Bullet 48

1331 Words
ERNALINE'S POV: -- ISANG buwan na ang nakakalipas bago ko nabawi ang lakas ko. Perth didn't leave my side until I feel better at nahihiya pa rin ako sa tuwing magkasama kami ni Perth dahil sa nangyari nang gabing 'yun. Hindi ko naman alam na pampagising ng kaluluwa ang pinainom sa akin nina Renal at mukhang may balak talaga itong gawin sa akin ng masama kung hindi lang ako nailigtas nina Perth ng gabing yun mula sa mga kamay ni Renal baka kasal na kaming dalawa ng gunggong na 'yun? Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench habang nakatingin kay Perth na nagwo-work out dito sa loob ng kanilang building. Perth explained to me that this building was composed of assassins but they were not dangerous until Kuya Aqueros told them so, also Perth is part of an Elite Class called Bloodfist mafia at maging si Kuya Reiden ay ka-member nila. Hindi ko naman magawang magalit kay Kuya kung meron siyang ganitong trabaho dahil sila mismo ang nakatulong sa akin para makawala kay Renal. I didn't have a chance to talk to Renal because Perth told me that Renal was already in Iceland to pay for his sins. "Yung laway mo!?" Nabalik ako sa huwisyo nang may tumusok sa pisngi ko at napalingon ako kay Kuya Gun na kararating lang. "Wala naman eh." sagot ko rito. Tumawa lang si Kuya Gun at naupo sa tabi ko. Kuya Gun is my personal doctor and his ointment is effective dahil unti-unti na ring nawawala ang pasa sa katawan ko. May binibigay rin siyang gamot sa akin para mawala ang drug sa katawan ko, aniya, aabutin ng ilang taon bago matunaw ang drugs sa katawan ko dahil sa dami ng tabletas ang na-take ko. "How are you feeling?" aniya. "Okay lang po, medyo bumabalik na po ang lakas ng katawan ko and nawawala na din po ang pasa sa bawat parte ng katawan ko." sagot ko. "Just take those medicine I prescribe on you. Hindi ka makakahanap ng ganoong gamot dahil exclusive lang yon dito sa HuPoFEL." "Ilang taon ka na po bilang doktor? Bakit ang galing niyo pong gumawa ng gamot?" Kuya Gun looked at me before he reverted his gaze towards Perth whose having his own time for warming up. "I am still a student though. Hindi pa ako nakakatapos ng medicine dahil sa dami ng mga nangyayari dito sa HuPoFEL. I can't ignore my family if they want my help." Napangiti ako sa sinabi ni Kuya Gun. Pamilya ang turingan nila dito sa HuPoFEL gayong hindi naman sila magkakadugo pero pinagdugtong sila ng organisasyon na ito para tulungan at protektahan ang bawat isa. Ang sarap siguro sa pakiramdam na merong ganitong pamilya na handang sumuong sa delikadong trabaho mailigtas lang ang mahal sa buhay? Kung sabagay, humingi ng tulong si Kuya Reiden sa kanila para mailigtas ako. "I'm sure you can be a good doctor po." Kuya Gun smiled at me as he patted my head bago siya tumayo mula sa kinauupuan niya. "Hoy Fynrell!? Igala mo sa labas sa Ashleigh nang masilayan naman siya ng araw." sigaw ni Kuya Gun kay Perth na tumigil sa pagbubuhat ng dumbell. Lumapit si Perth sa amin at naliligo na ito sa sarili niyang pawis pero ang gwapo pa rin. "Sure thing." ani ni Perth. "Magbihis ka nga. Hindi ka na nahiya sa girlfriend mo." "Inggit ka lang." "Sapakin kita eh!" Natatawang pumunta si Perth sa tabi ko at kinuha ang isang towel bago nito pinunasan ang hubad na katawan, I mean, half naked siya dahil nga sa abala siya sa pag-ehersisyo at kahit saan siya magpunta, kailangang kasama niya ako at nakikita ng mata niya. Tumingala ako kay Perth at nagulat ako nang halikan niya ako sa labi. "Tulala ka na naman. May problema ba?" aniya. Marahan akong umiling kay Perth. "Ang gwapo mo kasi." Gumuhit ang ngisi sa labi ni Perth. "Maganda naman ang girlfriend ko. Let's go grab some food." Inilahad ni Perth ang kamay niya sa harapan ko na agad ko namang tinanggap at hinila niya ako patayo mula sa kinauupuan ko at nagulat kami nang makita nasa harapan namin si Gun. "Akala ko ba umalis ka na?" takang-tanong ni Perth kay Kuya Gun. Nalukot ang mukha ni Kuya Gun at pinag-krus nito ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nito. "Ayun, iba talaga pag-inlove, pati mga tao sa paligid nakakalimutan na!?" "Huwag kami ang pagdiskitahan mo tanda. Mauuna na kami." sagot ni Perth. Nilagpasan namin si Kuya Gun habang hila-hila ni Perth ang kamay ko palabas ng gym nila. Nakasalubong din namin ang iba pang kaibigan nina Perth pero tinanguan lang nila kami bilang pagbati. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakabalik sa banda at okay lang naman daw 'yun sabi ni Kuya Senri since they can handle while I am on recovery. Actually, kaya ko naman nang bumalik sa trabaho bilang performer but Kuya Reiden, Kuya Senri and Perth didn't let me kaya ang ending si Perth lagi ang kasama ko at halos malibot ko na ang buong HuPoFEL. Nakilala ko rin sina Astyr, Griffin, Cold, Andrew at ang iba pang myembro, maging si Ate Kastiel na personal secretary ni Kuya Reiden. I really love how Ate Kastiel handles my big brother and I think bagay silang dalawa. Nang makarating kami sa cafeteria, nadatnan namin sina Astyr na abala sa paglalaro ng chess habang kumakain sila. Pinaghila ako ni Perth nang upuan sa tabing mesa kung saan naroon sina Astyr. "What do you want to eat?" usisa ni Perth sa akin nang makaupo ako ng maayos, habang siya, nakatayo sa tabi ko kaya naman nakatingala ako sa kanya. "Di pa tayo nagbi-breakfast diba?" "Ipagluluto na lang kita. Wait here." Perth kissed my forehead before he went inside the cafeteria. Ang cool lang ng building nila dahil kompleto sila sa gamit, meron silang gym, offices, training grounds, cafeteria, arcade rooms, theatre, basketball court and many more. Parang dinala nila sa iisang lugar ang pwedeng paglibangan kapag wala silang trabaho. I lean my back on my chair as I get my phone from my pocket, nagi-scroll lang ako social media habang hinihintay ko si Perth. "What's up Ashleigh?" Umangat ang paningin ko at tumambad sa akin ang bulto ni Thud na mukhang kararating pa lang. "Hello, ayos lang naman ako." sagot ko rito bago ko inilapag sa mesa ang phone ko. Masyadong nakakabastos naman kung hindi ko haharapin si Thud gayong isa siya sa mga tumulong kay Perth. Napansin ko ang nakasukbit sa likuran ni Thud kaya naman inalis niya ito mula sa kanyang balikat at tumambad sa akin ang isang gitara. "Grei told me you loves music so I brought my guitar. Wanna try it?" iniabot sa akin ni Thud ang gitara niya habang nagniningning ang mga mata ko at nagtatakang bumaling kay Thud pero nakangiti lang ito sa akin. "Sing a song for us Ashleigh." I placed the guitar on my lap and I started strumming the guitar that Thud lent me. Verse 1: In a crowded room, she finds solace, Pen in hand, her heart begins to race. With each word, hopes set free and swirled, She's the architect of her world. I started singing as I strum my guitar. How I missed the time when I was performing while I am with band. Gusto kong bumalik sa entablado at muling marinig ang sigawan ng tao. Chorus: She's writing her world, the symphony of dreams, In colourful splendour, her happiness gleams. With ink and tears, she paints a tale unfurled, She's the author, shaping her world. A world where music filled our hearts, a healing aide for a lonely soul. Nakakamiss ang mga araw na kasama ko ang BlackHand band, sa tuwing magpa-praktis kami, sa tuwing magkakasagutan si Kaizen, Jasper at Saviel, ang pagbabasa ni Kyle ng libro sa gitna ng ingay nang tatlong tao, ang ang tulog na bulto ni Kuya Senri na parang may sariling mundo. Verse 2: Memories dance, like ink stains on the page, Stories are woven, emotions bloom, and rage. Through the highs and lows, she finds her way, Creating worlds where her soul will forever play. Lumapit sa mesa namin ang grupo nina Astyr at nagtataka sila kung bakit ako tumutugtog at kumakanta gamit ang gawa kong musika. I let them hear my soul through music.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD