Chapter 1: Echoes of a Dream
"Hindi lang ako fangirl. Idol ako… soon."
---
2:17 AM.
Tahimik ang bahay.
Pero gising pa rin ako.
Nakahiga lang ako sa kama, nakatingin sa kisame, habang nasa tenga ko ang earphones. Si **Jin** na naman ang pinapakinggan ko — Eclipse's leader, main vocal, the love of my life... kahit hindi niya alam na nage-exist ako.
🎵 “Every star in the sky, I’ll follow you tonight…”🎵
Napapikit ako habang pinapakinggan ‘yon. Bakit ganito ‘yung boses niya? Parang may magic. Parang bawat syllable, alam niya kung anong nararamdaman ko.
I smiled bitterly.
Hindi ko alam kung hopeless romantic lang talaga ako… o obsessed na.
- oo te obsessed kana
But still, I whispered to the ceiling,
"Someday,… hindi na ako fan lang. Isa na akong idol. At pag nangyari ‘yon… magkikita na tayo."
Then biglang—CREAK
I froze.
“Luna?” Boses ni Mama.
Sh*t.
Agad kong tinakpan ng kumot ang phone. “Yes, Ma?”
“Lights off na,2AM na. May klase ka pa bukas.”
“Homework lang po…” bulong ko.
Tahimik. Then slowly, “Homework doesn’t make you sing Eclipse songs.”
*Shet.*
Sinarado niya ang pinto, pero hindi ko alam kung natawa siya o disappointed.
Ako? Tulala.
Hindi ko na pinigilan. Binuksan ko ulit yung notebook ko at sinulat ang words sa taas ng page:
"TODAY I AUDITIONED."
---
FLASHBACK – 2 WEEKS AGO
Nasa library ako, pero hindi para mag-aral. Nandun ako sa likod, sa storage room, using a broken tripod and my cracked phone to film a cover of “Gravity” — Eclipse’s hardest dance.
Kailangan ko lang sumubok. Wala akong formal training. Wala akong fancy outfit. Hindi perfect ‘yung moves. Pero I gave it everything.
Pagkatapos, hiningal ako. Nanginginig. Pero nag-click pa rin ako ng "SUBMIT"
Application sent to StarWave Entertainment.
Bahala na si Batman. 😭
---
PRESENT DAY
Nagbukas ako ng email habang nasa pila sa karinderya.
> “Congratulations, Luna Reyes. You’ve been selected for the Final Evaluation Round of StarWave’s Global Trainee Program.”
Nalaglag yung cellphone ko. As in, literal.
Na-shock ako. Kinilabutan. Napaiyak.
Final evaluation. Seoul. South Korea.
Ako. Pupunta. Korea.
---
"WAIT. WHAT?! KOREA?!" sigaw ni Kyla habang binabalatan ang itlog na pula.
"Oo! Totoo 'to!" hawak ko pa ‘yung printed email.
“Girl! As in StarWave?! Seryoso?! Baka debut ka na next year!”
“K-Kyla... Hindi ko pa sinasabi kay Mama.”
Natigilan siya.
“Besh. Gusto mo bang isama kita sa novena?”
---
SA BAHAY
"Ma... May gusto sana akong sabihin."
Kalmado ako kunwari. Pero todo kabog ang dibdib ko.
"Ano na naman ‘yan?" sagot niya habang nag-aayos ng sinigang.
“Na-shortlist ako… sa training program. Sa Korea.”
Tigil-kutsara si Mama.
“KOREA?! Anong klaseng kalokohan—”
“Hindi siya kalokohan, Ma! Legit siya. StarWave. Same company ng Eclipse.”
“E ‘di lalo! Dahil lang diyan sa... sa Jin na ‘yan?!"
“Oo— I mean, hindi lang dahil sa kanya! Ma, gusto ko talagang maging idol. Hindi ‘to trip lang!”
Tumahimik siya. Then, slowly:
“Hindi ka pupunta.”
“Ma, please…”
“Hindi ito para sa’yo. Nursing ang future mo. Hindi ‘yung maging backup dancer ng Koreano.”
Masakit. Pero sinabi ko pa rin.
“Hindi ako backup, Ma. Magiging star din ako.”
---
3 WEEKS LATER
I finally arrived here at Seoul. This is it eto na simula na ng pangarap ko
*Seoul smelled like destiny.*
Ganito pala ‘yung feeling ng ibang bansa — malinis ang hangin, ang lamig, parang ibang planeta.
Isang staff ng StarWave ang sumalubong sa airport, tapos dinala ako sa dorm.
May nakilala agad akong roommate — si Mina, half-Filipina trainee na 6 months na doon.
“Mag-ingat ka,” sabi niya habang inaayos ko ‘yung bedsheet ko. “Strict sila dito. 5AM training. Walang phone. Walang dating. Walang fangirling.”
I laughed nervously. “Fangirling?”
She raised a brow. “You’re not… "one of those," right? Yung sumali lang para makita si Jin?”
Biglang dry throat ko.
“...Nope. Hindi po.”
Liar ka, Luna.* 😩
---
FIRST WEEK
I DIED.
Hindi literally, pero halos mamatay na ang binti ko sa kaka-dance ng **12 hours** straight. Tapos sa vocal training, tinawag akong “emotionally unstable.”
Sa Korean class? Lagi akong nahuhuli. One time, pinagtawanan ‘yung accent ko.
Walang cellphone. Walang comfort food. Walang Eclipse videos.
Pero hindi ako sumuko.
I woke up earlier. I stayed late. Umiiyak lang ako kapag tulog na si Mina.
Then one night, habang nagsosolo ako sa practice room, nahuli ako ng head trainer.
“Luna,” he said. “You have heart. But this isn’t a fan club. It’s war.”
Tumango ako. “Then I’ll fight.”
---
Pero syempre… hindi ko mapigilan.
Pagbalik ko sa dorm, binuksan ko ‘yung phone ko in secret.
Pinanood ko ‘yung debut stage ng Eclipse. Si Jin — smiling, powerful, perfect.
“Wait for me,” bulong ko.
“Darating din ako.”