Bullet 15

1343 Words
ERNALINE'S POV: "Well, marami ang nagkagusto sa kanta mo noong audition since nasa live stream 'yon and fans are requesting if the can band create a music video about the song. Even the producers are amazed about it." "Okay lang naman po sa akin. Medyo nahihiya lang po kasi ako since iba-ibang genre ang kanta na meron ako." Napaigtad ako nang may umakbay sa akin at nalingonan ko si Kaizen. "Lahat ba ng talento sa mundo ay hinakot mo?" ani nito. "Hindi po." "Ang hirap gumawa ng kanta Ashleigh lalo na kung hindi kasing talentado mo. To be honest, I was amazed when you taught us how you created that song during your audition and that piece is kinda hard in our way but you teach us a method on how to cope with you as a musician." Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil sa sinabi ni Kaizen. "High school pa lang nagsusulat na ako ng kanta at pati mga instruments ay pinag-aralan ko na." "Woah! Bow down to you my queen." wika naman ni Kaizen. "So, since kilala mo na sila at lalo mo pa silang makikilala once na magkatrabaho na kayo. Pwede sigurong tumira kayo sa iisang bahay?" Napatanga ako kay Kuya Calvin. "Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "BlackHand members are living in one roof Ashleigh. You don't have to worry since pagmamay-ari ni Senri ang condo na tutuluyan niyo and you have your own separate rooms." sabi pa ni Kuya Calvin. Hindi yata maproseso ng utak ko ang mga nangyayari. From Kuya Senri's kidnapping, meeting with the band and more shocking is living with them in one roof? Are they insane? "Pero Kuya, uuwi ang parents namin ni Kuya Reiden sa makalawa. Hindi nila ako papayagan po." "I already talked about it with Tito and Tita Ashleigh and they said yes though Reiden Grei is hardly against it since you are still a woman and you'll be living with these four assholes." "Ang sakit mo magsalita De Chavez." reaksyon ni Kaizen. Lumapit na rin sa amin si Jasper at nakisali na sa usapan. "Mababait naman kami lalo na sa magiging reyna ng banda namin. At isa pa, okay na rin yon na sa iisang bahay lang tayo tumira since magkakaroon tayo ng endorsemenrs at public performance especially in malls." sabat naman ni Jasper. "Pero kailangan ko pa rin po ang approval ni Kuya Reiden. Baka hindi niyo po alam, I caught in an act of kidnapping a week ago." nahihiyang pag amin ko sa kanila. Napatanga silang tatlo sa akin at si Kyle ay napahinto sa pagtugtog at biglang tumayo bago lumapit sa amin. "What did you say?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyle. "Nakidnap ako nung nakaraan kaya hindi ako pwedeng lumabas ng bahay but Kuya Senri force me to get here." pagsusumbong ko sa kanila dahilan para sabay-sabay silang mapalingon kay Kuya Senri na ngayon ay mahimbing na ang pagkakatulog sa sofa. "Oh! That's why you look like that?" saad ni Kuya Calvin at pinasadahan ang itsura kong nakapambahay lang. "I'll talk with Grei later after you sign your contract and I'll tell you some important matters about the band, the rules and regulations, how to handle your haters, and other stuff that might be related to your career." Tumango na lang ako kay Kuya Calvin bilang tugon dahil hindi naman ako makapagdesisyon nang ako lang as long as walang approval mula kay Kuya Reiden. Ang BlackHand siguro ang magiging susi ko para maging malaya sa mundong pipiliin ko pero nagkamali ako nang sa unang pagsabak ko, ay puro problema agad ang kinaharap namin. DALA ang sarili kong maleta, nakasunod lang ako sa grupo habang tinatahak namin ang isang pasilyo patungo sa condo unit na gagamitin namin. Nagulat pa nga si Kuya Senri kung bakit daw kailangan naming manirahan sa iisang bahay pero wala siyang magawa dahil 'yon ang gusto ni Kuya Calvin. "Should I carry your luggage?" Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Kyle at maglakad ito sa tabi ko. Nag-uusap si Kaizen at Jasper habang si Kuya Senri naman ay tila inaantok suot ang headphone sa tenga nito. "Huwag mo akong ginugulat, Kuya Kyle." sambit ko dito. Nagsalubong ang kilay nito bago inayos sa balikat ang nakasukbit nitong bag. Ako lang kasi ang may dalang luggage habang sila ay puro bag pack ang dala. "Why are you calling me Kuya? We're just the same age." Ani Nito. "Sanay lang po." sagot ko dito. Wala na akong nagawa nang agawin ni Kyle ang luggage ko hanggang sa tumigil ang tatlong lalaki sa harap ng isang pinto at agad na nagswipe ng card si Kuya Senri. Automatic na bumukas ang pinto kaya naman pumasok na silang tatlo at sumunod kami ni Kyle. Bumungad sa amin ang sala, isang round stairs papuntang second floor, kusina at terrace. "Your room is on the left side Ashleigh, it has a comfort room inside of it and a walking closet. If you need anything just ask me." baling sa akin ni Kuya Senri. Tumango naman ako dito bilang tugon at akmang aagawin ko ang luggage kay Kyle nang ilayo nito 'yon sa akin. "Ako na." aniya at nauna pang umakyat sa round stair nitong condo kaya naman sumunod na ako. Sinundan ko si Kyle at tumambad sa amin ang maraming pinto. Kyle Lee Yoo, ang bassist ng banda. Akala ko noong una ay hindi siya palakibo tulad ni Kuya Senri at akala ko rin may sarili siyang mundo pero mabait naman pala ito. Merong sumasagi sa isipan ko na parang kilala ko si Kyle pero kahit anong pilit kong alalahanin 'yon ay hindi ko maalala kaya hinayaan ko na lang. "These rooms on the right side, the first one owned by Kaizen." panimula ni Kyle. May color coding ang pinto na siyang ipinagtaka ko. "Bakit may color coding yata ang pinto ng mga kwarto?" "Calvin asked Senri to change it for you so that you can recognize our room immediately. These yellow doors are owned by Kaizen, the blue one is Jasper's room, the red color is mine and the black is for Senri. As for you, your room color is pink since you are a girl." pagtu-tour ni Kyle sa akin. "How about that room that has a mix color of red and black?" usisa ko nang mapansin ang isang kwarto sa dulo ng hallway katabi ng kwarto ko. "Oh, that one? Our former band leader owned it but he's not here so don't worry." Naunang pumasok si Kyle sa pink na pinto kaya naman sumunod ako dito papasok. Napangiwi ako nang makitang puro pink ang paligid ako. Dapat white paint na lang ang inilagay nila sa room ko. "Parang nahilo ako bigla sa room na gagamitin ko, pwede bang doon na lang ako sa black red na kulay ang pinto?" paghingi ko ng pahintulot kay Kyle. "You don't like this room?" usisa niya. "Well, I am not a fan of pink it's kind of a little bit awkward for me." "Sure. You can use it if you want since it's a vacant room." Napangiti ako sa sinabi ni Kyle. "Thank you!" "So, I'll go to my room, I want to rest for now." paalam nito. "Sige, salamat ulit." Tumango lang si Kyle at tumalikod na ito bago naglakad palabas ng kwarto. Nang makaalis si Kyle ay agad kong hinila ang luggage ko at lumipat sa kabilang kwarto na black red ang kulay ng pinto. Nang buksan ko ang pinto, tumambad sa akin ang amoy ng panglalaking pabango. It feels kind of familiar pero initsapwera ko 'yon at hinila ang luggage ko papuntang cabinet. Binuksan ko ang cabinet at may mangilan-ngilang gamit doon ng lalaki na naka-organize. Nagkibit-balikat na lang ako at saka ko inilatag sa kama ang bagahe na dala ko at saka ko inayos ang mga damit ko sa walk-in closet nang hindi ginagalaw ang gamit ng former lider nila bilang respeto sa banda. Nang matapos akong mag-ayos ng gamit, nakaramdam ako ng antok kaya naman nagdesisyon akong humiga na lang sa kama at tuluyang nakatulog dahil sa pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD