FIFTEEN

1062 Words
THIRD POV ILANG araw na mula nang umalis si Mellisa sa kanilang bahay. Ang kanyang Lola Emma naman ay hindi na mapakali at nais na ring sumunod sa Shibuyan, ngunit hindi ito pinahintulutan ng mga police. Pinaliwanag din sa kanya na hindi siya maaaring magpunta roon, dahil sa kumakalat na p*****n. Nangako naman sa kanya ang mga pulis na pupunta ang mga iyon sa bundok at ibabalik ng buhay ang kaniyang apo. Nagsawa na sa kakanuod ng TV at kakatulog si Lola Emma, kaya naman nagdesisyon siyang maglinis ng kanilang bahay upang sa gayon ay maigalaw niya kahit papaano ang kaniyang katawan. Habang naglilinis sa sala ay napansin niya ang isang picture frame na napaglipasan na ng panahon dahil sa alikabok na nakabalot doon. Kinuha niya ang picture frame at tiningnan ang tao na nasa litrato. Siya iyon noong kadalagahan niya, kasama ang matalik niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita. "Nasaan ka na kaya ngayon?" tanong niya sa sarili at binalik na ang litrato sa ilalim. Nang matapos na siya doon ay siya namang pumasok siya sa loob ng kwarto ni Mellisa. Hindi maipagkakailang nami-miss na niya ang kanyang apo. Sa ilang linggo na itong wala, hindi niya mapigilang maging balisa. Lalo nat hindi man lang niya ito nakausap ni minsan. Hindi niya alam kung ligtas bang nakarating doon ang apo o kaya naman ay kung buhay pa ito. Habang naglilinis, nakita ni Lola Emma sa gilid ng kanyang kama ang cellphone ni Mellisa. Umupo siya sa kama at binuksan iyon. Bumungad naman sa screen ang picture nilang dalawa ng kanyang apo. Iyon ang picture noong nakaraang taon pa nitong kaarawan. Dinala kasi ni Melissa sa Enchanted Kingdom si Lola Emma at doon sila kumuha nang maraming litrato. "Apo, nasaan ka na ba? Bakit nagawa mo ito sa akin?" Hindi mapigilang mallpaluha ni Lola Emma. Paano kasi ay ngayon pa lamang niya hindi makakasama ang apo sa kanyang kaarawan. Malapit ang dalawa, dahil noong nadisgrasya ang ama at ina ni Mellisa ay si Lola Emma na ang tumutok na magbantay sa kanya. Habang yakap-yakap nito ang cellphone ay bigla naman itong nag-vibrate, kaya kaagad niyang tiningnan. "Mrs. Amando?" pagbasa niya sa pangalan nang tumawag. Kaagad naman niya iyong sinagit at isang matinis na boses ng babae ang sumalubong sa kanya. "Salamat naman at sumagot ka na, Mellisa! Ano bang gagawin mo?! Iiwan mo na lang basta-basta ang mga gawa ninyo rito?! Sakit talaga kayo sa ulo ng mga kaibigan mo! Lalo na 'yan si Johnson!" Dire-diretso nitong sabi. "Ah, hello?" mahinahong sagot ni Lola Emma, kaya nagbago ang timpla ng boses nito. "Sino ito?" "Ah, ako ho ito ang lola ni Mellisa." Pagkasabi niyang iyon ay dali-daling humingi ng oaumanhin si Mrs. Amando at tinanong nito kung bakit hawak ni Lola Emma ang cellphone ni Mellisa. "Madam, pasensya na po ha? Iniwan po kaai ni Mellisa ang cellphone niya rito sa bahay. Ilang araw na rin po kasing hindi umuuwi kasama ang mga kaibigan niya." "Alam po ba ninyo Lola kung saan sila nagpunta? "Ang pagkakaalam ko sa Shibuyan e. Tumakas lang din si Mellisa sa akin, kaya nag-aalala na ako sa kanya." Nang makapagpaliwanag na siya ay nagpaalam naman si Mrs. Amando. Binaba ni Lola Emma ang cellphone, tsaka muling naalala ang kanyang apo. Sana lang ay walang mangyari sa kanila doon, dahil hanggang ngayon, nanu uot pa rin sa kanyang isip ang nangyari tatlumpung taon na ang nakakalipas. — DAHIL sikat na sikat ang Shibuyan sa TV, magazine, radyo, tabloid at diyaryo ay dinarayo ito ng mga turista. Dahil kabilang si Emma sa mahihilig mag-adventure ay sinubukan niyang pumunta sa lugar na iyon, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Mara, Edna, Clara at Cielo. Lima silang nagbalak na pumunta doon, upang sana ay makita ang ganda ng lugar. Limang oras ang byahe patungo doon at mainit naman ang pagtanggap sa kanila ng mga tao. Maayos din silang nakaakyat kaya naman nagkasiyahan sila. Sina Mara at Cielo ay may dalang mga alak kaya naman doon sila nagpakalasing sa taas ng bundok. Sumapit ang gabi at hindi nila namalayan na lasing na lasing na sila. Namomoblema na rin sila kung paano sila makakababa sa matarik na bundok na iyon, kaya nagapsya silang doon na muna magpalipas nang gabi. Malamig na hangin, magandang tanawin at kalangitan, dagdag pa ang huni ng mga hayop na nasa gubat ang siyang lalong nakapag-engganyo sa kanila. Ang sanang masaya sana nilang trip ay mauuwi rin sa isang delubyo. Paggising ni Emma ay takang-taka siya kung bakit wala siyang kasama sa taas ng bundok. Akala niya ay binibiro lang siya ng mga kasama, ngunit nang maglakad-lakad sana siya upang hanapin ang kaibigan, nakita niya na nakahandusay ang mga ito at duguan. — HANGGANG ngayon ay sariwa pa rin sa isip niya ang nangyari, kaya hindi maalis sa kanya ang mag-aalala kay Mellisa. Lagi niya itong pinagdarasal tuwing gabi na sana bumalik na ang kanyang apo na walang galos at buhay pa. SA KABILANG banda, hindi maikukubli ang pagod sa mata nina Johnson, Alex, Laurenz at Mellisa ngunit patuloy pa ring bukas ang kanilang diwa, dahil nagdodoble ingat sila ngayong gabi. Saglit lang din nakatulog sina Mellisa at Alex, dahil kinakabahan sila at baka may mangyari na namang masama ang isa sa kanila. "Gusto ko nang umuwi," malungkot na pahayag ni Alex. Niyakap naman siya ni Johnso at pinakalma. "Bukas na bukas uuwi na tayo babe. Kung may sasakyan man o wala, makaalis lang tayo sa impyernong lugar na ito. Hinding-hindi na ako babalik pa." Ang dalawa namang sina Mellisa at Laurenz ay nakatitig lang sa apoy na nililiha ng kumpol-kumpol na dahon at kahoy. "Laurenz?" tawga ni Mellisa. Kaagad namang humarap sa kanya ang binata. "Galit ka ba sa akin?" tanong nito. Kumunot ang noo ni Laurenz. "Bakit naman ako magagalit sa'yo? Akala ko nga kayo ang galit sa akin, dahil hindi ko nailigtas si Mark." "Galit, dahil...imbis na nakababa na sana tayo at nahanap na natin ang bahay ni Lola Elena, sana hindi na tayo natatakot ngayon. Sana hindi na tayo nakabalik dito. Kasalanan ko ang lahat." Napayuko si Mellisa habang naalala pa rin ang nangyari kanina. Nabigla naman siya nang yapusin ang likod niya ni Laurenz. "Wala kang kasalanan, Mellisa. Alam ko ang lahat." "Lahat?Wala pa rin akong natindihan sa sinasabi mo, Laurenz." Natawa lang nang bahagya si Laurenz. "Tangengot ka talaga ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD