WALA kaming magawa kung hindi ilibing na lamang sa kakahuyan si Mark. Kahit masakit ay ako mismo ang nagbitbit ng kanyang ulo, at inilagay iyon sa hukay na ginawa nina Laurenz at Johnson. Bahid ang takot at kaba sa aming mukha, nagmadali na kaming mag-ayos upang sana ay makauwi na kami ngayong araw din, kahit madilim-dilim ay maglalakabay kami nang saba-sabay. Napag-usapan namin na hinding-hindi kami maghihiwalay kahit saan man kami magpunta.
Bumalik kami sa aming pwesto ng duguan ang aming damit. SinLaurenz ay halatang wala pa rin sa sarili, dahil nakita niya mismo kung paano mamatay ang kaibigan. Kahit sino ay sa unang tingin mabibiktima ka ng matalim at manipis na copper wire na iyon. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa amin, kung anong silbi niyon sa gubat at kung bakit doon lamang sa aprteng iyon mayroon.
Kanina pa namin tinatanong si Laurenz kung ano ang nangyari at bakit sila napunta doon, ngunit hindi siya makasagot. Patuloy lamang sa panginginig ang kamay niya, habang nangingilid ang luha sa kanyang mata. Inabutan ko naman kaagad siya nang tubig at kaagad niya iyong ininom. Bakas pa rin sa kamay niya ang dugo ni Mark.
"Siguro, mamaya na natin kausapin si Laurenz." suhestiyon ko sa kanila. Si Alex naman ay hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak, dahil nawala ang tinuturing niyang bestfriend sa grupo. Lalo namang umigting ang panga ni Johnson dahil sa galit.
" I want to go home..." pagmamakaawa ni Alex.
Gusto ko mang kausapin si Laurenz at pakiusapan siya na tawagan muli ang driver nila, ngunit ayaw ko muna siyang istorbohin ngayon. Sina Johnson at Alex naman ay walang charge ang kanilang cell phone, kaya hindi nila magamit iyon upang humingi ng tulong.
"Alex pare-pareho lang tayo ng gusto, pero hindi natin mabibigla ngayon si Laurenz na gawin ang mga bagay na gusto natin. Nakita mong shock ang tao," panenermon ni Johnson.
"Iyong leeg ni Mark." Natigilan ang lahat sa pagmumuni-muni nang magsalita si Laurenz. "Iyong leeg niya, na...nabali." Skaa siya tuluyang umiyak.
Hindi ko na napigil ang sarili ko, kaya niyakap ko siya. Siguro nga totoo ang binubulong ng isip ko. Totoong ako ang may kasalanan, kung bakit nalagasan na naman kami ng isa. Kung hindi ko lang sana sila inutusan, kung hindi ko lang sana pinaalis kanina, sana...sana buhay pa si Mark hanggang ngayon.
"Sorry, Laurenz. Sorry," pagpapatahan ko, habang hinihimas ko ang likod niya. Kahit ako ay nadadala na sa iyak niya at hindi ko na alam ang gagawin ko para mapatahan lang siya.
Nang panandaliang kumalma kaming lahat, nagsimula na akong maggayak ng aking gamit. Si Laurenz ay sinusubukang contac-in ang kanilang driver upang masundo na kami rito. Alas otso pa lang naman, kaya sigurado ay gising pa iyon. Kung hindi lang din sa apoy na nilikha namin ay wala rin kaming ilaw ngayon, dahil pati mga flashlight ay wala ng karga.
"Hindi sumasagot si Manong Tony," paliwanag ni Laurenz. Nagsimula na kaming kabahan. Kahit ako ay hindi ko na matatagalan pa rito. Baka pag pinagpabukas namin ang pag-uwi ay tuluyan na akong mabaliw.
"Paano na niyan? Saan tayo hihingi ng tulong?" kinakabahang pahayag ni Alex. Habang nag-iisip sila ay nakakuha ako ng ideya kung saan kami hihingi ng tulong at mamamalagi.
"Kay Lola Elena!" sigaw ko. Oo siya lang ang sa tingin kong makakatulong sa amin. Sasabihin na rin namin sa kanya ang lahat ng nangyari sa amin pati na kay Mark at Addison! Kailangan na naming umalis sa halimaw na lugar na ito. Pakiramdam ko ay nalalapit na rin ang katapusan ko.
Mabuti na lang at sumang-ayon naman ang lahat sa plano ko. Nagsimula na kaming magbalot ng aming gamit. Tinulungan ko na rin si Alurenz, dahil mukhang wala pa rin siya sa kanyang sarili hanggang ngayon. Hindi na rin kami nag-aksaya pa ng oras para makapagpalot ng damit. Kailangan ay ngayong araw makababa na kami ng bundok at hanapin ang bahay ni Lola Elena.
"Teka, may nabanggit ba sa inyo si Lola Elena na direksyon tungo sa bahay nila?" tanong ni Johnson nang masuot na niya ang bag sa kanyang likuran.
Natigilan kami. Basta, ang naalala ko lang ay sinabi niyang sa kabilang bundok pa raw iyon. Tatawid ka pa ng isang burol bago ang bahay niya.
"Bahala na! Basta umalis na tayo!" suhestiyon ko, at saka kumuha ng isang kahoy na nagliliyab pa, upang maging ilaw namin sa paglalakbay. Ginaya rin ako nina Alex, Johnson at Laurenz at kumuha rin sila ng umaapoy pang kahoy at saka na ki nagsimulang maglakad. Kahit imposible naming mahanap ang bahay ni Lola Elena sa kadilimang ito, pipilitin namin. Panigurado namang tutulungan niya kami na makauwi. Isa pa, sigurado ako may alam din siya sa nagaganap sa bundok na iyon. Hindi lamang siya nagsasalita, dahil ayaw niya kaming takutin.
Ingat na ingat kaming bumababa sa bundok. Dahil sa makakapal na damo ay hidni namin gaanong nakakapa ang daan. Magkahawak naman ang kamay naming lahat, upang masiguro na ligtas kami sa pagbaba. Ingat na ingat din kami at tinitingnan ang paligid, kung may patibong pang naghihintay sa amin. Nakahinga naman ako nang malwuag nang walang copper wire sa aming dinadaanan.
Pagkarating namin sa kalahating bahagi ng bundok, bigla kaming natigilan sa aming paglalakad dahil may narinig kaming kaluskos.
"Maghawak-hawak tayo. Hindi natin alam kung ano ang kakaharapin nating panganib ngayon!" bulong sa amin ni Johnson. Nauuna siyang naglalakad, habang hawak ang kamay ni Alex. Hawak ko naman ang kamay ni Alex at sa kaliwa ay si Laurenz. Dahan-dahan kami sa paglalakad, habang inoobserbahan ang paligid. Nararamdaman naming narito lang siya, dahil nakita nang mata ko ang mabilis niyang paggalaw.
Oo. Isa siyang tao.
"Ayun!" sigaw ni Johnson at mabilis naming hinabol ang tao na nagtatago sa likuran ng mga puno.
"Ayun ang pumatay kina Addison at Mark!" sigaw niya, hanggang sa hinabol namin iyon.
Madali lang makita ang tao, dahil may hawak kaming ilaw. Natunton kaagad namin kung nasaan siya at nang maharap na namin ito, isang lalaking ita na may pulang tinta sa kanyang noo ang takot na takot na sumuko sa amin.
"Hindi po! Hindi po ako iyon!" pagmamakaaw anitong bata. Tingin ko ay nasa edad labing lima pa lang ito. Walang suot na damit pang-itaas at nakabahag lang sa ibaba.
Lumapit si Johnson ay kaagad na tinayo ang bata. "Sino ka? Bakit ka nandito?!"
Hindi makasagot ang bata. Sa inis ni Johnson ay akmang susuntukin na niya ito, ngunit kaagad kong pinigilan. "Johnson, tama na!"
Tinulak naman niya ang bata sa damuhan, kaya kaagad ko itong nilapitan. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ito ang mamamatay tao.
"Nasaktan ka ba?" tanong ko.
Umiling-iling ito. "Hindi po ako ang mamamatay tao." Takot na takot nitong sabi.
"Pero ano ba kasing ginagawa mo rito? Alam mong mapanganib sa gubat diba? Tsaka gabing-gabi na. Anong ginagawa mo sa taas ng bundok?"
"Narinig ko po kasi kayo kanina na nagsisigawan, habang nangangahoy ako sa gubat. Gusto ko sanang tingnan kanina kung anong nangyari, kaso lang tinawag na po ako ng inay ko. Kaya ngayon lang ako nakabalik."
Nang mapakinggan iyon nina Johnson ay saka lamang sila kumalma. Nalaman namin ang pangalan ng bata ay Brandon, at nakatira iyon malapit sa b****a ng bundok.
"Pwede mo ba kaming samahan pababa?" tanong ni Laurenz.
Tumango naman si Brandon. Nalaman naman sa kanya na simula noon pa ay dito na siya nakatira, kaya alam niya ang misteryosong nagaganap sa bundok. Noong una pa lamamg daw niya kaming makita sa baba noon ay iba na ang kutob niya. Gusto niya kaming balaan, ngunit ang sabi ng magulang niya ay huwag na lang siyang makikialam. Nang naisingit ko sa kanya kung alam ba niya ang mamgyayaring p*****n sa bundok na ito, ay oo raw.
Noon pa man ay sinabi na nila ito sa gobyerno upang aksyonan, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagtatangkang magpunta sa kanilang lugar dahil sa takot. Nakakalungkot lang, dahil napag-iiwan na sila ng kabihasnan.
"Teka bata. Kung matagal ka na rito, sigurado matagal mo na ring kilala si Lola Elena?" tanong ni Alex.
Natigilan siya habang nag-iisip. "Lola Elena? Iyong matanda po ba na may mahaba at puting buhok?" tanong nito pabalik.
"Oo!" sabay-sabay naming sabi. "Kilala mo ba siya?" tanong ko.
"Madalang ko lang po kasing nakikita si Lola Elena rito. At saka, hindi po ako masyadong pamilyar sa mga tao sa baryo." Bigla namang nawala ang ngiti namin sa labi. Nag kaisa-isa naming pag-asa, bigla na namang nawala.
"Boy, matanong ko nga." Singit ni Laurenz. "Bakit walang kuryente sa lugar ninyo?"
"Hindi po kasi kami naabutan. Pero sa kabayanan po ay mayroon naman. Maaari po kayong humingi ng tulong doon bukas. Sa ngayon po, kailangan na nating makaalis sa luagr na ito, dahil baka kung ano pa ang mangyari."
Napapansin naman namin, sa aming pag-iikot-ikot at paglalakad, tila walang katapusan ang aming pagbana. Napapansin ko rin na pabalik-balik lang kami, dahil sa ginawa kong palatandaang malaking puno na dinaanan namin kanina pang pababa kami.
"Guys," kinakabahan kong sabi. "Mukhang...hindi pa rin tayo nakakaalis sa taas ng bundok."
Napansin iyon nina Laurenz Alex at Johnson nang makita muli namin ang gianwa naming sunog kanina bago kami umalis. Nakikita pa rin namin ito hanggang ngayon. Parang niloloko kami ng bundok, kaya bumalik ulit kami sa itaas.
"Bata?" hanap ko sa bata, dahil hindi ko na makita ang paligid, sa pagkaubos ng apoy. Tamging ang liwanag na lamang ng buwan ang amjng nagsisilbing ilaw.
"Nandiyan ba si Brendon?" tanong ko sa kanila na wala na ring bitbit na apoy.
"Hindi bat kasama mo siya? Nasaan na siya?" tanong ni Alex.
"Lintik!" inis na sabi ni Johnson nang mahinuha ang nangyari. "Niligaw lang tayo ng bata! Sabi ko na nga ba e! Malakas ang kutob ko na siya ang mamamatay tao!"
BANDANG HULI ay ako ang sinisi nina Johnson at Alex, dahil masyado raw akong nagpaniwala sa bata. Ewan ko ba, unang tingin ko pa lang sa bata kanina, parang nagsasabi naman siya nang totoo. Iyon pala ay niligaw lang kami para bumalik dito sa taas ng bundok. Wala naman kaming magawa, kung hindi ang mamalagi na naman dito sa itaas ng bundok. Hindi na kami maaaring bumaba pa, dahil napakadilim na sa gubat. Baka raw kasi ay hindi nga kami maligaw, matuklaw pa kami ng kung ano mang ahas na nakapalibot lang sa gilid-gilid.
Nasayang lang ang oras namin sa kakaikot sa bundok. Pati ako ay naramdaman ko na ang pagod nang ihiga ko ang katawan ko sa comforter. Sina Johnson at Laurenz naman ay nagbantay muna sa labas, habang kami ni Alex ay nauna nang pumasok sa tent. Sa totoo lang, hindi pa naman ako inaantok. Iniisip ko pa rin iyong bata kanina na nakasabay namin. Bakit kaya bigla iyong nawala na hindi namin namamalayan? Tsaka paano niya kami naligaw ng ganoon kadali.
Siguro ay ganun din ang ginagawa niyon sa iba pang turista. Isa pa, totoo kaya iyong kinwento niya kanina tungkol sa naging biktima ng Shibuyan? Parang nahahati na ang pananaw ko sa ngayon, dahil sa panloloko noong bata sa amin. Tuloy, hindi na namin nahanap iyong bahay ni Lola Elena. Alam ko, siya lang ang makakatulong sa amin para matuklasan ang misteryo ng bundok na ito.
Nang hindi ako mapakali sa init na nararamdaman ko sa loob ng tent, binuksan ko saglit ang zipper, kaya naman kaagad pumasok ang malamig na hangin sa loob. Hindi ko naman sinasadya, pero narinig ko ang pag-uusap nina Johnson at Laurenz sa labas.
"Bwisit! Kung di dahil kay Mellisa, sana hindi tayo nakabalik dito!" paninisi ni Johnson sa akin.
Hindi naman nagsalita pa si Laurenz at pinakikinggan lang ang paghihimutok nito.
"Alam kong kanina pa tayo naliligaw," biglang sabi ni Laurenz, kaya natigil sa kakadaldal si Johnson.
"Ano?! Bakit hindi mo sinabi?!"
"Gusto kong malaman kung ano ang binabalak ng bata sa atin. Hindi normal ang kinikilos niya kanina, kaya sumunod lang ako sa sinasabi niya. Alam ko rin may alam siya tungkol sa nangyayari sa bundok na ito, kaya hindi malabo na may kinalaman siya sa pagkawala ng mga tao. Hindi rin ako naniniwala na narinig niya ang pagsigaw natin."
"Bakit naman?"
"Base sa tansya ko, ang boses natin ay umaabot lamang hanggang sa mag ilog. Hindi iyon aabot sa ibabang bahagi ng bundok. Kakalat na ang boses natin sa paligid, bago pa iyong dumirekta sa kanya."
Ngayon lang ako nalinawan. Tama si Laurenz. Malabo ngang maririnig ng batang iyon ang boses ni Laurenz na wala pa sa kalahati ang kanyang pagsigaw. Ngayon ko lang nahihinuha lahat ng balak niya.
"Gusto ko pa sana kaninang hawakan ang braso nang bata, ngunit nakakahalata ito sa akin. Kaya ako nagpunta sa likuran nina Mellisa. Ang kaso lang ay masyado itong tuso. Kung kailan nagkukwento ang iba sa inyo ay doon siya nawala na palang bula."