I was busy doing my job nang ipinatawag kami ng supervisor sa conference hall. Lahat kaming mga representatives ng department naming ay gathered lahat dito sa loob. Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko na halos lahat ay may mataas na posisyon dito sa kompanya. Ang iba ay mga kasamahan ni Doc Sonza na mga head ng department kaya nahiya naman ako. “Can I sit here?” Napatingala naman ako at nagulat nang makita ang babaeng tinulungan ko kanina sa may restroom kaya napangiti na ako. “Yes, not occupied ang upuan na ‘yan.” “Thank you!” Umupo na siya sa tabi ko at habang hindi pa naman ang-uumpisa ang conference namin ay hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang makilala. Pakiramdam ko kasi ay nakita ko na siya before pero hindi ko lang talaga maalala kung saan. She reminds me of someone.

