NASA presinto si Kobe kasama si Pearl at ang mga magulang nito na halatang namomroblema na dahil sa gulo na ginawa ng binata. Si Kobe ay kanina pa tahimik habang nakatitig kay Marilyn na hanggang ngayon ay natatakot pa rin dahil sa ginawa nito. Bugbog sarado na ito ngunit hindi yata nito alintana ang mga sugat at pasa sa katawan niya na nakuha nito mula kina Abraham at Levi. Niyakap ni Abraham si Marilyn para pakalmahin ito. Nakita iyon ni Gabriel na kaagad nag-iwas ng tingin sa kanila. "You messed up again, Kobe! Ilang gulo pa ba ang gagawin mo para lang bigyan ng kahihiyan ang pamilya natin, ha?! You tried to rape Mr. And Mrs. Ayala's daughter!" sermon ni Mr. Simmons; ang british na ama ni Kobe. "Calm down, Parker. Huwag mong pahiyain ang anak natin dito. There's a reason why he did t

