Lumipas na ang hapon , at palubog na ang araw hindi parin pumunta si roberto sa opisina ni sofia ,
SA condo ni sofia;
katatapos lang niya mag half bath , at tumungo na sa kanyang kama para matulog , nakahiga na sya ng maalala niya ang paguusap nila ni roberto sa rooftop , napahilig sya sa kanyang kama at malalim na nagisip
SOFIA POV
Tama ba tong gagawin ko , hayy diko na alam , bahala na , pero dipa rin ako sigurado kung tatanggapin ni roberto ang alok ko dito , pano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon , ang isang professional doctor at nagmamayari ng malaking hospital ay desperadong makahanap ng ipapalit sa loko loko kong ex fiancé , para tuloy akong mukang tanga sa harap ng lalakeng yun , 4 days nalang , hayy kaylangan mapaoo ko si roberto , gagamitin ko ang mama neto , teka parang ang sama ko naman sa part na yun , sorry lord kelangan ko lang sya pansamantala ,
MAYA maya pa nakatulog narin si sofia , dahil narin sa stress at sa pagod niya maghapon kanina sa hospital ,
KINABUKASAN SA HOSPITAL
SOFIA POV
" goodmorning doktora , " bati sakin ng isang nurse na nakasalubong ko papuntang elevator
" goodmorning " tugon ko dito
8 am palang nandito na ako sa hospital , usually kasi 10am na ako napunta dito , pero may mission ako ngayon that i need to accomplish today , bigla akong napabuntong hininga habang papasok ng elevator , isa lang ang nakita kong kasabay ko sa elevator pero di ako tumingin dito , busy ako sa pagiisip ,
" goodmorning po manang doktora" anito ng kasama ko
" gooodmo,,,," diko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsink in saking utak ang salitang manang , teka lang parang kilala ko ang boses na yun , napaunat ako ng ulo at bahagyang tumingin dito ,, ahha tama ako parang nabuhayan naman ako ng dugo ,, buti nalang n,akasabay ko to sa elevator , humarap ako dito na halatang nagaantay na magsalita ako ,
" akin na number mo " raskong sabi ko dito at inilahad ko ang aking nabigla naman ata eto ,
" bakit doktora ,"
" basta give me your number "
napakamot naman eto sa ulo at di nakasagot ng ilang sigundo
" ehh dok wala akong cp e, nabenta ko sa kakilala ko nong araw na maadmit si mama dito " mahinang tugon neto na halatang nahihiya , hayysst ganito na ba'to kahirap at pati cp kelangan ibenta ,
Iniba ko na ang uapan para di nato makaramdam ng hiya
" napagdesisyonan mo na ba ang inaalok ko sayo" tanong ko dito na agad namang nag unat ng ulo ,,
" aahhh eeeehh , oo doktora " anito
" bakit dika pumunta sa office ko kahapon "
" nalilito pa kasi ako kahapon , halos dipa magsink in sakin ang sinabi niyo kahapon "
" ok, go to my office now , " pagkasabi ko neto ay lumabas na ako ng elevator habang naiwan si roberto sa loob ,
" heyy , sabi ko go to my office now"
" puntahan ko muna si mama dok , hinihintay niya ako ngayon e , pakainin ko pa sya ng breakfast "
" ahhh , ok , after " nakita ko naman na tumango eto bago magsara ang elevator
Pumasok na ako sa office ko at inilapag ang aking bag sa table saka umupo , teka nasan na kaya si shane , kinuha ko ang cp ko para tawagan eto ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang nakatawang muka ni shane ,, hayy alam ko na agad ang nasa isip ng babaeng eto, sinabi ko nga pala dito kahapon ang nagawa ko sa rooftop kahapon na labis netong ikinagulat at kinalaunan ay tinawanan ako , di kasi sya makapaniwala na nagawa ko yun , kasi kilala niya ako mula talampakan hanggang anit , umupo eto sa may sofa , at tumayo naman ako =para umupo din sa sofa , ata nakapamaywang eto ngayon na parang nagaantay ng balita ,
" hoy ano na , pumayag na ba si future husband mo hihihi " may pagtakip kapa talaga sa bibig mo ha
" wag ka excited bruha ,sa tinghin ko may pinagaralan yun at marunong magisip "
" kahit na , sabi nga , kapag gipit kahit sa patalim kumakapit ,"
" but i felt sorry fo his mother , i used her condition , "
" don't think about that , in fact you're helping them , tyaka sa araw lang naman ng kasal mo ihaharap si roberto "
" also in family gathering , ano kayang gagawin ko kay roberto para mawala ang probinsyano look neto , hindi sya pwedeng humarap sa family ko na ganun itsura niya , " napabuntong hininga naman ako at napatungo , mukang madame pa akong gagawin sa lalake na yun , kaylangan ko pa magleave sa hospital to prepare him, bigla naman akong tinapik ni shane sa balikat , at tumingin ako dito
" don't worry , i will help you with that ok , so you need to absent ng ilang araw , but don't worry i can handle your work ok , mukang kaylangan ng whole body make over sa iyong substitute groom " anita shane
" ok , but don't mess up ha , but i will visit her from time to time everyday"
" yes, doktora "
" first time in 15 years na magleleave ako sa hospital ng ilang araw, sorry dad " bigla naman akong nalungkot
" tyaka pwede ba manang baguhin muna style mo , " natatawang sambit neto, " para dika na matawag na manang " dagdag pa neto , seryoso ko tong hinarap at tumitig dito , bigla naman etong napaayos ng tayo at napawe ang tawa neto
" pag ginawa ko ba yun , hihiwalayan mo ang asawa mo " tanong ko dito , habang natatwa naman ako sa isip ko ,
" yaaaaahhhhhh , wag ka na magpaganda , maganda naman yang style mo , naaayon naman sa edad mo ,"
" hahahahahahahahahahaha, takot ka talagang mawala ang honey botbot mo , " napatawa ako ng malakas sa babaeng eto
" sige na nga makaalis na dito , baka masabunutan pa kita , "
" sige na , at baka paanakin kita ng wala sa oras dahil sa pangaasar mo " ani ko dito na natatawa parin ako , tumayo na eto nag nag smirk pa talaga sakin ha ,
pagbukas neto ng pinto napahinto naman eto at hindi agad lumabas , may narinig akong boses ng lalake
ROBERTO POV
Habang nasa elevator ako , paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung tama ba tong gagawin ko , pero wala na akong choice , gagawin ko to para kay mama , di naman siguro matapang si manang medyo mataray lang dahil narin siguro sa nalalapit netong menopausal ,, heheheh muka na kasi etong 40s e ,, lumabas na ako ng elevator sa may fourth floor kung saan ang office ni manang , nakita ko ang isang pinto na may tag name na doctora sofia kaya lumapit ako dito at kakatok na ako ng biglang magbukas ang pinto ,
" ayyy, hello po , goodmorning doktora " bati ko sa doktora na nagbukas ng pinto
" oh hi , goodmorning , ikaw ba si roberto"
teka bakit ako kilala neto
" ahhh , opo , nandyan po ba si doktora sofia , may appointment ako sa kanya ngayon e"
" ah yes , she's here , she's waiting for you"
agad naman etong umalis sa may pinto at muling pumasok na kanina ay lalabas na
" ahhh , doc sofia , he's here " anita shane
tuluyan naman na akong pumasok at nakita ko si doktora sofia na umupo sa kanyang chair na nasa kanyang table
" ah sit down roberto " ani sofia na itinuro ang isang chair sa gilid ng tabel
" salamat " lumapit na ako at saka umupo
" shane you may go now " sofia habang nakatingin sa isang doktora
" ok doc , ahhh roberto goodluck " anita shane na tumingin sakin na may nakakalokong ngiti , hayyy pareho sila netong manang na nasa harap ko ,
lumabas na eto at naiwan kameng dalawa ni doktora sofia , biglang tumahimik ng ilang sigundo
SOFIA POV
" pwede mo na bang sabihin sakin ang desisyon mo , " tanong ko dito
" gusto ko munang malaman dok kung ano ang magiging trabaho ko sa inyo , yung malinaw po sana parang crystal clear water "
napangiti naman ako ng bahagya , medyo may pagka joker pala to ng konti ,
" ok , ganito kasi yun , sasabihin ko sayo to , pero isara mo yang bibig mo tungkol sa mga sasabihin ko sayo ha " tumango naman eto
" supposedly less than two weeks nalang ikakasal na ako sa secret bf ko for 6 months , i propose to him last month , pero umoo naman eto, pee,,," diko na napatuloy ang sunod kong sasabihin ng biglang nanlake ang mata neto sakin
" ikaw ba talaga ang ,nagpropose sa lalake , haaa grabe i can't believe this ,
ngayon lang ako nakarinig na babae ang nagpropose sa lalake "
anito na may paghampas pa sa table , bigla naman akong nakaramdam ng inis sa lalakeng eto , masama bang magpropose ang babae sa lalake , and i propose out of love , napressure lang ako ng mga lola , ano bang alam ko sa romance romance na yan,,, diko nga alam ang feeling non e
" teka nga , ano bang masama dun ha , tyaka it's none of your business though, "
"ok , sorry doc , "
" pero last few days hindi na eto nagpakita sakin maging dito sa hospital , isa rin sya sa mga doktor ko dito , and i check his profile , his already married " muli naman etong napahampas sa table at labis kong ikinagugulat , naku talaga pag nasira tong table ko ihahampas ko talaga sa muka neto
"" teka nga , may balak ka bang sirain ang table ko ha " tinaasan ko eto ng boses
" eh pano naman dok , nakakagulat naman ang mga sinasabi mo sakin , pano kabang naloko ng ganun , isa ka panamang doktor at muka ka namang matalino " anito
well tama naman talaga eto , pano nga ba ako naloko ng taong yun
diko nalang eto pinansin
" i'm not perfect , tao parin ako nagkakamali , wag ka ngang umaktong di ka rin naloko ng iba ,"
" di talaga doc , sila yung naloloko sakin , " anito na may pagtawa pa , pelingiro tong lalakeng to as if namang napakagwapo niya
" stop it , ayoko na ituloy ang kwento ko , oh ano desisyon mo , pumapayag kaba , kelangan mo lang gawin humarap sa pamilya ko at samahan ako sa simbahan as my groom for just 1 day , pero kaylangan di ganyan ang ayos mo ,
" pumapayag ako dok , para sa aking mama , pero make sure na mapapawalang bisa ang kasal natin , may ibang nakatakdang ikasal sakin " anito , feeling naman niya gusto kong ikasal sa kanya
" ok good, " inabot ko ang bag ko at kinuha ang check book ko at nilagay ko dito ang amount na kaylangan neto saka pinirmahan ,
" but wait before i gave this to you ,wag mo ring balaking takbuhan ako ,hahanapin talaga kita kahit saang lupalop pa ,"
" excuse me dok wag mo ako itulad sa bf mong bola , "
anito , inabot ko na ang check dito
" oh eto , 100k yan "
"seryoso ka talaga sa bagay nato , pero salamat dok , sisiguradohin ko na ako ang magiging pinaka magaling na substitute groom sa kasaysayan , at pinaka gwapo" anito na proud na proud sa kanyang sarili , batukan ko kaya to ng isa baka sakaling matauhan ,