Maaga pa akong gumising lalo na at Saturday ngayon. Nang lumabas ako ng kwarto ko ay nadatnan kong gising na rin si James at nagbibihis na siya. “You’re going home already?” Napatingin naman ako kay James while he’s busy putting on his polo shirt. “Yup. Maliligo lang ako at aalis na rin. Pupunta pa kasi ako sa charity home mamaya.” “Oh, well…see you on Monday, then,” anito sabay kuha na ng kaniyang necktie. Napangiti na lang ako at tuluyan nang pumasok sa CR. Pagkatapos kong maligo ay agad na akong naglinis muna ng kwarto. Nakakahiya naman na aalis ako rito sa bahay nila habang makalat ang kwarto ko. “Let’s have some breakfast first before you go home.” Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si James sa tapat ko. Ang akala ko kasi ay nakaalis na siya dahil ilang minuto rin akong

