KINABUKASAN ay tumila na rin ang ulan at napagpasyahan ni Marilyn na umuwi na sa mansyon nila. Si Abraham ang maghahatid sa kanya pauwi at hindi na siya makatanggi dahil nagpumilit ang binata na ihatid siya sa kanila. "Tatawagan kita sa cellphone mo para makapag-date tayo bukas. Bawal tumanggi." Abraham said while smiling at her. "May magagawa pa ba ako?" kunwaring naiinis pero kinikilig namang sagot ni Marilyn. "Bawal kang makipag-usap sa ibang lalake lalo na doon sa magpinsan na manliligaw mo." seryoso nang sabi ni Abraham. "Ay! Wow ha? Manliligaw ko palang kayo, Abraham at hindi boyfriend kaya hindi niyo ako pwedeng pagbawalan na makipag-usap sa ibang lalake." Marilyn said when she got out of his car. "Seryoso ako sa sinasabi ko, Marilyn. Gusto ko na kami lang ang pwedeng manligaw

