Maaga pa kaming umuwi ni Tiffany at kailangan pa naming mag-ayos para sa birthday ni Xyron. Kanina ay buong araw akong nasa clinic nila Doc Ivory at kaming dalawa lang ang nandoon. Nagpalit na kasi ang schedule nilang dalawa into night shift kaya kapag may sessions ako kay Xyron ay mag-isa lang si Tiffany sa kabilang clinic. "Tapos ka na ba, bestie?" "Wait lang, patapos na!" sigaw ko naman sa kaniya. Hindi pa kasi ako tapos magbihis dahil natagalan ako sa pag-shower kanina. Masyado kasi akong nag-enjoy sa bathtub kaya hindi na muna ako lumabas, pagkatapos ay nag-blower pa ako ng buhok ko para matuyo na agad. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at nadatnan ko si Tiffany na tapos nang mag-ayos ng kaniyang buhok at may make up na rin. “Okay! It’s your turn, bestie. Halika na rito

