ERNALINE'S POV:
"Nakakainis ka!" naiiyak na sabi ko rito at kinapa ang bulsa ng suot ko pero doon ko lang napagtanto na naiwan sa kwarto ang phone ko at walang bulsa ang suot kong pang-ibaba.
"Pwede pahiram ng phone mo?" pakiusap ko rito.
Kuya Senri's eyes turned to me as if he was sleepy before reaching for his cell phone that was on the dashboard of his car and giving it to me.
Agad kong hinablot ang cellphone mula sa kamay niya at nang buksan ko ang telepono nito, tumambad sa akin ang mukha niya na may hawak na gitara.
I slid up his wallpaper and my eyes widened when I saw a photo of a woman I knew well.
"Bakit nandito ang mukha ni Sinji?" takang-tanong ko dito.
"Do your thing and don't ask whatever you saw inside my phone. Call your brother." tinatamad na wika pa nito habang prenteng nakaupo sa driver seat.
Naiintrigang tinignan ko ito bago ko binuksan ang call directory niya at hinanap ang number ni Kuya. Napapangiwing binabasa ko ang mga pangalan ng contact numbers na naka-save doon at halos karamihan ay tungkol sa business at yong iba ay mga unknown callers.
Nang makita ko ang numero ni Kuya, agad kong pinindot ang call button at diretsong inilapat sa tenga ko.
Sa ikalawang ring, sinagot ni Kuya ang tawag.
"Tss! What do you want Kuruzaki?" bakas sa boses ni Kuya na naiirita ito at tila maingay ang nasa paligid niya. Mukhang nasa conference room si Kuya.
"Kuya! Dinukot ako ni Kuya Senri!" sigaw ko rito at naiiyak na nagsumbong sa kapatid ko.
"Ashleigh?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Why the hell are you with him?"
"Lumabas lang ako ng bahay para magpahangin pero nakita ko ang kotse ni Kuya Senri sa labas. I asked him what he's doing outside and he answered me like he's just taking his rest in your territory. Kuya please help me!?"
"Tss."
I heard Kuya Senri hissed as what I've said to my brother. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang pagdukot sa akin!
"Calm down baby, give the phone to Kuruzaki." napapabuntong-hiningang utos ni Kuya.
Iniabot ko ang telepono kay Kuya Senri. "Put it on speaker." aniya.
"What the fvck, Kuruzaki!?" pagalit na singhal ni Kuya.
"Fvck you too, Calvin told me." tamad na sagot ni Kuya Senri.
"And you'll never ask me? Fck dude!? Don't just barge in inside my territory without my consent!"
"Be angry with Calvin, not me. I'm just following orders as part of the band."
"Fck you and your band! Bring her back before I wring your neck Kuruzaki."
"Not gonna happen. We're already here, bye Montenegro. Nice talking with a fcking asshole like you, see you later dude!"
"Kuruzaki--"
Hindi natuloy ang sasabihin ni Kuya nang agawin ni Kuya Senri ang cellphone nito at basta na lang pinatay ang tawag at ibinalibag sa dashboard ang cellphone.
"Should I open the car door for you?" wala sa sariling tanong nito na tila napipilitan nga talagang dalhin ako sa CDC Entertainment.
"N-no. I can manage." sagot ko dito bago kusang binuksan ang pinto ng kotse at bumaba.
Sabay kaming bumaba ni Kuya Senri sa sasakyan niya at buti na lang sa basement ng CDC niya ipinarada ang kotse. Kung nagkataong nasa public place kami, baka kinabukasan laman na ng fake news ang social media world tungkol sa akin.
Nakapamulsang naglakad si Kuya Senri patungo sa elevator na agad kong sinundan dahil hindi ako pamilyar sa pasikot-sikot dito sa loob ng CDC.
Habang sakay kami ng elevator, puro paghikab ni Kuya Senri ang naririnig ko na tila tinatawag na siya ng sarili niyang kama para matulog kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya.
"Hindi ba uso sa'yo ang matulog?" basag ko sa katahimikan naming dalawa habang hinihintay na huminto ang elevator patungol sa lugar kung saan naroon si Kuya Calvin.
"Sleeping is one of the greatest things I wanted to do right now but I have lots of work." aniya.
"Ang yaman-yaman mo na pero 'yung pagtulog hindi mo pa magawa?"
"Hindi ako nagtatrabaho para yumaman, Ashleigh. May mga bagay lang na kailangan kong paghirapan kahit na hindi ko kailangang magtrabaho dahil sabi mo nga sobrang yaman ko na. Pero ang yaman na meron ako, hindi nun maibabalik ang taong pinakawalan ko ng wala akong kaide-ideya kung na saan siya."
Natahimik ako sa sinabi ni Kuya Senri.
He may be a little bit of a mysterious and silent type of a person but I think I crossed the line from his personal life.
"Sorry." sambit ko. "Hindi ko kasi naranasang paghirapan ang mga bagay na meron kayo." malungkot na wika ko.
"What kind of experience do you want to explore?" he asked me out of nowhere.
"Marami po, but I think I can do a few things since my life has been facing some kind of danger these past few days that's why I am a little bit scared of going out alone."
Umangat ang isang kilay ni Kuya Senri. "That's the reason why Montenegro is a little bit furious the way he talked earlier?"
'Yong usapan na dapat sa kanya, biglang napunta sa akin.
"Yes. Kuya Reiden may be strict like our parents when it comes to me but he's sweet. When we were kids, we've been kidnap because they are wanting our parents money. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi ako pinapapabas ni Kuya ng bahay."
"I thought he's just overreacting because of you but I didn't know there's a story behind it. I will ask his forgiveness later Ashleigh. Come, Calvin and the others are waiting for your arrival."
Bumukas ang pinto ng elevator at naunang lumabas si Kuya Senri kaya sinundan ko ito. Halos manliit ako sa hitsura ko dahil nakapambahay lang ako habang si Kuya Senri ay tila modelo na naligaw ng runway at sa CDC hallway ito rumarampa.
Tumigil si Kuya Senri sa paglalakad nang tumapat ito sa isang pinto kung saan may nakasulat na recording studio. Tumama pa ang mukha ko sa likod niya pero hindi man lang ito natinag.
Walang atubiling binuksan ni Kuya Senri ang pinto at sumalubong sa amin ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng studio.
Laglag ang panga ko nang masilayan ang loob ng studio, as in kompleto sa gamit at instruments ang kwartong pinasok namin.
"Welcome to the studio, Ernaline," bati sa akin ni Kuya Calvin nang makita niya ako.
Alanganing ngumiti ako dito at nag-bow pa na akala mo nasa Japan at Korea. "Hello po Kuya Calvin."
Nakita ko rin si Kaizen na abala sa sariling cellphone nito habang pinapaikot sa daliri niya ang drum stick. Si Jasper naman ay busy sa pagkain at tinanguan lang ako nang makita niya akong pumasok kasama si Kuya Senri, habang si Kyle naman ay tahimik lang sa isang tabi at pinapatugtog ang bass guitar nito.
"Since nandito ka na rin lang, pwede na nating pag-usapan ang tungkol sa kontrata." panimula ni Kuya Calvin.
Kuya Senri passed us by as he walked towards a vacant couch and slammed his body on it as he closed his eyes as if there was no one in his surroundings.
"Hi Ashleigh," umangat ang kilay ko nang marinig ko ang boses ni Jasper dahilan para mapalingon kaming dalawa ni Kuya Calvin.
"Don't mind him. Kulang lang talaga sa pansin ang bansot na 'yan." wika naman ni Kuya Calvin at hindi pinansin si Jasper.
Sumang-ayon na lang rin ako since hindi ko naman sila close para kausapin ko agad.
"As you can see, this space will be the band's recording studio s***h practice room. Kung may event kayong pupuntahan o kailangan magperform, pwede kayong mag-praktis dito." pagpapatuloy ni Kuya Calvin. "Merong pantry dito kaya kapag nagutom ka you can cook or you can eat whatever you want. Pwede rin naman kayong mag-order on my account since I am your manager. And tungkol naman sa mga songs mo na hindi pa nare-release, willing ka ba na iperform sila ng solo then mamimili tayo sa mga kanta mo na pasok sa banda?"
"Uhm..pwede naman po..but I am not confident enough about my songs." sagot ko.