Pagkatapos ng bisita ng mga bata sa newly opened na indoor playground ay bumalik din sila agad sa charity house. Hindi rin naman sila pwedeng tumigil nang matagal sa hospital lalo na at sensitive ng kanilang mga medications. “Oh, ang bilis naman.” Napatingin naman ako kay Tiffany nang makapasok na ako sa office niya. “Oo, madali lang naman kami ni Dominick do’n sa Happy Homes.” Kagagaling lang kasi namin ni Dominick sa charity house ngayon hapon at nag-guide lang kami ng ilang mga bata. Mabuti na lang dahil ilang therapists din ang kasama ni Dominick at ako naman ay kasama ko si Doc Taylor na nandoon. “Tapusin ko lang ‘tong work ko tapos gora na tayo,” sambit pa nito. “Take your time lang, bestie. Matutulog muna ako ro’n sa hospital bed at para may energy ako mamaya.” Pumayag kasi ak

