Chapter 1

2906 Words
Chapter 1 Sa limang taon na nagtratrabaho sa kompanya si Aoife, ngayon lang niya nakita ang boss niya at harapang kinakausap. Ipinasa ang dati niyang boss ang posisyon sa anak nito limang taon na ang nakakalipas. Ngunit sa limang taon na iyon ngayon lang nagpakita ang boss niyang lagi niyang kinakausap sa telepono. Isang buwan pa lamang siyang nananatili sa company naging delobyo na ito. Naging mahigpit ang mga security, naging mahigpit ang mga pagtratrabaho wala ng makikitang nakikipagchikahan kundi lahat busy. Nakatitig pa rin siya sa kisame ng kanyang kwarto hindi siya makapaniwala na sa isang buwan na pagtratrabaho naging pahirap ng pahirap, laging late ang uwi at laging maaga ang pasok. Wala siyang magagawa kailangan niyang maging matatag dahil mag-isa na lang niyang haharapin ang mundo. “ISANG buwan na tayo dito sa Pilipinas Zach, hindi mo pa nahahanap ang fiancée mo” bulyaw sakanya ni Revenrie ang lalaking may berdeng mata. Nasa StoneHUb sila kung saan ang sikat na bar na pagmamay-ari ni Revenrie. “Ex-fiancée moron!” bulyaw nito at ininom ang hawak na alak. “Ano ulit ang kailangan natin sakanya?” binatukan siya ni Revenrie dahil sa tanong nito na parang hindi alam ang misyon. “Stupid Ranjo! Huwag mong sabihing bugbugin pa kita para malaman mo!” Ranjo has a brown eye na nakakatunaw. “King says you need to find a bride as soon as possible Zach” basag ni Arios sa kanya a man who has a grayish eye. “Danm it!” mas lalong naiinis si Zach dahil sa utos ng Hari. Ayaw niyang magmadali, ayaw na ayaw niyang inuutusan kaya mas lalong naging tuso ito. “He still has 30 days to find another bride Arios, huwag mong ipressure” natatawang opinion ni Menzui a man who has a hypnotizing eye. “Do you have any standards?” pilyong tanong ni Menzui. “I don’t have any standards! Will you just shut up! Nandito ako para magpahangin mahaba-haba pa ang araw para maghanap ng bride na ‘yan, kung bakit pa kasi kakailanganin ng mapapangasawa nagkasakit lang naman hari.” tinawanan lang siya ng apat nitong kaibigan na para bang iniinis nito. “Weew! So, let’s taste the flavor of blood!” masayang bulyaw ng mga kaibigan niya at napapailing na lang ito saka nila. NAKARATING sa mansion si Zacharias at bumungad sakanya ang butler nitong si Octave. Siya ang pinagkakatiwalaan ni Zach simula pa man dahil mula pagkabata siya na ang kasama nito saan man siya magpunta. Magkapatid na ang turingan nilang dalawa dahil hindi naman nagkakalayo ang edad nila mas matanda lang si Octave ng dalawang taon. “Tumawag ang Hari kanina, boss” huminga lang siya ng mamalim at saka tumungo sa kusina para uminom. Sumunod naman ang butler nito na patuloy ang pagsasalita “Tinatanong niya kung kamusta ka, kumusta ang kumpanya at kamusta ang ex-fiancee mo” bigla naman niyang tinignan ng masama si Octave. “Ano ang sinabi mo?” ngumiti lang ang butler nito ng nakakaloko “I said it’s alright” wala siyang maaasahan kay Octave pagdating sa kamustahan na iyan at nagpapasalamat siya dahil yun ang tanging sagot nito sa Hari. “Good” saad nito sakanya tinapik niya ang balikat nito at tumungo sa kwarto. MAAGANG pumasok si Aoife dahil ayaw ng boss niya ang late. Fresh pa rin ang nasa ulo niya ang nangyari last week. ‘I’m breaking up with you’ ‘you’re boring’ ‘you’re not a good kisser’ ‘you don’t have enough money’ “Sarap patayin!” kinakausap niya ang sarili habang pamunta sa opisina. “Not a good kisser pero todo halik?!” padabog siyang umupo sa swivel chair niya at pilit na kinakalimutan ang nangyari. “Mukhang pera! Nakakinis!!” hindi maipinta ang mukha nito na nakatungo sa computer upang tignan ang schedule ng boss niya. “Aoife Hepzibah Vazquez!!” napaigtad siya sa pagupo dahil narinig niya ang baritong boses ng boss niya na may halong lamig. Nakatitig ito sakanya na para bang hinihintay ang sasabihin nito. “Kanina ka pa kita kinakausap at nakatunganga ka lang sa screen na’yan” wala pa rin siyang mabasang ekspresyon ng mukha nito. Nakanganga siya dahil nagulat siyang marunong pa lang magsalita ng tagalog. “Alam niyo pong magsalita ng tagalog?” gulat na tanong nito sakanya. “Yes, why?” parang wala lang sakanya ang angyari. “Alam niyo po bang nahihirapan akong magsalita ng English?! Ang sakit sa ulo makipagusap sa inyo ng English tapos malalaman kong marunong kayong magsalita ng tagalog?!” naiinis siya ng walang dahilan. “At anong kinaiinis mo? You’re just my secretary” sagot nito sakanya na walang pake. “My schedule?” saad nito sakanya agad naman na tumingin si Aiofe sa screen. “You don’t have any schedule today, sir” tsaka tinignan ang boss niya ngunit may ibang ginagawa at hawak ang phone. Kumunot ang noo nito dahil hindi siya nakikinig. Magsasalita na sana siya ng biglang nagsalita ang boss niya. “Good” at iniwan niya ito na nakatunganga. Huminga siya ng malalim na parang may sakit sa kanya at bigla na lang itong tumulo ang mga luha niya. Danm heart! “Pinagsisihan kong nakilala kita” sa bigkas niyang iyon ipinikit niya ang mga mata nito at sa gulat nakita niyang nakatayo ang boss niya sa harapan kaya agad niyang pinunasan ang mga luha nito. “Is that you tears?” curious na tanong ng boss niya turo nito sa pisngi niya. “No sir, masakit lang sa mata kasi lagi po akong nakatutok sa computer” pagpapalusot nito sakanya. “Is that so?” na parang hindi nakumbinsi sa palusot nito. “Yes sir, may kailangan po ba kayo sir?” tumango lang ang boss nito. “Bakit hindi na lang po kayo tumawag?” na nakatingin pa rin sakanya. “I called you twice but you didn’t answer that’s why I’m here in front of you” ganoon ba siya kablangko?? Nawawala ang utak niya kanina pa. “Sorry sir, what can I do for you?” formal na tanong nito sakanya. “Hot coffee” at agad pumasok sa loob ng opisina nito. Ilang minuto ang nakalipas inilapag ni Aoife ang coffee ng boss niya. Pinagpatuloy niya ang pagliligpit ng mga papers na tapos ng pinermahan ng boss niya ng biglang tumawag ang boss niya. “Come to my office” walang salita-salita pumunta siya agad sa opisina nito. “Sir?” agad na nagangat ng tingin ang boss niya. “Hot coffee ang sinabi ko hindi cold” galit itong nakatingin sakanya. “Sir, hot coffee po ‘yan” pagpupumilit niya sa boss. “Then, bakit malamig?!” inis na tugon ng boss niya agad naman na nainis ito at hindi na niya mapigilan ang sarili. “Sir, it’s been an hour that I left your coffee ano sa tingin niyo sir hindi na lalamig ang mainit na kape?!” nakakunot na ang noo ni Aoife. Agad na nawala ang inis ni Zach dahil sa sinabi nito. “Is that a double meaning?” agad na nawala ang mukhang inis ni Aoife. “No sir, papalitan ko na lang po” agad na kinuha ang kape at nagmadaling lumabas. “Sir coffee” inilapag niya ang bagong kape nito. Agad naman kinuha ng boss niya ang kape at nakakunot ang noo. “It’s hot!” saad nito sa kanya habang sapo ang bibig nito na parang napaso. Nainis ulit siya sa sinabi nito. “Kanina malamig tapos ngayon mainit?! Ano ba talaga kape nga e! Sinong tangang magtetempla ng kapeng mainit tapos papalamigin?!” hindi na mapigilang ni Aoife ang mainis sa boss niya. “What’s wrong with you woman?” hindi mabasa kung galit ba ang boss o hindi dahil sa tono ng pananalita nito. “Wala sir, palamigin niyo na lang ulit tutal sanay naman po kayo dun” hindi niya alam kung bakit niya iyon masabi. Naiwang nakanganga si Zach. Nacoconfuse siya he didn’t understand that woman. Hindi naman siya ganyan this past few days. Humugot na lang siya ng malalim na hininga at sinimsim ang kape. Napangiti siya dahil masarap ang kapeng tinempla nito sakanya. Napahilamos na lang ng mukha si Aoife dahil sa mga sinabi nito sa boss niya. She didn’t mean to say that to her boss. “Ano bang nangyayari sa’yo?” galit nitong tanong sa sarili niya. “Pinapahamak mo lang ang sarili mo!” naiinis siya mukhang hindi niya kayang magtrabaho dahil sa nararamdaman niya ngayon. Palabas na sana siya sa cubicle ng may narinig itong nag-uusap. “Nakakatakot talaga si boss kahapon ang gwapo n asana e” “Oo nga akalain mo yun ang daming pinapagawa tapos sobra kung makasigaw” agad na naging alerto sa pandinig si Aoife sa katunayan curious siya kung ano ang nangyari kahapon. “Ang sabi nila perfectionist daw siya pagdating sa mga business niya ayaw niya ng palpak na trabaho.” “Ganun? Grabe pala kapag ganoon ang boss no?” “Oo, kaya ganyan siya kayaman Billionaryo na’yan. Akalain mo gwapo,matalino at mayaman.” “Ang dami mong alam. Tara na nga baka hanapin tayo” Agad siyang lumabas sa cubicle ng malaman niyang wala na ang mga babaeng naguusap. Kung ganoon sobrang yaman talaga ang boss niya? Hindi pa niya gaano kakilala ang boss pero sa pandinig niya bakit kilala ng iba ang boss niya? Napaupo lang si Aoife sa table niya wala siyang alam gawin kundi tumunganga. “Where have you been woman?” napaupo siya ng maayos dahil sa boses ni ng boss niya. “p-po?” nauutal nitong tanong sakanya. “Saan ka galing?” tanong ulit nito sakanya. “Sa cr po sir” agad siyang tumayo para promal na makipag-usap sakanya. “Ok. Look at this” bigay niya ang isang folder na hawak nito at agad naman niyang binasa. “Sir, this is from Mr. Russue Tan he wants us to deal with him. These are the papers about the resorts he manages” tinignan niya ang boss niya pero nakatitig pa rin ito sa kanya. “I know, Ms. Vazquez. I’m not interested about their resorts, all I want is the land. I think he forgot who owns the land?” agad nagiwas ng tingin si Aoife dahil sa titig nito sa kanya. “Sir, they want to sign another contract” saad ulit nito sakanya. “Alam mo ba kung bakit desperado siyang magpaperma ng kontrata?” agad na umiling ito sa kanya. “Mr. Tan knows that their resorts are one of my assets in this company. Kapag tinanggihan ko ang pagperma niya isasara niya ang mga resorts nito. And he wants me to sign that f*cking paper to marry her Daughter.” “So, what’s wrong with that sir? All I know Mr. Cotsell, I mean Mr. President your father is one of her best of friends?” pangangatwiran ito sakanya. “I don’t care if he is my father’s best of friends. Tell him that I don’t want to sign those papers. And tell him also that I’m not interested to his resorts, anymore and her daughter.” Agad na tumunganga si Aoife dahil sa sinabi ng boss niya. Alam niyang malaki ang investment ni Mr. Tan sa company niya kaya kapag Nawala si Mr. Tan baka kakaunti na ang mga investors at magwawala ang mga stakeholders. Pumasok siya sa opisina ng boss niya at nadatnan niyang may kausap ito sa telepono. Sumulyap ito sakanya at agad niyang ibinaba ang telepono. “What?” tanong nito sakanya. “Sir, if we decline these papers malaki po ang mawawala sa company. Mr. Tan has a great asset in terms of business. Kapag nalaman po ng mga stakeholders na pinull out natin si Mr. Tan marami po ang bibitaw sa company at unti-unti pong babagsak.” “Hindi siya kawalan” parang wala siyang gana makipag-usap sakanya. “Sir, ang tanging pangarap ni Mr. President ay lumago ang company and he wants to become an investor of Mr. Nicotero.” Inis nitong sagot sa boss niya alam niya ang hirap kung paano palaguin ang company na ito. “Mr. Nicotero?” tanong nito sakanya. “Yes, sir. Mr. Nicotero is one of the best business men in the world.” Kumunot ang noo ng boss nito wala naman siyang sinabing mali at kung bakit yun na lang ang reaksiyon niya. “Wala akong pakealam kung siya man ang pinakamayaman sa mundo. Ang gusto ko mawala sa kumpanya ko si Mr. Tan” nakarelax pa rin siya. “Bakit ba kasi gusto mo siyang mawala?!” galit nitong tanong sa boss niya. “Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo siyang mawala?!” hindi niya alam kung bakit ang dali-dali na niyang magalit at naiinis. “Ms. Vazquez, This company can stand without those dimwit f*cking stakeholders especially Mr. Tan” galit ang tono ng boss niya pero hindi mo makikitang galit ang mukha niya. Tono pa lang ng boses niya matatakot ka na sa tono ng boss niya ngayon kailangan na niyang itikom ang bibig niya. “but-“ magsasalita sana siya ulit ng makita niyang nakakunot ang noo nito. “No buts Ms. Vazquez, thank you for your concern, you need to say that to Mr. Tan and that’s my final decision.” “Yes, sir” agad na lumabas sa opisina. Hindi niya alam kung ano ang takbo ng utak ng boss niya. Agad niyang tinawagan si Mr. Tan at sinabi ang lahat ng pinasasabi ng boss niya. Alam niyang galit nagalit si Mr. Tan ngunit wala siyang nagawa kundi sundin ang boss niya. Pumasok siya sa opisina at nakita niyang nakatitig ang boss niya sa laptop. “Sir, uwi na po ako” saad nito sakanya agad naman na tumango ang boss niya na hindi ito tumingin sakanya. AGAD siyang napahiga sa sofa ng makarting siya sakanyang apartment. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at burahin ang mga ala-ala nila ng kanyang ex-boyfriend. “Ang dami dami kong gastos sa’yo hinayupak ka! Tapos sasabihin mong wala akong pera?!” pagalit na tugan sa kanyang sarili habang nagbubura ng mga larawan nila. “Dakilang manloloko!” ibinato niya ang ang kanyang cellphone pagkatapos niyang idelete ang lahat. “Yan kasi ang mahirap kapag todo magmahal yung ibibigay mo ang lahat pero kulang pa rin” natatawa siyang pinunas ang mga luha nito. Agad napabangon at nagbihis ng lumabas siya sa kanyang apartment at tinungo ang pinsan niyang nasa kabilang pintuan lang. Agad siyang pumasok sa apartment ng pinsan niya nakita niya itong nagluluto ng hapunan. “Oh, Hepzibah bakit ngayon ka lang?” tanong ng pinsan niyang busy pa rin sa pagluluto. “Marami kasing trabaho sa opisina tapos yung boss ko walang araw na nagbubuga ng apoy” natatawa nitong sagot sakanya. “Walang boss na mabait kapag stress. Oh, yan kain kana para naman tumaba ka!” siya lang naman yung pinsan niyang nandito sa Maynila na nakikipagsapalran pero mas maganda lang ang buhay niya dahil wala siyang boss na dragon. “Hepa, ikakasal na ako” tinitigan niyang mabuti ang pinsan niya kung totoo ba ang sinasabi nito o nagbibiro lang. Natawa alng siya sa pinsan niya “Ano ka ba Vienna huwag mo kong lokohin ha?! Wala pa akong panregalo sa’yo parang awa mo na” natatawa siyang kumakain pero hindi niya akalain na may ipinakita sakanya. “O my gosh! A diamond ring?!” agad na napatayo si Aoife at mabilis na tinignan ang singsing ng pinsan. “Is it real?!” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Tumango lang ang pinsan niya na may malapad na ngiti. “Sunod na sana kayo ni Kierre no? Kapag hindi lang kayo naghiwalay?” sarkasmo niyang tugon. “Alam mo? Imbes sana na tinutulungan mo kong mag move on nandiyan ka para asarin ako! Akala mo naman kung madaling kalimutan yung taong yun no!” na gulat siya ng may biglang tinidor na papunta sa direksiyon niya at agad naman itong napailag. “Ano ba Vienna! Papatayin mo ba ako ha?!” nulyaw niya sa pinsan nito. “Sinabi ko kasi noon sa’yo na hiwalayan muna! Ilang ulit na nating nakitang may iba siya pero nandiyan ka parin nagpapaniwalang magbabago ang hayop na ‘yon!” alam lahat ni Vienna ang kalokohan ng boyfriend niya. “Ang sakit mong magsalita! At bakit ba sumisigaw ka e ang lapit lapit lang naman natin?!” naiirita siya pero sanay na siya ganito talaga sila mag usap. “Aba! Nagsalita ang hindi malakas ang boses!” hindi na niya sinagot at nagpatuloy itong kumakain. Pagkalipas ng ilang minuto siya ang bumasag sa katahimikan. “Ganoon ba ko katanga?” tanong nito sa kanya. Agad naman nag-angat ng tingin si Vienna. “Sobrang tanga” hindi na siya nagulat sa sagot ng pinsan niya msyadong honest. Huminga lang siya ng malalim ng matapos siyang kumain at bulalik sa apartment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD