Ngumiti na ako kay Ma’am Karen. “Hello po.” She’s still staring at me like she knows me. “Jewel?” “Uhh Magsaysay po.” Napatango naman ito at marahan nang napatingin kay Xyron na nasa gilid ko. “Oh, I missed my apo. Come here, baby.” Agad namang nagtago ang bata sa likuran ko kaya naman napa-ayos nalang ng upo si Ma’am Karen. “He’s still anxious to meet me, but it’s okay. Let’s go to the dining area.” Tumungo na kaming apat sa dining area at tumambad naman sa amin ang isang matandang lalaki na naka-upo sa wheelchair sa gitna ng table. “James and our apo are here, Xavier.” Napatingin na si Sir James kay Xyron at hinawakan ito sa balikat. “Xyron, that’s your Lolo. Magmano ka.” Mabuti naman dahil sinunod din naman ni Xyron at lumapit kay Sir Xavier. Nakakaawa na nga ang sitwasyon niy

