SA OPISINA PARIN NI SOFIA
" Sige dok , aalis na ako para maasikaso ko na ang pagdischarge ni mama bukas " anito roberto , akma na etong tatayo ng pigilan eto ni sofia
" wait lang ; i'm not yet done , " may kinuha eto sa wallet niya at inabot kay roberto
" here , bumili ka ng cp mo , contact me , after mong asikasuhin ang mama mo , here's also my number "
" ok dok , masusunod po "
"tyaka be ready , bukas na ang umpisa ng training mo , kaylangan maging maayos ka sa pagharap sa family ko lalo na sa grandparents ko , at sa brother ko , "
" para namang akong kinabahan bigla , ok subukan ko ,"
"yaaah walang ng trial trial pag nasa harap kana ng family ko "
" oh sige na , sige na ,alis na ako my future wife " anito , na nagiwan pa ng isang matamis na kindat kay sofia bago eto tuluyang umalis na ikinais naman ni sofia at pinandilatan niya eto ng mata
KINABUKASAN
SA hospital
Abala si roberto sa pagaasikaso ng mga gamit ng kanyang mama , dahil ngayong araw na ang discharge neto , very fast ang recovery neto at walang anumang inpeksyon ang nakita sa mga internal organs neto maging sa tatlong butas na ginawa sa abdomen neto ,
Labis ang pagtataka ni marissa , kung saan nakakuha ang anak neto ng pambayad sa hospital sa loob lang ng dalawang araw , kaya paulit ulit niya etong tinanong ,
ROBERTO POV
Hayyyyssssst ang hirap magsinungaling sa mama , pano ko sasabihin dito kung san ko kinuha ang pinambayad ko sa hospital , diko pwedeng sabihin ang totoo , ano kayang magandang dahilan ,
" San mo nga anak nakuha ang pera na pinambayad sa hospital ," pasampong tanong ni mama ,
" ma wag niyo ng intindihin yun ang mahalaga maayos na ang kalagayan mo ngayon , "
" baka kung ano ng ginawa mo ha betong , baka mapahamak ang sarili mo dahil dyan , " halata ko na nagaalala si mama , hindi nga naman biro ang naging bill ni mama sa hospital para makabayad agad ako ,
hayy bahala na ,
" mama , wag kang magalala hindi ilegal ang ginawa ko ha , basta may nagpautang sakin na kaibigan ko na mayaman , mababayaran ko din yun ma pag nakapagtrabaho na ako s korea ," pagsisinungaling ko dito ,
" ay sya sya , bata sabihin mo agad sakin kung magkakaproblema ka ha , wag kang maglilihim sakin "
"opo mama , "
" tapos kana dyan "
"opo"
"tara na, baka gabihin na tayo sa byahe , "
Past 10am na ngayon at isa isa ko ng kinuha ang mga bag at ibang gamit ni mama at lumabas na kame ng ward , kaliwa't kanang braso at kamay ko ang may hawak na gamit pero nagagawa ko pading alalayan si mama ,
Ihahatid ko si mama sa probensya namin sa mindoro , sa dati naming bahay , pero babalik din agad ako dito para sa trabaho ko kay manang , pansamantala kameng nanirahan dito ni mama sa quezon para sa pagaasikaso ko sa pagpuntang korea , pareho kameng nagkaroon ng trabaho ni mama kaya nasuportahan namin ang pagaapply ko , pagaaral ng hangeul korean , nakapasa na ako sa 2 exam ng POEA at nakakompleto narin ng requirements , hinihintay ko nalang ngayon na magkaroon ako ng contract ,,
Palabas na kame ni mama sa hospital ng makasalubong namin si manang sofia , na halatang ngayon lang papasok sa hospital , huminto eto samin , nagkatinginan namin kame , kung makatingin eto parang may pagbabanta , pero gets ko naman yun , ibinaling na neto ang tingin kay mama
" goodmorning po nay , wala po ba kayong nararamdaman na kakaibang sakitsa my tyan niyo nay " si manang sofia
"goodmorning din po dok ,, ayy opo maalwan na ang pakiramadam ko ngayon , salamat sa inyo dok ,"
" san po ang uwe niyo ngayon "
" ay dok , ihahatid ko lang si mama sa probinsya namin , para dun na makapagpahinga ng maayos , babalik din agad ako , " diniinan ko ang mga huling kataga ko para bigyan eto ng assurance na hindi ko to tatakbuhan , ay teka lang baka naman magtaka si mama ,
" teka anak , hindi kaba magsstay sa bahay natin ng ilang araw bago ka bumalik dito " tanong ni mama
" ma kaylangan ko na po agad magtrabaho para MABAYARAN KO ANG UTANG KO " sa manang na eto , dugtong ko sa isip ko at tumingin dito
" teka po nay , ang layo pa po ng ibabyahe niyo , baka po mahirapan kayo " anita manang
Naisip ko nga rin yun pero mapilit kasi si mama , gusto niya na umuwe sa probinsya
" ok lang po ako dok , tyaka andito naman si roberto " hayy buti nalang at hindi betong ang sinabi ni mama , ang pangit kasi e
" wag po kayo magalala dok , aalalayan ko naman po si mama "
" mahihirapan sya sa pagakyat sa barko , ihatid ko na kayo " pareho naman nanlaki ang mata namin ni mama , seryoso ba to ,
" ay naku manang , ay este doktora wag na po , busy po kayo , tyaka malayo po iyon" ani ko dito na nagkupkup ng dalawang braso niya
SOFIA POV
Baka takasan ako ng lalakeng eto , magaling na yung nagsisigurado , ihahatid ko nalang sila sa mindoro , matagal na din akong hindi nakakalabas ng Quezon , makaamoy manlang ng hanging probinsya , pinilit ko ang mag ina hanggang sa napapayag ko na ang mga eto , kasi naman palihim kong pinandilatan ng mata si roberto kaya wala na etong nagawa , ngayong araw ang umpisa ng leave ko kaya wala akong nakaschedule ngayon at si shane narin ang titingin panasamantala sa general surgeon department at sa buong hospital habang wala ako , diko parin naaanounce sa hospital na ikakasal na ako , no need ,
May isang oras din kameng nagbyahe papunta palang sa pier, si roberto na ang nagasikaso para sa aking sasakyan , mga ilang minuto lang ay nakapasok na kame sa barko , si roberto ang nagdrive papasok sa barko , napahanga ako neto ng konti , magaling pala eto magdrive , kasalukuyan akong nasa front sit katabi ng lalakeng eto na kalmang inaayos ang pagpark sa sasakyan , medyo nailang ako , ngayon lang kasi may nagmanehong lalake sasasakyan ko simula ng binili ko to maliban pala sa kapatid kong si rex alcantara ,na nagturo saking magdrive
" ok, , done doc , sinigurado kong nasa maayos na tayo ang sasakyan mo " anito na may malapad na ngiti , inirapan ko naman eto at ginaya naman ako neto sabay ngiti , crazy talaga tong lalakeng to ,
" ok salamat , " pormal na sabi ko dito kasi ayaw kong makipagtarayan dito kasi nasa likod namin ang nanay niya
" ah dok , dito nalang po muna kame ni mama , para di na sya umakyat pa ng hagdan , pwede po kayo umakyat sa taas " anito
" sige , dun ako s ataas ," pero bigla akong nakaramdam ng takot , first time ko kasing sumakay ng barko , pero susubukan, ko , bumaba na ako at pumunta na sa hagdan nakakaisang hakbang palang ako ng maalala ko na nakaheels pala ako , haayy pano to , nakailang baytang na ako ng sumilip ako sa may baba , bigla akong natakot at nanginig ang kamay ko ng ng makita ko ang dagat na may malalakeng alon dahil narin sa pagandar ng barko , napakapit naman ako ng maigi sa bakal at sinubukang humakbang ulit pero napasala ang isang paa ko , kaya napapikit ako , hayyy akala ko tuluyan na akong mahuhulog , teka lang ,,,,,,,,,,
ROBERTO POV
Lumabas na si sofia , at pagkasara ng pinto biglang nagsalita si mama
" samahan mo si doktora anak baka kung anong mangyare sa kanay , ok lang naman ako dito , matutulog na lamang ako"
Nahalata ko rin sa muka neto na parang natatakot eto , nakita ko rin na nakaheels eto , baka mahirapan eto pagakyat ng hagdan , nagdesisyon akong sundan eto , lumabas na ako ng sasakyan at tinungo ang hagdan , teka bakit parang nangangatal eto ,, hayyyst bakit pa sya umakyat kung takot pala sya , first time ata netong sumakay ng barko , napabilis ako ng takbo at mabilis na umakaya sa ilang palabag ng hagdan ng makita ko ang isang paa neto na napasala ng subukan netong humakbang,,,,
kinabahan ako ng sobra dun ah , buti nalang umabot ako , ngayon ay nakahawak ako sa baywang neto at ng tingnan ko to ay nakapikit parin eto , teka bakit ganto nararamdaman ko ,; ngayon ko lang napagmasdan ang muka neto , ang kinis ng muka niya , ang cute ng ilong at labi neto maging ang pilik mata neto ang ganda ,,, hayyy ano ba tong iniiisip ko ,
SOFIA POV
Teka lang bakit parang walang masakit sa katawan ko , tyaka bakit parang may nakawak sa baywang ko ,,, sinubukan kong imulat ang kanang mata ko , bigla akong napabalikwas ng makita ko ang muka ni roberto na halos inches nalang ang pagitan sa muka ko , nakahawak to sa baywang ko , nasambot niya ako , hayy buti nalang , kala ko tuluyan na akong mahuhulog ,
" yaaaah , aah , ahhh dok magingat ka naman pano kung di ako sumunod baka nakahandusay kana sa baba , " teka bakit parang nauutal eto
" malay ko ba na mapapasala ang paa ko , first trime ko kasing sumakay dito , "
"bakit dimo sinabi sakin kanina para nasamahan sana kita " galit ba eto , bigla naman etong bumitaw sakin hinawakan ang kanang siko ko para alalayan ako sa pagakyat ,
" woooww" namangha ako sa lawak ng dagat , malayo layo narin ang natakbo ng barko at may nadadaanan kameng maliliit na isla
Habang si roberto ay nakita kong umupo sa may di kalayuan sakin
itinaas ko ang dalawa kong kamay habang nilalasap ang malakas na hangin saka ko ipinikit ang dalawa kong mata ,
" wow " pabulong kong bigkas , para akong nakaramdam ng saya , sa pagmulat ko ng aking mata , namataan ko ang 2 dolphin na sabay na tumatalon ,
" oh my GOD is that a dolphin , wowwww " sigaw ko at dali dali akong tumungo sa kinarororonan ni roberto na parang bata , obvious ba ako na ngayon lang ako nakakita sa tanan ng buhay ko
" look , roberto come here " ani ko kay roberto na halata naman nabigla , at di na eto nakaimik ng hilahin ko palapit sa kinatatayuank ko kanina ,
" dolphin yan diba yang tumatalon sa tubig , " ako habang itinuro ang 2 dolphin
" oo , pero teka lang ngayon ka lang ba nakakita ng dolphin" tanong neto
" at pwede ba hinaan mo yang boses mo at wag ka masyadong pahalata , " mahinahong sabi neto sabay tumingin sa mga tao na kanina pa pala nila kameng pinagmamasdan , tumingin din naman ako , nakaramdam ako ng kaunting hiya, pero diko sila pinansin , basta masaya ako , bahala kayo dyan tyaka di naman nila ako kilala ,
" hayaan mo sila di naman nila ako kilala ,tyaka ngayon lang eto , baka di na ulit ako makasakay sa ganito "
" hayy sige bahala ka , dyan kana lang muna, babalik na ako s upuan ko , wag ka masyadong tumalon baka mahulog ka dyan , hindi ka sasagipin ng mga dolphin," anito at naglakad na pabalik sa kanyang upuan
" ok " mga ilang minuto din tumagal ang paglalaro ng mga dolphin malapit sa barko at lumangoy na eto palayo hanggang sa diko na eto nakita
"haaaay" bigla naman akong nalungkot, lahat talaga panandalian lang , umupo ako sa sa isang row sit na bakante , napagod din ako sa pagtayo , napasandal ako at tahimik na pinagmasdan ang lawak ng dagat , pakiramdam ko nasa ibang mundo ako iba sa mundong ginagalawan ko ng matagal na panahon , parang nakaramdam ako ng kaunting kalayaan, napatanong tuloy ako sa aking saril
" bakit diko nagawang lumabas noon sa mundo ko " sa isip ko
" bakit nga ba ngayon ka lang nakakita ng ganito , nasa iyo na ang lahat , maraming pera , makakapunta ka at makakasakay sa ganito kahit pa sa mga luxury na shipper kayang kaya mo , " nabigla naman ako sa presensya ni roberto na umupo , isang upuan ang pagitan sakin , teka alam ba neto ang nasa isip ko , pagkasabi niya ng mga katagang yun , bigla akong may narealize