ERNALINE'S POV:
"A mouse that doesn't know how to hide in its own hole? When will you learn, Ocampo?" wika nito habang nakapamulsang sumandal sa hamba nang pinto.
The guy is wearing a black hooded jacket, a white mask that covers his whole face, black pants, and his combat shoes.
"s**t! Who the hell are you?" sigaw nung Ocampo. "Where are those guards!?"
Hindi ko naman alam ang pangalan niya kaya makiki-apelyido rin ako!
"The one that will take you to your destination. And about your guards, they are all fell into their deep slumber as they sleep in silent. Here's a present for you!" saad nito at biglang may itinapon papunta kay Ocampo at napatili ako nang hilahin ako ng
lalaking naka-maskara palayo sa taong kumidnap sa akin.
"Fvck!" sigaw nung Ocampo nang sumabog ang likod sa mukha nito.
"You deserve it Ocampo. See you in hell?" itinapon nang lalaking nakamaskara ang isang lighter na may sindi at itinapon 'yon kay Ocampo bago niya ibinangga ang sarili palabas ng bintana kasama ako.
Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa madilim na gabi kung saan kami naroon.
The masked man groaned as his body landed on a hard land. His arms protected me as he hugged me tightly.
I heard him cuss as he picked himself to stand up and carry me without minding my weight.
"I took her out, where the hell are you Astyr?" rinig kong wika nito habang tumatakbo kami - I mean siya lang pala dahil buhat-buhat niya ako.
Napatitig ako sa maskarang suot nito pero hindi ko man lang maaninag ang buong mukha nito dahil sa higpit ng maskara na suot niya.
Tumigil ito sa pagtakbo nang huminto ang isang sasakyan sa harap namin at tumambad sa amin ang mukha ng isa pang lalaki na tila nababagot na.
"What took you so long D?" aniya na parang matagal itong naghintay.
"I cleaned up a mess for a while... Let's get out of here before her brother kills me." utos nito nang maisakay niya ako nang maayos sa loob nang kotse at halos tumilapon ako sa loob nang sasakyan ng biglang pasibadin nung nagngangalang Astyr ang kotseng kinalulunaran namin.
Hanggang sa makalayo kami sa lugar na 'yon, dinala ako ng dalawang lalaki sa harap ng Montenegro Empire at nakita ko si Kuya Reiden kaya naman nang huminto ang sasakyan ay agad akong bumaba at tinahak ang distansya namin ni Kuya Reiden.
"Oh god! You're safe!" sinalubong ako ng yakap ni Kuya at halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit nun.
"I am sorry, Kuya. I will not disobey you again." sabi ko sa bawat hikbing kumakawala sa sistema ko.
"Hush now baby, you are safe now." pang-aalo ni Kuya sa akin.
"I deliver her in safe. Should I go now?"
Napalingon si Kuya sa lalaking nakasuot pa rin ng maskara. Nag-iba ang tono nang boses nito na tila ayaw nitong makaharap ang kapatid ko.
"We were not yet done. Report it to him and see me a week later." utos ni Kuya sa lalaking nakamaskara.
Wala na akong pakialam sa pinag-uusapan nila basta ang gusto ko lang ay umuwi at humingi ng tawad sa Kuya ko.
"Why should I do that? He's my Boss and he is the only one who can ordered me around Montenegro!?" sagot ng lalaki na tila napipikon sa ugali ni Kuya.
"Know your place. I am still the second in command and I have the power to order you around. Get out of here before I do something you don't like!"
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Kuya at hinayaan ang lalaki na umalis sa harapan namin nang hindi man lang ako nakapagpasalamat sa pagligtas nito sa akin.
Nang kami na lang ni Kuya Reiden ang naiwan, hinarap ko ito at nagsalita.
"I made a mistake Kuya." panimula ko.
"What kind of mistake did you make?" usisa nito.
"I made a deal with a person I didn't know. Natakot kasi ako na baka ikaw ang saktan nila." pagsusumbong ko dito.
"Hush! It's fine baby if you'll betray me as long as you are safe. No one dared to mess with me that's why they are targeting you. I am sorry if I can't protect you at times like this. I am sorry if I'm neglecting you because of the company. You know how much I love you and I'd do anything you want just to make you happy."
Pinunasan ni Kuya ang luha sa mga mata ko at tinitigan akong mabuti. "Did they hurt you?" dugtong niya pa.
Umiling ako dito bilang sagot.
Bumuntong-hininga si Kuya bago ako niyakap ulit. "Let's go home now and take a rest. I won't go to the office in the meantime. And I need to talk with Dad."
Hindi na ako umimik pa at hinayaan ko si Kuya na akayin niya ako papuntang sasakyan para makapagpahinga ako ng maayos.
Sa lahat ng dudukutin nila bakit ako pa? Wala akong kilalang Ocampo tulad nang lalaking iyon dahil hindi ko naman kilala kung sinu-sino ang mga taong gustong pabagsakin ang kapatid ko.
All I want is to have a happy life and create my own world with my music. Hindi pa man ako nakakapagsimula, marami na agad pagsubok ang kahaharapin ko sa susunod na bukas.
A week passed, Kuya Reiden asked me to go with him at the Montenegro Empire but I didn't agree with it.
Sariwa pa rin sa utak ko ang nangyaring pagdukot sa akin noong araw na mag-away kaming dalawa ni Kuya.
Sa susunod na araw uuwi sina Mommy at Daddy galing sa Montenegró dahil nag-aalala sila sa kalagayan ko. Okay lang naman ako since nailigtas naman ako ni Kuya Reiden and I was curious who's that man he hired to rescue me.
Aniya, for hire ang mga lalaking nagligtas sa akin at walang ideya si Kuya Reiden sa katauhan ng dalawang lalaki na 'yon.
Ibinaba ko ang hawak kong lapis at nagpasyang lumabas ng kwarto ko. Nakita ko si Yaya Marie na abala sa paglilinis nang bahay kaya hindi ko na ito inisturbo at dumiretso ako hanggang sa makababa ako ng sala at lumabas ako ng bahay para magpahangin. Pero nagtaka ako nang may makita akong kotse na nakaparada sa labas ng bahay kaya sinilip ko ito mula sa bakal na bakod ng bahay namin.
Kunot-noong tinignan ko ang isang lalaking nag-aabang sa labas ng bahay nang masilip ko itong nakaupo sa hood ng sarili nitong sasakyan.
"Anong ginagawa mo dito?" usisa ko nang pagbuksan ko siya ng gate.
Nakapambahay lang ako dahil wala naman akong lakad ngayon at hindi ako pwedeng umalis nang walang pahintulot mula kay Kuya Reiden.
"Just resting while in Grei's territory." aniya bago humikab sa harapan ko.
He looked like a model in his posture and clothes while sitting on the hood of his car without thinking that he was in front of another house.
"'Yong totoo Kuya Senri? Baka gusto mong tumawag ako ng pulis?" pagbabanta ko rito.
Kuya Senri looked at me blankly. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa hood ng kotse niya at nakapamulsang naglakad papunta sa harapan ko.
He leans closer. "Calvin told me to fetch you."
Bago pa man ako makahuma, hinawakan na ni Kuya Senri ang braso ko at kinaladkad ako papunta sa kanyang kotse at basta na lang ako nitong pwersahang isinakay.
"T...teka sandali!?" natatarantang wika ko pero nakasakay na si Kuya Senri sa driver seat at lumingon ito sa akin.
"What?" aniya.
"Kidnapping itong ginagawa mo. Isusumbong kita sa Kuya ko!?" nahihintakutang sabi ko rito.
Hindi pa nga ako nakakamove-on doon sa pagdukot sa akin tapos heto na naman ang pwersahang pagpapasakay sa akin sa kotse without minding what kind of appearance I have?
"Kidnapping?" hindi makapaniwalang wika ni Kuya Senri bago ako nito hagurin ng tingin mula paa hanggang ulo. "You are not even a kid, pwede ka na nga gumawa ng bata eh."
Nanglaki ang mga mata ko.
"Isusumbong talaga kita sa Kuya ko!" nanggigil na singhal ko rito.
"Go on. I am not afraid of your brother even if you'll ask him for his help. I only came here because that's what Calvin said. After all, I'm the temporary leader of the band, I have to follow what he says." saad nito bago pinaandar ang sasakyan palayo sa bahay namin.