Hindi pa rin nakakabalik sila Tita Karen at Tito Xavier kaya hindi pa rin kami nakakatipon hanggang ngayon. Si Ma’am Angelina naman ay hindi na masyadong active sa pagbisita kay Xyron dito sa bahay sa hindi ko alam na dahilan. “Bestie!” Napatingin naman ako nang bigla akong tawagin ni Tiffany na kapapasok lang sa loob ng clinic habang may bitbit na pagkain. “Oh? May kimbap na ulit sa lounge?” Ilang araw na rin kasing walang kimbap sa hindi ko alam na dahilan kaya nang makita kong may dala na siya ngayon ay napangiti na ako. The best din kasi ang luto nila Manang na kimbap sa hospital’s lounge. “Oo, bestie, pero may masamang balita muna ako sa ‘yo,” anito. Nangunot naman ang noo ko kay Tiffany. Ang saya na kasi ngayon ng mood ko at sana naman hindi masira dahil lang sa sasabihin ni Ti

