Naku Ajay, ka karating Lang ng mga pinsan nyo dito sa probinsya, tapos yan agad ang kinu kwinto nyo. Sabi pa
ng bunsong kapatid ni Papa na si Tiyo Wally. Napalingon ka agad kaming Lima.
Mag si uwian na kayo pa hapon na, at kayo Bert bumalik na muna kayo sa bahay. sabi nito at umalis na sa aming harapan.
Kaya napag pasyahan namin na bumalik nalang sa bahay ng Lolo namin.
Makalipas ng ilang linggo ay naka sanayan na rin namin ang manirahan sa probinsya. Hanggang sa dumating na rin ang enrollment.
Agad kami nag enroll sa high school at kasama ang dalawa kung pinsan. malapit lang din saming tinitirhan ang paaralan ng high school, kaya pwide lang siyang lakarin kung hindi ka nag mamadali.
Nasa loob na kami ng paaralan ng may nakita ako na isang pamilyar na mukha.
Kaya pinag masdan ko ng mabuti ang babae, Doon ko napagtanto, ito yong babae na nakasa lubong namin noon nung unang araw pa namin dito sa probinsya. sabi ko pa.
Napansin ko din ang pag lingon ng dalagita sa deriksyon ko, Kaya hindi ko alam kung babatiin ko ba sya o ngingitian nalang. Nakaramdam talaga ako ng hiya.
Nagulat pa ako ng tinapik ako ni Ajay.
Ano insan, tapos kana ba mag pa enroll. pasukan na sa Lunes. tanong pa nito sakin.
Oo tapos na, sabi ko pa sabay baling muli sa dalagita. Pero wala na ito sa kanyang kinatatayoan. kaya mabilis agad ako nagpa linga linga sa paligid. Pero hindi ko na siya nakita pa.
Sino ba ang hinahanap mo. nag tatakang tanong pa ni Banjo.
Yong babae, Sabi ko pa habang nag pa linga linga sa paligid.
Anong hitsura ng babae, Baka kilala namin ni Ajay. muling tanong nito sakin.
Nag alinlangan akong sumagot. Baka kase tutuksohin nila ako.
Ahhh, wala lang yon. akala ko kase kakilala ko, Baka kahawig lang. sabi ko nalang para dina ako kulitin pa.
Nag desisyon nalang muna Kami na umalis at mag tungo muna sa pamilihan para bumili ng mga kulang na gagamitin para sa pasukan. Nang masigurado nabili na ang lahat ay dumaan na rin muna kami sa park.
Marami silang pinakita sakin na mga magagandang lugar sa park at pinakilala din nila ako sa kanilang mga kaibigan, masaya din akong binati ng mga iyon.
Pagka hapon ay napag desisyonan na namin na umowi na para maghandan sa pasukan para sa lunes.
Nakaramdam ako ng pagka excitement para sa lunes dahil pakiramdam ko, makikita ko ulit ang babae sa eskwelahan.
Pakiramdam ko kase talaga, kaya din yon nandun, dahil mag eenroll din.
Dumating na nga ang lunes, masigla pa akong napabangon mula saking higdaan.
Naligo at nag bihis ng uniforme na binili namin sa palingke.
Mabilis akong nagtungo sa kusina at kumuha ng pagkain.
Naka ilang subo pa ako ng dumating na ang dalawa kung pinsan.
Halika na, ang kupad kupad mo naman kumain. sabi pa ni Ajay.
Hayy, sandali lang naman mabu bulonan ako sa pinag gagawa nyo sakin ehh. Tika bakit ang aga aga nyo naman ata. nagtatakang tanong ko pa sa kanila
Ito kase si Ajay, may usapan sila ng kanyang nobya na dadaanan pa nya ito sa bahay, kase gusto daw maki sabay sa kanya papunta sa eskwelahan. Paliwanag pa ni Samuel na kapatid ni Ajay.
Hala, may nobya kana? mangha ko pang tanong kay Ajay.
Oo, mag apat na buwan palang kami. sabi pa nito habang pangiti ngiti.
Naks naman, buti pumayag si Tiyo Nelson. sabi ko pa.
Ayos lang naman daw kung mag nobya ako, basta wag lang daw muna mag mamadali sa pag aasawa. paliwanag pa nya sakin.
Sana payagan din ako ni Papa, sabi ko pa sabay kuha ng baso at ininum ang natitirang tubig doon.
Bakit may nagustohan kana ba dito sa lugar natin? tanong pa ni Samuel
Sino yon? panunukso pang tanong ni Ajay sakin.
Basta makilala nyo sya kapag makita natin siya sa paaralan. sabi ko pa na nakangiti
Maganda ba"? tanong pa ni Ajay sabay akbay sa aking balikat.
Kahawig siya ni Angel Locsin sa ganda.
Pag ma mayabang ko pa.
Sus, may linulunok ba yan na bato at sumisigaw din ng Darna para maka lipad. natatawang pabiro pa ni Ajay.
Marahan ko pa siyang siniko at pakunwaring sinamaan siya ng masamang tingin.
Napataas ang kanyang kamay at nag peace sign sabay tawa.
Tayo na nga at baka ano pa ang magagawa ko sayo. Sabi ko pa at nag patiuna na sa paglalakad.
Pagka dating namin sa paaralan ay mabilis pa akong nag palinga linga sa paligid. Nag babaka sakali na muli kong makita ang dalagita.
Nadismaya ako ng hindi ko muling nakita ang babae. Hanggang sa narinig namin na tumunog na ang bell, isa iyong hudyat na kailangan na naming pumasok sa loob ng kanya kanya naming room.
Saglit pa kami nag kwintohan ni Ajay. mula sa kina uupoan namin ay napalingon ako sa pinto ng may pumasok doon. Naka yuko iyon, natigilan pa ako ng mapagtanto ko kung sino. kaya mabilis tumibok ang aking dibdib. Nakita ko din na napatingin din siya sa akin. Katulad ko mabilis siyang umiwas ng tingin.
Nag lakad na ito patungo sa gilid ng upuan dahil may bakante at doon na umupo.
Napa baling pa ako ng tingin kay Ajay ng marahan nya akong kinalabit.
Hoy, wag mo sabihin na si Jasmin ang tinutukoy mo kanina. Nagtatakang tanong pa ni Ajay sakin.
napalingon ako sa kanya at pasimpleng tumangu.
Ang galing mo naman pumili insan, Di lang yan maganda, matalino din sa klase. Kaso tahimik lang yan di nga halos nakikipag halobilo. sabi pa ni Ajay.
Mas exciteng nga ehh, sabi ko pa.
Anong exciting ka diyan, iniisip ko nalang kapag makipag date ka sa kanya, para kalang may ka date na isang punong kahoy. Ni hindi nga yan halos nag sasalita kapag kinakausap. sabi pa ni Ajay.
Mas tumindi pa ang hangarin ko na kilalanin ang kaklase ko na si Jasmin. isang boung araw ang klase, naiiba SA Maynila. Pero masaya din naman dahil boung araw kung palihim na tinitignan si Jasmin mula sa malayo. Kahit ano nalang na kunwari ang ginagawa ko para lang mapa lingun ako sa kanya.
Siguro nakaramdam din siya na may nakatingin sa kanya kaya nag palinga linga din siya ng tingin sa kanyang paligid. Hanggang sa nag tama ang aming mga mata.
Malapad ko siyang ningitian. Kita ko pa kung paano siya mabilis na umiwas ng tingin at itinuon ang atinsyon nito sa pag susulat.
Kinilig naman ako sa nangyayari, akalain mo nagkatitigan pa talaga kami.
Ilang araw at linggo din ang lumipas na ganon palagi ang naging set up namin, ang panakaw tingin. Gusto ko siyang lapitan pero na tutorpe talaga ako.
Pagkalipas ng isang buwan ay nagkaroon ng birthday ang isa sa aming kaklase, dahil anak ito ng kapitan at nag iisang anak na lalake ay pinag handaan ito ng kanyang ama.
Lahat kayo inanyayahan ko na mag tungo sa birthday ko. Kailangan bawat isa sa inyo mag dala ng regalo. natatawa pang sabi ni Polo sa amin.
Rinig ko pa kung paano nag bulongan ang iba pa naming ka klase.
Eh, paano kung pupunta ako dun, pero wala akong pang regalo sayo. sabi pa ng mataba naming ka klase.
Di magdala ka ng sarili mong kaldero at plato. natatawa pang sabi ni Polo.
Mabilis naman siyang binatukan ni Ajay.
Luko luko ka talaga, nag imbita ka pa talaga kung ganon naman ang mangyayari. Regalo lang naman ata ang kailangan mo samin eh, Paano nalang kung kaming lahat walang pang regalo sayo. Di hindi nalang kami pupunta dun. seryoso pang sabi ni Ajay.
Hahahaha Pare Ajay naman, wag naman kayo ganyan nag bibiro lang naman ako, sabi pa ni Polo sabay akbay kay Ajay.
Napatingin ako kay Jasmin, nakatingin
pala sya sakin.
Nagulat pa siya ng ningitian ko siya, napansin ko agad ang pamumula ng kanyang pisngi. Kaya mabilis siyang umiwas ng tingin.
Napa igtad pa ako ng siniko ako ni Ajay.
Kaya napatingin agad ako sa kanya na may pagka inis.
Ano ba, sabi ko pa sa kanya.
Hanggang kailan kayo mag titigan ng ganyan huh. natatawang tanong pa ni Ajay sakin.
Ehh, nahihiya akong lumapit sa kanya eh,, sabi ko pa sabay kamut.
Halata namang gusto ka rin ni Jasmin, pero katulad mo ayaw n'yang ipakita sayo, bulong pa ni Marko. na nasa likuran kulang nakaupo.
Paano mo naman nalaman. tanong pa ni Ajay.
Ano kaba, panay kase ang tingin dito eh. sagot pa nito kay Ajay.
Puro kayo kalokohan. sabi ko pa at itinuon ang atinsyon ko sa pag iisip.
Pagkatapos sa klase ay nag kanya kanya na kami ng labas mula sa room namin.
Bert, pupunta kaba sa birthday ni Polo"? tanong pa ni Alice sakin na s'yang dahilan para lumingon ako.
Dipende sa sitwasyon, sabi ko pa sa kanya.
Pumunta ka, dahil pupunta din ako doon. nakangiti pang sabi nito sa akin.
Napaisip ako kung pupunta nga ba ako o hindi nalang.
"Pupunta sya, ako bahala sa kanya. sabi pa ni Ajay sabay akbay saking balikat
Mabilis ko iyong tinanggal at sinamaan siya ng tingin. kita ko pa kung paano napangiti si Alice dahil sa sinabi ni Ajay.