Prologue
Prologue
Patakbong pumasok si Aoife sa private elevator dahil nagwawala nanaman ang boss niyang leon.
Kinakabahan man siya pero kailangan niyang humarap sa kanyan dahil ilang beses na siyang pabalik-balik sa baba at ang masama pa nasa tutok ang opisina ng boss niya.
Unti-unting bumababa at lumuluwag ang elevator dahil kada floor may bumababa.
Pansin niyang lahat ng tao sa elevator ay nagmamadaling bumaba at parang namumutla.
Pagbaba niya sa elevator dinig na dinig niya ang bulyaw ng boss niya mula sa loob ng opisina.
“Danm it! You need to do that as soon as possible or else I’ll fire you!!” kung nagiging hulk lang ang boss niya baka kanina pa siya nag-transform.
“Reasons!! Get out!!” hindi man niya dinig kung ano ang sinabi ng nasa loob pero ang bulyaw ng boss niya ay napakalakas baka dinig na hanggang sa baba.
Nagulat siya ng lumabas na ang babaeng kausap nito kanina at nanginginig siya sa takot.
Siya ang head ng Acounting Department, ngumiti lang ito sa kanya at nagmamadaling pumasok sa elevator.
Kumatok siya sa pinto at dahan-dahan siyang pumasok sa loob nito.
“Sir, this is from HR Department” abot niya ang ang folder na hawak nito.
Hindi pa rin maipinta ang mukha ng boss niya na inabot ang folder na hawak niya.
“This is bullsh*t!!” hinaing ng boss niya at nakita niya itong humugot ng malalim na hininga at nakatitig lang si Aoife sa kanya.
Parang pinapakalma ang sarili.
Pagmulat ng mata ng boss niya nagtagpo ang mata nila namangha siya sa kulay asul nitong mga mata ramdam niyang titig na titig ito sakanya kaya agad na nagiwas si Aoife.
“This is insane!!” nagulat siya bulyaw nito.
Nagkamali siya kumuha pala siya ng lakas para magalit.
“Sir, those reports are—” nagulat siya dahil naputol ang sasabihin niya.
“I don’t want to hear any reasons coming from your mouth woman!” napapikit na lang siya sa inis.
He doesn’t listen, he never accepts those reasons!
“Inform them that I’ll visit their office now!” hindi niya magawang kumilos dahil sa takot na nararamdaman niya.
“Did you hear me?!” pagalit naman na tanong nito sakanya tumango lang siya dahil napipi na sa taong kaharap niya ngayon.
“Get out!!” nataranta siyang lumabas sa opisina ng boss niya.
Nakahinga lang siya ng malalim ng makalabas na siya sa opisina at nanginging na idial ang mga numero ng iba’t-ibang opisina.
Napahinga na lang siya ng malalim dahil sa nangyari.
Habang inaasikaso ni Aoife ang mga pepermahan ng boss niya nagulat na lamang ito ng biglang lumabas.
“Sir, saan po kayo pupunta?” agad na tanong nito sa kanya dahil baka kung may maghanap sakanya alam niya ang sasabihin niya.
“Visits” kahit hindi galit ang mukha niya pero ramdam parin niya ang takot dahil sa boses nito.
“Oh, wait- “hindi nanaman niya natapos ang sinabi nito at agad nanaman naputol ang sasabihin niya.
“Stay here, I have visitors just let them wait inside” hindi siya lumingon kahit na nakikipag-usap ito sa kanya.
Napasimangot na lang siya dahil hindi siya sanay na nakabuntot sa boss niya kahit saan ito magpunta.
Naninibago siya sa trabaho niya ngayon ngunit wala siyang magagawa boss niya ang masusunod.
Padabog siyang inaasikaso ang mga papeles napangiti siya ng tambak na naman ang magiging trabaho ng boss niya.
Napaisip niyang magwawala na naman ito kapag nakita kung gaano karami ang gagawin niya.
Habang nagpapahinga siya nakita niyang may apat na lalaking pumasok sa floor kung nasaan ang opisina ng boss niya.
Siguro ito na yung mga bisita ni boss.
Ang isa ay may matang nakakahypnotismo, ang isa ay may berdeng mata, ang isa naman ay brown ngunit nakakatunaw ang mga titig niya at ang isa naman ay nakakatakot na mata kung titignan ang kulay nito ay grayish at ang boss niya narealize niya ang mga mata nito kulay asul.
Napangiwi na lang siya ng biglang pumasok sa isip niya ang boss nito.
Hindi niya pinagkakaila sa sarili na magagandang lalaki ang mga ito pinagmasadan niya isa-isa hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon.
“ehemm!” hindi niya namalayan na napanganga ito dahil sa mga taong nasa harapan niya.
Napakurap-kurap na lamang siya ng tumikhim ang isa sa kanila.
“We’re looking for your boss” saad nito sakanya napalunok siya dahil nakatitig ang apat na pares na mata sakanya.
“ahm, he told me that you will wait him inside sir” tumango lang ang mga ito agad na pumasok sa opisina ng boss niya.
“Feel at home” saad na lang niya sa sarili dahil naweweirduhan na siya sa nangyayari.
Pagkalipas ng ilang oras wala pa rin ang boss niya.
Sineryoso niya ata ang pagbisita sa iba’t ibang departamento ng building na ito.
Napailing na lang siya habang nagtitimpla ng juice para sa bisita ng boss niya.
Bigla siyang pumasok sa opisina at nagulat na lamang siya ng nakatingin ang apat na lalaki sa kanya na seryoso ang mukha wala siyang narinig na kahit na ano sa kanila maliban na lamang ang mga yapak nito papunta sa upuan nila.
Hindi niya maiwasan ang pangingig sa bawat hakbang papalapit sa kanila dahil kakaiba ang mga titig nito sa kanya.
Nangingig niyang ibinaba isa-isa ang mga baso ng juice sa kanila at mabilis na tinahak ang pintuan.
Nang makalabas siya doon na lamang siya huminga ng malalim dahil kakaiba ang hangin sa loob ng opisina.
Napatayo siya bigla ng makita niya palabas sa elevator ang boss niya. Nakakunot ang noo nito na nakatitig sakanya.
“Boss” bati nito sakanya at tumabi dahil nakaharang siya sa pintuan.
“What are you doing?” nakakunot pa rin ang noo nito sa kanya na parang sinusuri siya kung anong nangyayari.
“ahmm, nothing sir” yun lang ang nasabi niya at mabilis na tinahak ang mini kitchen ng opisina.
PUMASOK agad sa opisina si Zacharias at nakita niya ang apat na bulto na nakatitig lang sa juice na nasa lamesa.
“You’re here” nakita niyang parang nabuhayan ang mga ito dahil sa binigkas ng kasama niya.
“What took you so long?” parang bagot na bagot na tanong ng isa sa mga ito.
Bumuntong hininga lang siya at nagpatuloy siya sa pangisahang sofa.
“I need to settle those things as soon as possible after that I’ll go back to U.S “parang walang nakikinig sa kanya sa inaasta ng mga apat na ito sa harapan niya.
Agad naman na tumayo ang isa at pinagmamasdan ang paligid ng opisina.
“Why do you need to go back in U.S? Bored?” tumingi ito sa kanya na nakangisi.
“Not that” saad lang nito sakanya.
“Oh, anyway, your secretary seems like we scared her?” inosenteng saad nito sakanya.
“What did you do to her?” wala sa sariling tanong nito sa kanila.
Natawa lang ang apat sa reaksiyon niya.
Napahawak na lang siya sa sentido nito dahil sa mga taong nasa harapan niya.
“Nothing” alam niyang sa sarili niya na walang kwenta ang mga kinakausap niya subalit nagtitimpi siya dahil sila lang naman ang taong nandiyan sa kanya kahit na anong mangyari.
“I have a party after tomorrow, Zach. Don’t be late moron or else I’ll kill you” banta ng isa na may matang nang-aakit. His eyes are hypnotizing.
“Don’t use your eyes over me” tumayo ito at tinignan niya isa-isa ang apat. Bumuntong hininga na lamang siya at tinawagan ang secretary nito.
“Bring those papers here, now” hindi na niya hinyaang pang magsalita ito.
Pagkatapos ng ilang minuto pumasok si Aoife ngunit nakatingin lang ito sa boss niya bitbit ang mga papers na kailangan niyang pirmahan.
Nakatayo lang si Aoife habang hinihintay ang hudyat ng boss niya. She’s not comfortable gustong-gusto na niyang umalis sa loob ng opisina.
“Why do I need to feel this way?” bulong nito sa sarili.
“Why? What’s the problem?” sagot ng boss niya na ikinagulat nito.
Napasinghal na lang siya dahil yung nasa isip niya lang naman ay nasabi ito at narinig pa ng boss niya.
“Nothing sir” yun lang ang sagot nito at pinagpatuloy ng boss niya ang pagpipirma ng papepeles.
“Don’t stand there!” bulyaw ng boss niya “Go and sit in the visitor’s area” turo nito kung saan nandoon pala ang apat na bisita ni Zach.
Sumunod lang siya sa sinabi nito na parang kakainin na siya ng buhay.
Napaupo siya sa single sofa ang apat na nasa harapan niya ay titig na titig sakanya.
Agad siyang nagbaba ng tingin at nakita nitong walang nabawasan ang juice na linapag niya kanina at kung paano niya iniwan iyon ay ganoon parin ang pwesto ng mga baso hanggang ngayon. ‘weird’ yun ang nasa isip niya ngayon.
“Sir, would you like me to prepare another flavor of juice? Or would you like something else besides juice? Coffee? Tea?” lakas loob niyang tanong sakanila na nakatingin parin sakanya.
“No, thanks” saad ng lalaking kulay berde ang mga mata.
“We want the flavor of blood.”
Napaawang ang bibig ni Aoife sa narinig, alam niyang namumutla na ito ng hindi niya na kaya napatakbo siyang lumabas sa opisina na parang ang layo ng tinakbo niya.
“They want a flavor of blood?!” bulyaw nito sa sarili.