Parang bata naman ako na naka-upo ngayon sa sofa dahil sa galit ni Ate Jen sa akin. Hindi ko naman kasi akalain na pupunta siya rito ngayon sa apartment dahil ang alam ko ay may flight na sila for two months na 'yon. "Ate..." "Nanggigigil ako sa 'yo Jewel, huwag mo muna akong kakausapin." Napabuntong-hininga namn ako. "Ate naman, gets n'yo naman po ang point ko, hindi ba? Hindi naman ako makikipag-deal doon kung hindi lang dahil sa lisensya ko. Ate..." "Kahit na, Jewel. That contract is legal at kahit anong mangyari ay legal na asawa ka na ngayon ng lalaking 'yan. Hindi ka ba nag-iisip na mahirap makipag-divorce after?" "Kaya niya naman 'yon, isa pa mayaman naman siya kaya mapapabilis naman ang proseso." Napatayo na si Ate at napahawak sa noo niya. "Hay nako ka, Jewel. Umuwi ka sa fi

