Hindi pa rin ako maka get-over sa usapan naming dalawa ni Jessica. Noong sinabi ko naman kanina kay Tiffany ang mga naganap ay halos hindi rin naman siya makapaniwala. Naglalakad ako ngayon palabas ng hospital dahil tapos na ang shift ko. Si Tiffany naman ay nauna nang umalis kanina dahil magkikita pa raw silang dalawa ni Daniel. Official na raw silang dalawa noong isang linggo kaya madalas na siyang pumupunta sa bahay nila Daniel. “Hi, Wifey!” Nagulat naman ako nang tumambad sa harapan ko si James. “Hubby. Kanina ka pa ba rito?” Bago lang kasi ako nag-text sa kaniya na tapos na ang work kaya hindi naman ako nag-expect na nandito na kaagad siya sa labas. “I was here na when you texted me,” anito sabay smirk. Napangiti na lang ako sa kaniya at agad na ring pumasok sa loob ng sasaky

