ANG KONTRATA
Pinakasalan ko si Damian De Leon para iligtas ang pamilya ko.
Isang kontrata. Isang pirma. Isang buong buhay na kapalit.
Hindi ko alam na ang kapalit pala non ay ang kalayaan ko.
---
Amoy antiseptic ang buong ospital.
Malamig ang hallway. Sobrang lamig kahit nakasuot ako ng manipis na cardigan. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang reseta ng doktor.
₱500,000.
Yon ang kailangan namin. Sa loob ng tatlong araw.
Kung hindi namin mabayaran ang bill ni Mama, hindi raw nila kayang ipagpatuloy ang ilang kailangan niyang treatment.
Napatingin ako sa glass door ng ICU.
Nandoon si Mama. Nakahiga. Tahimik.
May tubo sa ilong. May nakakabit na kung ano anong machine sa katawan niya.
Beep beep beep.
Bawat tunog ng machine, parang may humihila sa puso ko.
“Mama”
Mahina ang boses ko.
Pinunasan ko ang luha ko bago pa ito tuluyang bumagsak.
Hindi puwede. Kailangan kong maging matatag. Ako lang ang meron siya.
Wala na si Papa.
Wala kaming ibang kamag anak na kayang maglabas ng ganitong kalaking pera.
At ang maliit kong sweldo bilang staff sa isang private company?
Hindi man lang sapat para sa isang linggo ng hospital bill.
Kinuha ko ang phone ko. Binuksan ko ang banking app.
₱4,286.17.
Napatawa ako ng mapait. Isipin mo ito lang Ang pera ko.
“Paano ko pagkakasyahin?”
Ibinaba ko ang phone. Napayuko ako.
“Please”
Hindi ko na alam kung kanino ako makikiusap o lumapit.
Sa Diyos?
Sa mga doktor?
Sa kahit sino?
Basta may tumulong lang kay Mama.
“Selena?”
Napatingala ako.
Isang nurse ang nakatayo sa harap ko.
“Ma'am?”
“May naghahanap sayo.”
“Kilala ko po?” Tanong ko
Umiling siya.
“Hindi ko alam. Pero nasa lobby.”
Tumayo ako.
“Okay po.”
Hindi ko na tinanong kung sino.
Baka tungkol sa bill. Baka may kailangan silang sabihin tungkol kay Mama.
Mabilis akong naglakad papunta sa lobby. Pagdating ko ron, napahinto ako.
May isang lalaki sa tabi ng malaking glass window.
Matangkad.
Naka black suit.
Malapad ang balikat.
Tahimik.
Hindi ko pa nakikita ang mukha niya ng malaman kong hindi siya ordinaryong tao.
May dalawang lalaki sa likod niya.
Parehong naka black suit.
Bodyguards.
Napakapit ako sa strap ng bag ko.
Paglingon niya, tuluyan akong natigilan.
Si Damian De Leon.
Kahit hindi ko pa siya personal na nakikilala, kilala ko ang pangalan niya.
Sino ba namang hindi?
Bilyonaryo.
May ari ng De Leon Holdings.
Isa sa pinakamakapangyarihang businessman sa bansa.
At ayon sa mga naririnig ko sa office
Hindi siya taong dapat kalabanin.
Lumapit siya.
Tok. Tok. Tok.
Ang tunog ng sapatos niya sa marble floor ang tanging naririnig ko.
Huminto siya sa harap ko.
“Selena Cruz?”
Tumango ako.
“Opo.”
Tinitigan niya ako.
Hindi ako komportable.
“Mr. De Leon?”
“Yes.”
“Bakit po kayo nandito?” Bigla Kong tanong, Anong kailangan niya Sakin.
Hindi siya agad sumagot.
May inilabas siyang itim na folder.
Inabot niya iyon sa akin.
“Basahin mo.”
Hindi ko kinuha.
“Ano po yan?” Tanong ko ulit.
“Something that can save your mother.”
Napatingin ako sa ICU.
Bumalik ang tingin ko sa folder.
Untiunti kong kinuha.
Mabigat.
Hindi dahil sa papel.
Kundi dahil sa nararamdaman kong kakaiba sa presensya niya.
Binuksan ko.
Unang page.
MARRIAGE CONTRACT
Nanlaki ang mata ko.
Napatingin ako sa kanya.
“Anong-”
“Basahin mo.”
“Marriage contract?”
“Yes.”
“Kanino?”
Hindi siya nagsalita.
Ibinaba ko ang tingin.
Nandoon ang pangalan niya.
DAMIAN DE LEON
At sa kabilang linya
SELENA CRUZ
Napaatras ako.
“H-hindi.” Wala sa sarili Kong sabi.
“Hindi mo pa binabasa.” sabi niya
“Hindi ko kailangang basahin.” tapos yumuko ako
“Basahin mo.” ulit niya
“Mr. De Leon, hindi ko po alam kung anong klaseng joke ito, pero hindi ako—” pinutol niya Ang sasabihin ko.
“500 thousand.”
Natigil ako.
Tinitigan niya ako.
“500 thousand ang kailangan ng ospital mo.”
Nanlamig ang kamay ko.
“Paano niyo alam?”
“Alam ko ang lahat tungkol sa taong gusto kong pakasalan.”
“Hindi niyo ako kilala.”
“Hindi pa.”
May kakaibang diin sa huling salita.
Hindi ko nagustuhan.
“Bakit ako?”
“Because you're available.”
Napakurap ako.
“Excuse me?”
“Wala kang boyfriend. Wala kang asawa. Wala kang powerful family behind you. At higit sa lahat”
Lumapit siya.
“Desperate ka.” bulong niya.
Naramdaman kong uminit ang mukha ko.
“Hindi niyo ako pwedeng insultuhin dahil lang kailangan ko ng pera.” Singhal ko sa kanya. Totoo Naman eh.
“Hindi kita iniinsulto.”
Tinuro niya ang folder.
“I'm offering you a solution.”
“Marriage isn't a solution.”
“Para sa iyo, oo.”
Tumawa ako ng mahina.
Hindi dahil nakakatawa.
Dahil hindi ko alam kung iiyak ba ako o sisigaw.
“Bakit kayo mag aalok ng kasal sa isang stranger? May sira kaba?”
“Hindi kita stranger.”
“Pero hindi ko kayo kilala.”
“That's fixable.”
Napatitig ako sa kanya.
“Gaano katagal?”
“Isang taon.”
“Pagkatapos?”
“Divorce.”
“Ganun lang?”
“Ganun lang.”
Napatingin ako sa kontrata.
“Anong kapalit?”
“Magiging asawa kita sa loob ng isang taon.”
“That's it?”
“May rules.”
“Anong rules?”
“Malalaman mo kapag pumirma ka.”
Napailing ako.
“Hindi ako pipirma sa isang bagay na hindi ko alam.”
“Good.”
Napakunot ang noo ko.
“Good?”
“Dapat hindi ka basta nagtitiwala.”
Kinuha niya ang isang papel sa loob ng folder.
“Pero hindi mo rin dapat sayangin ang oras.”
Iniabot niya sakin.
Hospital payment receipt.
Nanlaki ang mata ko.
Nandoon ang pangalan ni Mama.
At ang amount.
₱500,000.00 — PAID
Napatigil ang paghinga ko.
“Binayaran niyo?”
“10 minutes ago.”
“Bakit?”
“Because I knew you would say no.”
Napatingin ako sa kanya.
“Hindi ko hiniling yan.”
“I know.”
“Bakit niyo ginawa?”
“Dahil kailangan mong mabuhay ang nanay mo para magkaroon tayo ng deal.”
Nanginginig ang kamay ko.
“Hindi ko kayang bayaran to.”
“Hindi ko naman sinabing bayaran mo.”
Napatingin ako sa kanya.
“Paano?”
“Pirma.”
Itinaas niya ang panulat na hawak niya.
Black.
Simple.
Pero sa sandaling iyon, parang ang bigat bigat ng maliit na bagay na yon.
“Pirma ka.”
“Kung hindi?”
Nagbago ang expression niya.
Walang emosyon.
“Then the payment becomes a debt.”
Napasinghap ako.
“Debt?”
“Five hundred thousand. Plus interest.”
“Hindi ko kayang bayaran.”
“Exactly.”
“Pinipilit niyo ako.”
“I'm giving you a choice.”
“Choice?”
Tumawa ako nang mapait.
“Choice ba ‘yan kung isa lang naman ang kaya kong piliin?”
Hindi siya sumagot.
Tumingin lang siya sa akin.
At doon ko napagtanto.
Hindi siya nagmamadali.
Alam niyang ako ang lalapit.
Alam niyang wala akong ibang option.
Kaya ko siyang galit.
Kaya ko siyang kamuhian.
Pero hindi ko kayang mawala si Mama.
Napatingin ulit ako sa ICU.
Nakita ko ang kamay ni Mama sa kabila ng glass.
Naaalala ko noong bata pa ako.
Lagi niya akong hinahatiran ng pagkain.
Lagi niya akong sinasabihang mag-aral.
Lagi niyang inuuna ang pangangailangan ko kaysa sa sarili niya.
At ngayon, isang pirma lang ang hinihingi kapalit ng buhay niya.
Napapikit ako.
“Anong mangyayari kapag pumirma ako?”
“Tonight, we get married.”
Nanlaki ang mata ko.
“Tonight?”
“Yes.”
“Hindi puwede.”
“Why?”
“Kailangan ko ng oras.”
“Wala kang oras.”
Napatingin ako sa kanya.
“Damian—”
“Mr. De Leon.”
Napabuntong-hininga ako.
“Mr. De Leon.”
Tumango siya.
“May isa pa akong tanong.”
“Ask.”
“Bakit ako?”
Tahimik.
Matagal.
Akala ko hindi siya sasagot.
Pero lumapit siya.
Sobrang lapit.
“Because I chose you.”
“Bakit?”
Hindi niya sinagot.
Sa halip, kinuha niya ang panulat.
Inilapag sa ibabaw ng folder.
Tak.
“Sign.”
Tinitigan ko ang pangalan ko sa kontrata.
SELENA CRUZ
Parang hindi ako ang taong nakasulat doon.
Parang ibang babae.
Isang babaeng may sariling buhay.
Sariling desisyon.
Sariling kalayaan.
At sa loob lang ng ilang seconds, mawawala lahat yon.
Kinuha ko ang panulat.
Nanginginig ang kamay ko.
“Selena.”
Napatingala ako.
“Think carefully.”
Napatawa ako nang mahina.
“Wala na akong kailangang isipin.”
Tumingin ako sa ICU.
“Buhay ng nanay ko ang pinag-uusapan.”
Huminga ako nang malalim.
At isinulat ko ang pangalan ko.
S.
Huminto ako.
Nanginginig ang daliri ko.
E.
Isa isa.
Hanggang matapos.
SELENA CRUZ
Pagkatapos ng huling letra, ibinaba ko ang panulat.
Click.
Tahimik.
Tinitigan ko ang pirma ko.
At doon ko naramdaman ang unang tunay na takot.
Hindi na ako makakabalik.
Kinuha ni Damian ang kontrata.
Binasa niya ang pirma ko.
Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.
“Good.”
Tumayo siya.
“Let's go.”
Napatingin ako sa kanya.
“Saan?”
“Get married.”
“Ngayon?”
“Ngayon.”
“Wala man lang preparation?”
“Hindi kailangan.”
“Damian, hindi ko man lang alam kung saan tayo pupunta.”
Huminto siya. Lumingon.
“Sa bahay ko.” sabi niya habang seryosong nakatingin Sakin.
“Hindi ako pupunta sa bahay mo.” agad Kong sabi sa kanya.
“Pumirma ka na.” hindi ko alam Kong utos yon o pilit.
Napatigil ako.
Tama siya.
Pumirma na ako.
Wala na akong laban. Lumapit siya.
Hinawakan niya ang baba ko. Hindi marahas. Pero sapat para mapatingala ako.
“From this moment”
Mababa ang boses niya.
“Wife na kita.” sabi niya
Napalunok ako.
“Hindi pa tayo kasal.”
“Legal process na lang ang kulang.”
Binitawan niya ako.
“Come.”
Sumunod ako. Dahil wala na akong choice.
---
VROOOM!
Bumukas ang itim na SUV sa harap ng ospital. Binuksan ng bodyguard ang pinto.
Bago ako sumakay, napatingin ako sa ICU.
“Mama…”
Mahina kong binulong.
Hindi ko alam kung narinig niya ako.
Pero gusto kong maniwala na narinig niya.
Sumakay ako.
Click.
Sinara ang pinto.
Ilang segundo pagkatapos—
Vroom!
Umandar ang sasakyan.
Nasa kabilang side si Damian.
Tahimik.
Ako rin.
Tinitigan ko ang Manila sa labas ng bintana.
Mga ilaw. Mga tao. Mga sasakyan.
Lahat normal.
Pero para sa akin, tapos na ang dating buhay ko.
Kinuha ko ang phone ko.
May message mula sa hospital.
"Ma'am Selena, settled na po ang initial payment. Stable po muna ang condition ng mother niyo."
Nangilid ang luha ko.
Sa unang pagkakataon buong araw, nakahinga ako.
“Thank God”
Napatingin sa akin si Damian.
“Don't thank God.”
Napakunot ang noo ko.
“Ha?”
“Thank me.”
Hindi ako sumagot.
Napailing lang ako.
“Ang yabang mo.”
Tahimik siya ng mga ilang minutes.
Tapos may maliit na ngiti sa labi niya.
“You'll get used to it.”
Tumingin ulit ako sa labas.
Hindi ko alam na sa sandaling iyon, habang hawak ko ang phone at pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod.
Unti unti ng nagsasara ang pinto ng dati kong buhay.
At binubuksan naman ng lalaking nasa tabi ko ang isang mundong hindi ko alam kong makakatakas pa ako.
Isang kontrata.
Isang pirma.
Isang kasal.
At isang lalaking hindi ko pa alam kong maging pinakamalaking kaaway ko…
o pinakamalaking kahinaan ko.