ERNALINE'S POV:
Bridge:
Never boxed in, she lets her spirit fly,
Witnessing her dreams, reaching for the sky.
Through every word, she finds her purpose,
Her heart's desires, are never to be surplus.
Chorus:
She's writing her world, the symphony of dreams,
In colourful splendour, her happiness gleams.
With ink and tears, she paints a tale unfurled,
She's the author, shaping her world.
Verse 3:
From empty pages to a vibrant scenery,
She creates love, laughter, and a remedy.
Characters bloom, like blossoms in the spring,
Each chapter has a melody that makes hearts sing.
Outro:
With every word, new horizons arise,
A tapestry of words, joy never denied.
Her pen becomes a magical wand unfurled,
She's the composer of her happy world.
"Woah! You're so much talented Ashleigh. Did you write that song?" ani ni Griffin habang nakapangalumbaba sa mesa matapos akong kumanta.
"I have lots of songs from when I was in high school and I used it for the band." wika ko.
"So, kailan ang balik mo sa banda?" Cold asked.
"I don't know. Maybe one of these days I can make a comeback for BlackHand. Miss ko na rin naman ang magperform sa stage." sagot ko.
Ibinalik ko kay Thud ang gitara at malugod niya itong tinanggap.
"Bakit nga pala may dala kang gitara? Anong trip mo sa buhay?" baling ni Cold kay Thud habang tinitipa ang gitara.
"I just wanted to make her happy, anong masama sa ginagawa ko?"
"Ay inaagawan na naman ng trono si Boss Dezrail." komento naman ni Andrew dahilan para magkantyawan sila at asarin si Thud.
"Come on, I am the bestfriend of all the girls except Saviel." pagyayabang ni Thud.
Speaking of Saviel, I didn't see her after I recover and I don't know where she is right now pero balita ko kasamahan din nila si Sav dito sa HuPoFEL.
"Ang sabihin mo papansin ka lang." banat naman ni Astyr na nasa tabi ni Griffin at Andrew habang nakasandal sa kinauupuan ng mga kaibigan nito.
"f**k you!" malutong na mura ni Thud kay Astyr bago ito bumaling ng tingin sa akin. "Anyway, why don't you asked Dezrail to go back to his band?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"Oh, you didn't know? Dezrail is the one who built that band for you. He's the former leader and vocalist of that band."
Natigilan ako sa narinig ko mula kay Thud.
I didn't know about it and Perth didn't tell me that he was once part of the band before I entered the scene as the new vocalist.
Akmang magsasalita pa si Thud pero agad tinakpan ni Andrew ang bibig nito at naramdaman ko na lang ang presensya ni Dezrail sa tabi ko na may dalang pagkain at inilapag 'yun sa harap ko.
"Having a good time with my girl? Go back to work." utos nito kina Griffin na siyang ikinasimangot ng mukha nila.
"Ang damot mo naman! Nakikipag-kaibigan lang kami kay Ashleigh." ani ni Griffin.
"She's mine alone, so go find yourself." mayabang na sagot ni Perth bago ito naupo sa tabi ko nang hilahin niya ang isang upuan dahil wala ng bakante nang ukopahin nina Griffin ang mesa namin.
"Thunder Clyborne told her a secret." bumaling ang atensyon ni Perth kay Astyr at nagtataka itong napatitig sa kaibigan.
"What secret?"
"About you being part of the BlackHand you built as the former vocalist and a leader." walang prenong wika ni Astyr kaya naman napalingon sa akin si Perth para tignan ang reaksyon ko sa mga rebelasyon na sinasabi sa akin ng mga kaibigan.
"Uhm..about that baby, I can explain." ani ni Perth na parang hindi alam kung paano ako hahawakan once maghisterikal ako dito dahil sa nalaman ko pero hindi ko gagawin 'yun. Tama na 'yung isang beses na pagwawala ko dahil sa epekto ng gamot sa katawan ko.
I heave a sigh as I pull the plate towards me acting like I never heard anything as I started to eat my food. Kanina pa ako gutom at mamaya ko na haharapin si Perth Dezrail.
Nagulat ako nang haklitin ni Perth ang kwelyo ng damit ni Thud at kinaladkad ito palayo sa amin.
"A...ano ba Dezrail, nasasaktan ako!" reklamo ni Thud habang hila-hila siya ni Perth.
"Masasaktan ka talaga sa akin! Cold, yung scotch tape ibigay mo sa akin!" ani ni Perth at agad namang tumayo si Cold para kumuha ng scotch tape kasunod sina Andrew, Griffin, at Astyr.
Binalot nila ng scotch tape ang katawan ni Thud maging ang bibig nito habang nagpupumiglas pero wala itong nagawa nang pagtulungan siya ng limang tao.
Tatawa-tawang lumayo sina Cold kay Thud na nakaratay ngayon sa sahig at pilit na nagpupumiglas dahil sa ginawa ni Perth sa kanya. They took out their own phone as they take some pictures of Thud.
"Maisend nga ito sa GC." wika ni Andrew habang tumatawa.
"Napapala ng matabil na bunganga. Ayos ka talaga Boss D." dugtong naman ni Griffin at nakipag-apir pa kay Dezrail na agad namang tinanggap ng lalaki.
Napapailing na lang ako sa mga nasasaksihan ko sa kanila. Mukha silang bata sa ginagawa nilang pambubully kay Thud.
Natigil lang sila nang biglang pumasok sa cafeteria sina Kuya Gun, Kuya Rent sa pangunguna ni Kuya Aqueros. Agad na nagbigay galang sina Andrew pero agad itong sinenyasan ni Kuya Aqueros na huwag na bago ito tuloy-tuloy na pumasok.
Bumalik na rin si Perth sa mesa kung saan ako na roon at lumabas na rin ang grupo nina Cold. Mukhang babalik na sila sa trabaho dahil nandito ang kanilang Big Boss na si Kuya Aqueros.
"You're mad at me?" umupo si Perth at itinabi ang upuan nito sa akin at saka isinandal ang baba nito sa balikat ko.
Nagpapaawa sa akin.
"Hindi ako galit." sagot ko rito.
Nabaling ang atensyon ko nang marinig ang tawa ni Kuya Gun nang mapatingin ito sa sulok at nakita ang kalagayan ni Thud.
"What the hell happened to you Thunder Clyborne?" tatawa-tawang usisa ni Kuya Gun at pinagsisipa pa nito ang katawan ni Thud. Walang magawa si Thud dahil balot siya ng scotch tape.
"Nagagawa ng tsismoso. Pinatahimik ko lang." sagot naman ni Perth kay Kuya Gun kaya naman lumapit ito sa mesa namin.
"Nice one dude, sa susunod nga ganyan din ang gagawin ko kay Clyborne kapag naiinis ako sa kanya." nag-apir pa ang dalawa bago lumayo si Kuya Gun at umupo ito sa mesa kung saan naroon sina Kuya Aqueros at Kuya Rent.
"Kinakawawa niyo masyado si Thud, he's just helping me to make me feel better." wika ko.
Perth crumpled his face as if he was not happy with what I've said.
"He's a flirt baby."
"But he's a good guy."
Bumuntong-hininga si Perth at lumayo sa akin ang mukha niya. "Finish your food before I take you out to freshen up. Let's talk what that punk tells you."
Parang nawala sa mood si Perth pero hinayaan ko lang ito at inubos ang pagkain hinanda niya sa akin. Feeling ko tataba ako rito bago pa man ako makauwi ng bahay dahil sa galing ni Perth sa pagluluto.
Nang matapos akong kumain, hinawakan ni Perth ang kamay ko at hinila ako palabas ng cafeteria without minding Thud on the floor. Naaawa ako sa kanya kaso wala akong magagawa dahil mukhang ginalit niya talaga si Perth.
Lumabas kami ng building at dumaan kami papunta sa likuran kung saan mayroon malawak na garden sa likod ng HuPoFEL. Namangha ako dahil sa sobrang lawak nun at puno nang iba't-ibang uri ng bulaklak.
"Woah! Whose garden is this?" usisa ko kay Perth nang bumitaw ako mula sa kanyang kamay at lumapit ako sa isang bulaklak kaso agad niya akong pinigilan.
"That flower is a poison, baby. Don't let yourself hold it in using your hands."
"Ha?"
Iginiya ako ni Perth sa isang gazebo na nasa gitna ng garden at doon kami naupo.
"This garden has lots of poison flowers. Aqueros made them." panimula niya.
"Bakit mo ako dinala rito kung puro lason ang makikita natin?"
"I will bring you to his paradise but first, let me explain what Thud tells you." hinawakan ni Perth ang kamay ko at tinitigan niya ako sa mata.