CHAPTER 9

2189 Words

Habang nagdo-drawing ‘yung forensic artist base sa mga impormasyon na sinasabi nina Kakai at Tasha, unti-unti nang nagkakaroon ng mukha ‘yung dalawa sa mga lalaking pumatay sa pamilya ko. Nang makita ko ‘yung final sketch, tiim-bagang ako habang tumutulo ang luha ko at mariing nakasarado ang mga kamay. “S-sila ‘yung pumatay sa pamilya ko?” May diin sa bawat salita ko. Matalim ang tingin ko, lalo na sa mukha ng lalaki na nakita rin nina Kakai na may tattoo sa dibdib. “Hindi pa tayo sigurado,” sagot ni SPO3 Salvador, ang pulis na nag-iimbestiga at madalas kong makausap tungkol sa kaso. Kahit daw nakasalubong nina Kakai at Tasha ang mga ito hindi kalayuan sa bahay namin, hindi ibig sabihin no’n na sila na talaga ang mga suspects sa pagpatay sa pamilya ko. Pwede raw na magkakaibang tao ‘yun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD