EPISODE 1
Napakunot noo akong napatigil sa may pinto ng marinig ko sila mama at Papa na nag tatalo.
Natigilan lang sila sa kanilang pag tatalo ng nakita nila ako na nakatayo sa pintuan at halata nakikinig sa kanilang usapan. Nag kabit balikat nalang ako na lumapit sa kanila para mag mano. Pagkatapos kung mag mano ay mabilis akong nag paalam sa kanila para mag tungo sa sarili kung kwarto. Muli ko silang narinig na nag uusap, pinag tataka ko dahil halos pa bulong nalang ang sinasabi ni Mama Kay Papa. Di ko nalang sila pinansin pa at pinag patuloy ang pag bihis ko ng damit.
Pagka gabi ay bigla nalang sinabi ni Papa na uuwi na kami sa probinsya nila, at doon na tumira, dahil daw wala na siyang trabaho dahil tinanggal na siya. Ang pagka rinig ko kakahapon nag sirado na ang factory na kanyang pinag tatrabahoan dahil daw na lugi ito. Nagtataka man ako ay hindi ko nalang inalam pa ang dahilan kung bakit wala ng trabaho si Papa. Natatakot din ako na tanungin sila, dahil baka pagalitan lang nila ako.
Kaya hinintay nalang namin na mag closing ang paaralan tsaka na kami uuwi sa probinsya, nakapag paalam narin naman ako sa mga guro ko sa bawat subjects ko.
Sa una ayaw ko talagang pumayag na uuwi sa probinsya ni Papa, dahil nasa Maynila na ang aking buhay, nasa Maynila na rin ako nagka bou ng mga matuturing na mga tunay na kaibigan.
Ngunit wala na akong nagawa nang nagalit na si Papa. Bihira lang magalit si Papa, kaya subrang kaming natakot nang sumigaw siya sa galit sa aming harapan. Kaya sumunud nalang din kami sa desisyon niyang umowi nalang sa probinsya nila.
Isang boung araw kami nag biyahe patungo sa probinsya ni Papa. Kailangan pa naming sumakay ng barko para tatawid sa karagatan, patungo sa Isla sa sinasabi ni Papa.
Kahit pagod sa biyahe ay nag enjoy parin naman ako, dahil sa ganda ng tanawin.
Kita ko pa ang katamtamang laki ng mga Isla na nakapaligid sa karagatan. Pagkadating namin sa pantalan ay mabilis nagpa linga linga si Papa.
Sa bandang dulo ay napadaku ang kanyang paningin, kita namin na ngumiti siya at kumakaway.
Kaya napabaling din kami ng tingin sa deriksyon kung saan nakatingin si Papa.
Nakita namin na may dalawang lalake ang kumakaway din kay Papa. Tumigil ang mga ito sa pag kaway at sumakay nasa pick up car tsaka pinatakbo papalapit samin.
Maluwang na ngiti ang sumilay sa labi ni Papa ng sinalubong niya ang paparating na sasakyan.
Alan, sabi pa nito kay papa sabay yakap.
Kuya Nelson, bati pa ni Papa sa lalake na may edad na sabay tapik sa likod.
Kita ko din kung paano tinapik pabalik ng lalake ang balikat ni Papa habang masayang nagyakapan. katulad ng isang kasama ng isang lalake masaya din ito dahil sa pag uwi ni Papa.
Napabaling ng tingin si Papa at kunot noong tinanung ang kasama nito.
Ikaw na ba yan Wally. manghang tanong pa ni Papa sa kaharap.
Oo, ako na nga to kuya. sabi pa nito sabay ngisi.
Tignan mo nga naman, mas malaki ka pa kaysa akin. Natatawa pang sabi ni Papa. Kita ko pa kung paano nag tatawanan silang tatlo.
kita ko din kung paano nakislapan ang mga mata ni Papa, kung paano nya pinag masdan ang dalawang niyang kapatid.
Sila naba ang mga pamangkin namin tanong nila kay Papa.
Oo, ito si Bert ang panganay namin at si Benjamin ang bunso naman namin at si Carol ang asawa ko. Pakilala pa ni Papa samin.
Hello po ate Carol, ang lalaki narin pala ng mga pamangkin ko ah, sabi nito at mabilis na ginulo ang buhok ni Benjamin
O sya nga pala ito si Tiyo Wally nyo ang bunsong kapatid namin. Sipunin pa nga to ng umalis ako dito. natatawang sabi pa ni Papa samin. Natawa na rin kami dahil sa sinabi ni Papa.
Nakita ko kung paano napangisi ang bunsong kapatid ni Papa.
Ito si Tiyo Nelson nyo, panganay saming magkakapatid. dagdag pang sabi ni Papa. Magalang naman namin silang binati ni Benjamin.
O tayo na, baka ma abutan pa tayo ng gabi dito. Yaya pa ni Tiyo Nelson sa amin.
Sumakay na kami sa pick up car na dala ni Tiyo Nelson para sunduin kami, na upo si Tiyo Wally katabi kay tiyo Nelson na siyang nag drive ng pick up car. Kaya nasa likuran lang din kami naka upo.
para kahit paano ay makita ko ang bawat lugar na madadaanan namin.
Habang nasa biyahe kami ay walang tigil ang kanilang kwintohan. Kahit saan saan nalang napupunta ang kanilang usapan. Habang ako ay nakatanaw lamang sa kalsada.
Natigilan ako sa pag mamasid ng napaku ang aking paningin sa isang dalagitang nag lalakad sa gilid ng kalsada. May dala itong bayong katulad ko napalingon din ito sa akin habang napadaan ang sasakyan sa kanyang harapan.
Kahit na malayo na ang sinasakyan naming sasakyan ay nakatingin parin ako sa dalagitang nag lalakad.
Nakaramdam ako ng paghanga sa kanya, ang weird dahil sa dami kung naging kaklase noon sa Maynila na magaganda at may kaya sa buhay kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pag hanga man lang. Aaminin ko bago sakin ang kakaibang pakiramdam.
Sana makita ko sya ulit" bulong pa ng isip ko.
Bert, humawak ka diyan, baka mahulog ka pa diyan dahil sa kakatingin mo sa magandang dalagita. Natatawa pang sabi ni Tiyo Wally sakin.
Namula agad ang aking pisngi dahil sa sinabi ni Tiyo. buti nalang at nasa likuran niya ako. Habang siya ay naka upo sa harapan ng sasakyan.
Malayo palang ay tinuro na ni Tiyo Nelson ang bahay ng Lolo at Lola namin.
Malaki ito kahit puro kahoy ang naka palibut sa boung paligid ng bahay.
Ng marinig nila ang tunog ng sasakyan ay kita ko pa ang pag labas ng mga tao mula sa loob ng bahay.
Sa may pinto ang pag labas ng isang matandang lalake, nag pa ika ika pa ito habang nag lalakad. Katulad ng iba ay masaya din itong lumabas mula sa loob ng bahay.
Pang, Mang, sabi pa ni Papa habang mabilis siyang bumaba mula sa sasakyan at masayang sina lubong ang kanyang mga magulang.
Lukong bata to, ngayon mo lang talaga naisipan ang umowi dito.
Sabi ng matandang lalake at mahinang hinampas si Papa.
Natawa si Papa dahil sa ginawa ng Lolo namin.
Pang, pasinsya na po kayo, na busy lang talaga ako sa trabaho. Kaya ngayon lang ulit kami naka balik dito. Sabi pa ni Papa.
Pinakilala naman agad kami ni Papa sa Lolo at Lola namin at sa dalawa pa niyang kapatid.
Masaya silang nag kamustahan, habang kami ni Benjamin ay nasa sofa at nanunoud ng television.
Pa minsan minsan ay lumilingon ako sa kanila para makinig ng usapan.
Biglang dumating ang mga anak ng mga Tiyohin namin. Magiliw nila kaming niyaya na maglaro sa labas.
Dahil naba bagot na rin kami sa loob ng sala ay sumunod kami sa mga pinsan namin.
Dahil laki sa Maynila ay hindi ko halos kabisado ang mga laro nila.
Alam mo ba kung paano ito gamitin?
tanong ng isa kong pinsan na nag pakilala na Banjo.
Hindi eh, pero alam ko kung ano Yan
sabi ko pa.
Ahh,, halika at tuturoan kita kung paano gamitin. sabi pa nito at binigay sakin ang hawak niyang tirador.
Napakamot pa ako sa ulo at sumunod sa kanya. Pinag masdan ko pa kung paano nya hilain ang guma.
Napalingon pa ako kay Benjamin na abala sa kakahabol ng salagubang, lihim pa akong natawa dahil muntikan pa ito masubsob sa lupa.
Kaya finucos ko nalang ang sarili sa pag hawak ng tirador na siyang tinuro ni Banjo.
Binje, wag kang lalayo. sigaw pa ng isa pa naming pinsan na s'yang dahilan ng pag lingon namin.
Napalingon din si Benjamin at kumaway.
Mabilis siyang nilapitan at hinila papalapit samin.
Di naman ako lalayo ah. sabi pa ni Benjamin habang naka nguso.
Hindi mo pa kase kabisado ang lugar dito, lalo na dito sa gubat. Dilikado kapag maliligaw ka. sabi pa ng pinsan namin na si Ajay.
Bakit, may mga mababangis ba na hayop ang nakatira dito? seryoso ko pang tanong sa kanila.
Naku, mas may mabangis pa sa mga hayop. sabat pa ng isa naming pinsan.
Napatingin ako sa kanya na may bahid ng pagtataka.
Ano naman yon. tanong ko pa.
"Naniniwala ka ba sa Aswang? tanong pa ni Ajay sakin.
Natawa ako dahil sa kanyang sinabi.
"Aswang? mga insan anong taon na tayo ngayon, wala ng Aswang sa panahon ngayon. sabi ko pa, pero ni isa sa kanila walang umimik. kaya tumigil nalang ako sa pag sasalita
Totoo, may mga aswang ang nag aaligid dito sa probinsya kapag gabi. Kaya kapag gabi wala nang gusto ang gumala, dahil sa takot. sabi pa ni Ajay
Napansin ko napakapit sa dulo ng damit ko si Benjamin dahil sa takot ng marinig ang salitang Aswang.