Finally, today is the day. Akala ko talaga ay hindi papayag si Sir James sa plano ko noong isang araw, pero mabuti nalang dahil eventually ay napapayag ko rin siyang magpanggap bilang bakla. Bumangon na ako sa higaan ko habang nakangiti dahil ngayon pa lang ako mag-aayos ng isusuot ko. Ang sabi kasi ni James sa akin ay mamayang hapon daw kami aalis at may aasikasuhin lang siya sa kompanya. Oo, James na ang tawag ko siya kaniya dahil nag-usap kami noong isang araw na nagtatanong daw si Xyron kung bakit ganoon ang tawagan naming dalawa kung family kami. "You're up, Jewel." Napalingon naman ako at nakita ko si James na nakatayo sa gitna ng kurtina. "Oh, akala ko pumasok ka na sa trabaho?" "I waited for you to wake up, actually. I want to ask you something," anito. “What is it?” “Am I

