hers. Nakataas na ang dalawang kilay ng lalake habang nakangisi. "Urm. The infamous b***h in the school." He uttered. Fudge. I can sense a dark aura slowly rising around Urm indicating that she could punch someone's face anytime. Her fists clenched on her side, so firm as stone that could make your lips bleed if that fist of her lounged into your lips. Never in my life heard someone called Urm a b***h. She may be tough, bold and wild but she's no b***h. Jeez, she's way better than that. Kaya naman sa ipinapakitang galit ni Urm ngayon ay tiyak na hindi lang pagiging b***h ang kaya niyang ipamukha sa lalakeng kita na ang mga ngipin dahil sa lawak ng kanyang ngisi. "Oh no, she's now mad." The guy mocked. "Mam, yung fishball niyo po." Tawag sa akin ni kuya pero hindi ko siya pinansin dahil sa biglaang pagsugod ni Urm sa lalakeng nang-aasar. Hinampas niya ito sa braso at napapikit pa ako sa lakas ng pagkakahampas niya. "Urm!" I yelled but she just ignored me. "How dare you! Sino ka para tawagin mo akong b***h?!" Hinampas niya ulit ang lalaki. Hindi makasagot ang lalaki dahil abala siya sa pagsangga sa mga hampas ni Urm. "Urm stop it." Hinawakan ko ang kamay niya pero hinawi niya ito at sinabunutan ang lalaki. "Baby!" May tumili sa likuran ko kaya agad akong napatingin doon. She's tall. Tall as Urm and skinny as me. Kulay red ang buhok niya at ang kapal din ng make-up. Pero ang mas agaw pansin ay ang galit sa kanyang mga mata. She went to Urm with her brisk pace, while her minions were trailing behind her. Jeez. I smell trouble here, though may trouble na nga. What to do? Nagpapanic na ako dahil feeling ko girlfriend ng sinasabunutan ni Urm ang babaeng yan. Tinawag ba namang baby? "Anong ginagawa mo sa boyfriend ko?!" Sigaw niya kay Urm pero patuloy niya pa ring sinasabunutan ang lalakeng nakapikit na dahil parang kakalbuhin na siya ni Urm. Urm glanced at the girl. "Oh this pathetic guy is your boyfriend? Nice. Bagay kayo." The crowd is now surrounding us, as though we're here in the middle to entertain them. Gosh! Mga chismosa at chismoso. I saw someone recording what's happening. I immediately grabbed his phone, kaya napatingin siya sa akin. Gulat na gulat siya. "Don't record it please." Napangaga siya at lumunok pa. I smiled when he slowly nodded so I gave his phone back. "Ah!" I spun around and I saw the girl crying in pain when Urm grabbed her long red hair. Ngayon ang mag kasintahan na ang sinasabunutan niya. "For chrissake! Urm stop it. Bitawan mo na sila." Lalapitan ko na sana sila kaso may humila sa buhok ko. Urm's eyes widened in shock. I can feel the twinge in my head so I can't help but to close my eyes as if it can ease the pain. Hinawakan ko ang kamay na nasa buhok ko. "Hey! Let go!" I cried but the person behind me just ignored me. Iniharap niya pa ako kay Urm na seryosong seryoso na ngayon. "Let her go." I shivered when I felt the coldness in her voice. So cold that she made the crowd shut their mouths. Now the only sounds I can hear are the engines from the cars in the road and kuya's boiling oil in his pan. "Let Jade go first." The girl behind me uttered. I think she's one of Jade's minions. Binitawan niya ang buhok ni Jade at itinulak niya ito palayo sa kanya. Kaya ganun din ang ginawa ng babae sa akin. She pushed me to the ground. I was caught off guard leading me to fall flat. My eyes were shut firmly when I felt my hands and my knees bleeding from the roughness of the road that caught me. "A-Aray" Tears began to blur my vision. Ang hapdi ng kamay ko. Feeling ko hindi rin ako makakatayo ng maayos dahil hindi maganda ang pagkakabagsak ko. "Ianne!" Agad tumakbo si Urm papunta sa akin. "f**k! Are you okay?" I tried to suppress a sob but I failed, making Urm angrier than she used to be. Tumayo siya at hinarap niya ang babaeng tumulak sa akin. "Ang kapal ng mukha mo huh! You're good as dead for making Ianne bleed!" Sigaw niya at ngayon ito naman ang sinabunutan niya. Nakita ko pang sumugod ang tatlo pang alipores ni Jade at pinagtulungan nila si Urm. "Urm! Stop them! Please!" Paghingi ko ng tulong sa mga nanonood sa amin. Pero walang naglakas loob para awatin sila. Napapikit na lang ako. "Urm!" I heard someone shouted her name. Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko ang tumatakbong Jun papunta kay Urm. I sighed in relief. Thank God, he's here. Nakita ko rin si Nike na seryosong nakatingin sa banda nina Urm. "Itigil niyo yan!" Patuloy pa rin sila sa pagsasabunutan at binalewala nila ang pagsigaw ni jun. "Don't you dare lay another finger on her! Putangina niyo!" Nakakabinging sigaw niya at agad niyang hinila si Urm palayo sa mga babae. Nagpumiglas pa si Urm pero nahila pa rin siya ni Jun. "Mother Fucker! Let go of me!" "Stop it Urm." Seryosong sabi ni Jun. "Anong nangyayari dito?" Jeez. Izi is here. I tried to stand up but my foot didn't cooperate. Inayos ko ang palda ko at ginamit ko ang isa kong kamay para maalayan ko ang bigat ko. I didn't mind the dirt, I just want to stand up and go home. Pero nang maramdaman ko ulit ang sakit sa paa ko at babagsak sana ulit ako sa maruming kalsada nang may pumulupot na kamay sa baywang ko at sa hita ko. I was shocked when Izi is now carrying me on his arms. Galit siya. Huminga siya ng malalim at tinignan niya ako. "Sinong may gumawa nito?" Kalmado niyang tanong pero naramdaman ko ang mga takot ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin. "I-Izi..." Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin and I saw him clenched his jaw. "Sinong may kagagawan nito?!" Napapikit ako nang isinigaw niya ito. "I told you, you're dead." Urm said at umamba pa siyang sabunutan ulit nung babaeng tumulak sa akin pero hinigit siya ni Jun pabalik. "This ugly duckling in front of me Izi. Siya ang tumulak kay Ianne." "Wrap your hands around me Ianne." I looked at Izi. Nagtaka ako pero nang makita kong binalingan niya ako gamit ang mga mata niyang nag-aalab, agad kong pinulupot ang braso ko sa leeg niya without second thoughts. He started walking, palapit kina Jun. Hinarap niya yung babaeng tumulak sa akin. Nakayuko na siya at medyo nanginginig na rin dahil sa takot. Ganun din yung mga kasama niya pero Jade is no where to find, even her boyfriend. "You will regret this." He uttered, then he turned his back and walked away from the crowd while carrying me in his arms. I heaved a deep sigh. So much from buying a fishball. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD