We were sitting at the couch in front of the glass window sa kwarto ni James. Kanina pa kaming hindi nag-iimikan dahil sa mga nangyari. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko kanina na hindi pala tunay na anak ni James si Xyron at hindi niya rin tunay na ina si Liana. “Wifey…natatakot ako sa iyo. Don’t be like that, napakatahimik mo.” Napatingin naman ako kay James na biglang napasimangot sa harapan ko. “Wait lang, hindi pa nag-sink in lahat ng mga nalaman ko ngayong araw sa utak ko, hubby, kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa ‘yo.” “I’m sorry, Wifey. I’m really planning to tell you everything but I just don’t know where to start.” Marahan naman akong napangiti sa kaniya. “Tell me everything, makikinig ako.” Gustong-gusto ko na ring malaman ang lahat sa nga

