ERNALINE'S POV:
"The first time I heard your voice when I was taking a stroll one night, I felt something like magic as I approached you from that park."
Kumunot ang noo ko.
Hinalungkat ko sa isip ko kung nagkita ba talaga kami ni Perth gaya ng sinasabi niya pero wala akong maalala.
"Naalala mo nung nakahiga ka sa buhanginan matapos mong tumugtog at sinabi ko sa'yon umuwi ka na lang kesa matulog sa park para ako naman ang tumambay? At naalala mo nung gabing bumalik ka sa bahay niyo at nag-away kayo ng Mommy mo kaya naisipan mong tumambay sa park at nakita mo ako dun na natutulog?"
Nanglaki ang mga mata ko. "Ikaw 'yon?"
"Yeah. It's hard for you to recognize me because I wore my fake face that time after my mission and I decided to take a nap in that place. And about the band, Senri and I decided to build it after I heard your voice. I want you to be part of that world using your music so when the band got its name, I decided to leave them and have you as their new vocalist. Masyadong mapaglaro ang kapalaran at hindi ko aakalaing mapupunta ka pa rin sa banda kahit hindi ako kumilos dahil ang kapalaran mismo ang naglapit sayo sa banda, at sa akin."
"Ayoko sanang ipaalam sa'yo ang tungkol dito pero dahil sa bunganga ni Thunder Clyborne, I don't have a choice but to tell you the truth. I know Kyle is mad at me because I left them but I don't care about it as long as they are continuing what we've started and they find you as their new vocalist. I don't want you to feel like you stole something away from me but that's not what I think, I did that because I want you to see the world I built for you."
"Sa tingin mo kung hind mo binuo ang banda at hindi nakiusap si Kuya Calvin kay Kuya Reiden, baka hanggang ngayon nasa bahay pa rin ako kaharap ang notebook at gitara ko? But when I step out from my comfort zone and try those things to be part of a music industry, I face a lot of challenges and dangerous thing I've never encountered pero hindi ko 'yon pinagsisihan dahil nakilala ko ang lalaking hindi ko aakalaing mamahalin ko ng ganito."
Perth smiled at me as he held my face using his free hands as he rubs his thumb on my cheek.
"And I love you too for coming to my world, baby." hinila ni Perth ang kamay ko at saka niya ako niyakap ng mahigpit.
Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ang taong mahal mo habang pinag-uusapan ang mga sikreto niyo sa buhay. One of those things para maging strong ang relationship, maging open kayo sa isa't-isa dahil kayo lang din ang magkakaintindihan sa relasyon na meron kayo. Labas ang opinyon ng ibang tao kaya always choose to talk with your partner para lalo kayong magkaintindihan sa mga bagay na hindi niyo napagkaka-unawaan.
Perth and I spent our time together inside the gazebo as we talked about a lot of things like what should we do about our future together.
Akala ko okay na ang lahat, nang pagbalik namin ni Perth sa HuPoFEL, ang bulto ni Kuya Reiden ang naghihintay sa akin and he asked me to come with him in our country which is the Montenegró because that's what our Great Grandfather told him to do for me to introduce in their business world as the heir of Montenegro Empire.
KUYA Reiden decided to bring me at Montenegró dahil 'yun ang hiling nang Great Grandfather namin matapos nitong mabalitaan ang nangyari sa akin. Aniya, mas ligtas ako sa kanyang poder kung doon ako mananatili pero ayokong iwan si Perth at ang banda kaso wala akong magawa dahil pareho kaming takot ni Kuya kay Lolo.
"Pwede bang huwag na lang akong pumunta?" pagmamakaawa ko kay Kuya Reiden na nakaupo sa tabi ko habang inaayos ng crew ang gamit namin.
Bumaling ang tingin sa akin ni Kuya Reiden. "Relax, they won't eat you alive. Great Grandfather wanted to see you and that's all."
"Pero Kuya kinakabahan ako. Paano kung hindi na niya ako payagang bumalik ng Pilipinas? Paano ang buhay ko dito?" sunod-sunod na tanong ko kay Kuya Reiden.
Gusto kong bumaba mula sa eroplanong sasakyan namin ni Kuya at ilang minuto na lang ay aalis na kami. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Perth o kahit sa mga kaibigan lang namin at sa banda.
"Nah. Makakauwi ka pa rin naman so don't think too much about it." aniya.
Kilala ko ang ugali ni Great Grandfather kaya nga ayokong sumama sa tuwing umuuwi sina Mommy sa bansang 'yon. Buong ang ng Montenegro ay nasa bansa na 'yon at ang pamilya lang namin ang nakahiwalay dahil na rin sa kagustuhan ni Daddy na manirahan kami sa Pilipinas malayo sa karangyaang meron ang Montenegró.
Sumandal ako sa kinauupuan ko at napapikit na lang nang maramdaman kong gumalaw na ang kinalulunaran naming eroplano. Isang private plane ang sinasakyan namin na pagmamay-ari nang isa sa mga kaibigan ni Kuya Reiden. Mas mabuti na rin yon para naman mapanatag ang loob ko na magiging ligtas ang pagdating namin sa Montenegró.
Hanggang ngayon kasi ay kinakabahan pa rin akong bumyahe mag-isa. At hindi pa rin ako nakaka-get over sa trahedyang nangyari sa akin. Kung hindi dahil sa tulong ni Kuya Gun at Perth, hindi ko maibabalik ang buhay na meron ako kaso panibagong problema naman ang susuungin ko.
Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko sa bansang 'yon mula sa pamamahala ni Great Grandfather. Isa kasi ito sa pinaka-respetadong tao sa bansa gayong isang angkan lang namin ang pinagmulan.
Montenegro is a Balkan country with rugged mountains, medieval villages, and a narrow strip of beaches along its Adriatic coastline.
"Ilang oras ba ang hihintayin natin bago tayo makarating?" wika ko dahil hindi ako mapirmi sa upuan ko habang nasa himpapawid na ang eroplanong sinasakyan namin.
Samantala, abala si Kuya Reiden sa pagbabasa ng business magazine sa tabi ko na parang sanay na ito sa tuwing babyahe papunta sa ibang bansa. Sanay naman akong mag-travel kaso iba ang usapan kapag pupunta kami sa mismong bansa kung saan nagsimula ang aming angkan.
"More on three to five hours. Sleep if you want, you can't do anything about it but face those geezer. I am also there so you don't have to worry, I'm always by your side."
Kahit gustuhin kong kumalma dahil sa sinabi ni Kuya Reiden, hindi pa rin maiaalis ang takot at kaba na nararamdaman ko.
Hindi na lang ako kumibo at hinayaan ko si Kuya Reiden sa sarili nitong mundo. Nakakatitig na lang ako sa labas ng bintana habang tinitignan ang ulap.
"Ashleigh..?"
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may tumatapik sa mukha ko kaya naman agad kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Kuya Reiden.
"We're here, get up." aniya.
Napabalikwas ako at tumingin sa bintana, lumapag na nga sa airport ang eroplanong sinasakyan namin.
"Kuya dito lang ako." sambit ko kay Kuya Reiden nang kunin nito ang bagahe namin sa compartment.
Kunot-noong tumingin ito sa akin.
"Don't be so stubborn Ashleigh. Uuwi naman tayo ng Pilipinas. Just this once, give him a chance to know you."
Hinaklit ni Kuya ang kamay ko at hinila ako pero agad akong humawak sa upuan ng eroplano.
"Ayoko! Dito lang ako!" niyakap ko ang upuan gamit ang isa kong kamay habang ang isa kong kamay ay hinihila ni Kuya Reiden.
"Damn it Ashleigh!" binitawan ni Kuya Reiden ang kamay ko at padabog itong bumaba ng eroplano nang hindi ako hinintay.
Naiiyak na tumingin ulit ako sa labas ng bintana at nakita ko si Kuya Reiden na may kausap na mga lalaking naka-men in black dahil suot nitong tuxedo at business suit.