Mellisa POV
NAPAKAMOT na lang ako sa ulo nang lagi akong pinag-iisip ni Laurenz. Hindi na lang kasi direktahin sa akin 'e. Tapos, kapag hindi naintindihan sasabihin akong tangengot. E kung bigwasan ko na kaya siya? Pero kahit ganon, naawa pa rin ako sa kanya. Kahit na nakakatawa na siya nang paunti-unti, nandoon pa rin ang takot at lungkot sa kanyang mata, dahilan ng pagkawala ni Mark.
"Ang bilis ng buhay, no?" tanong niya, habang kinuha ang stick at pilit kinakalikot ang maliliit na damo.
"Oo. Kaya nga laging sinasabi sa akin ni Lola na i-enjoy daw ang buhay at palaging magkapabait. Hindi raw kasi natin al kung kailan kukunin ng Dios ang buhay natin," paliwanag ko.
"Siya nga pala, Mellisa. Nasaan na ang mama at papa mo? Bakit ang lola mo na lang ang nagbabantay sa iyo?"
Napangiti ako nang mapait. "Wala na sila, Laurenz. Bata pa lamang daw ako ay nawala na sila dahil sa aksidente. Kaya ayun, napunta ako sa pangangalaga ni Lola. Nakokonsensya nga ako noong umalis tayo, dahil malapit na ang kaarawan niya non, pero mas pinili ko pa rin kayo."
"Ang saya siguro ng pamilya mo," tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Hindi naman gaano. Kaming dalawa lang ni lola ang nasa bahay. Madalas nga ay masungit siya, pero iniintindi ko dahil nga matanda na siya. Kailangan niya ng aruga at pagmamahal. Baka ikaw ang masaya diyan? Buo ang pamilya mo at may kapatid ka pa!"
Umiling siya. "Akala ko nga noong bata ako ay matatawag mo ng masaya ang isang pamilya kapag buo kayo, pero hindi pala. Buo nga kami, pero naka-focus naman ang atensyon nina mom at dad sa trabaho nila, kaya ako ang nagbabantay kay Nathan. Naaawa nga ako minsan kay Nathan, dahil kahit umiiyak na siya 'e hindi siya pinapansin ni mom. Para lang kaming hangin na dumadaan sa harapan nila." Ramdam ko ang lungkot sa kwento ni Laurenz. Habang nagsasalita siya ay tumitingin pa rin ako sa paligid. Si Johnson ay inaantok na, habang nakahrap siya sa apoy. Baka mamaya ay makatulog na rin siya, kaya hinahanda ko na ang sarili ko. Alam ko namang kaming dalawa ni Laurenz ang magbabantay ngayong gabi.
"Mellisa?" tawag sa akin ni Laurenz, kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Ano iyon?"
"Paano kung mamatay na kaming lahat, tapos ikaw lang ang mag-isang natira rito. Ano ang gagawin mo?"
Tumaas ang kaliwang kilay ko. Hindi naman ako makasagot sa kanya, dahil sa umpisa pa lang ay hindi ko na inisip ang ganitong bagay. Hindi ako handa sa susunod pang mangyayari, pero pinapangako kong bago mangyari iyon ay nakaalis na kami sa sinumpaang bundok na ito. Kapag nakaalis na rin kami, ipagkakalat ko sa buong mundo, kung gaano kalupit ang Shibuyan at nagawa pang patayin sa hindi kanais-nais na bagay ang mga kaibigan ko. Ilang araw pa nga lang wala si Addison ay naninibago ako. Wala kasing nangungulit sa akin. Kahit minsan ay naaartehan ako sa boses niya, mahal ko pa rin naman siya bilang kinakapatid ko.
"Ano bang pinagsasabi mo, Laurenz? Makakauwi tayo, bukas na bukas din! Kahit walang sasakyan, gagawa tayo ng paraan para makauwi. Uuwi tayo ng ligtas sa pamilya natin, ha?" pagpapalakas ko ng loob sa kanya.
"Alam mo, Mellisa... Kanina habang naglalakad kami ni Mark, napagkwentuhan namin iyong mommy niya. Ang sabi niya sa akin, nami-miss na raw niya ang nanay niya. Mama's boy kasi 'yon e. Sinabi pa niya na kung hindi man daw siya makauwi nang buhay sa pamilya niya ay ako na lang daw ang bahala sa mama niya. Kasi nag-iisa na lang iyon." Kita ko ang pangingilid ng kanyang luha. "Kaya nga...hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay tita. Pinabayaan ko ang anak niya. Ako pa ang kasama niyang umalis sa bahay, pero...babalik ako doon ng hindi ko na siya kasama."
Timapik ko ang likuran niya, dahil nagsisimula na naman siyang umiyak.
"Kaya tatagan mo ang loob mo, Laurenz. Nangako ka sa kanya at al kong tutuparin mo iyon. Kahit na araw-araw kang weirdo, alam ko may malambot ka pa ring puso. Huwag kang padadaig sa takot at emosyon mo, makaakuwi tayo nang ligtas ha?"
"Pero paano kapag hindi Alyssa? Paano kapag...kapag isang araw, hindi na ako magising dshil may nakaturok ng kutsilyo sa puso ko. Paano kung...kung habang pauwi tayo, magaya ako kay Mark. Hindi ko kaya, Mellisa. Hindi ko kayang iwan si Nathan. Maliit pa ang kapatid ko." sa puntong iyon ay yumakap na siya sa akin, habang mabibigat na luha ang kanyang pinakakawalan.
"Huwag mong isipin 'yan, Laurenz. Basta bukas na bukas din uuwi tayo ha? Ako ang bahala sa'yo!"
Tinanggal naman niya ang pagkakagakap sa akin at pinunasana ng kanyang luha. "Ikaw ang bahala, eh ang labo nga ng mata mo. Hindi mo pa minsan makita ang daan."
Tingnan mo nga naman ang lakas ng sapak ng lalaking ito. Pagkatapos kong patahanin, ngayon ay nilalait na naman ako! Walang utang na loob.
Bandang huli ay napagkasunduan naming huwag ng matulog at magbantay kina Johnson at alex na mahimbing ng natutulog sa tent. Humiga kami sa damuhan, habang hinihintay na balutin ng itim na ulap ang buong kalangitan. Nagsisimula na ring umihip ang malamig na hangin, kaya naman kinuha namin ang aming mga kumot sa tent. Sa labas kami nahiga upang kahit papaano ay mabantayan namin, kung sino man ang ang lalapit sa tent namin.
Nagkwentuhan rin kami ni Laurenz tungkol sa mga paborito naming pagkain at gawin, tuwing marami kang oras. Nalaman ko na pareho pala kaming mahilig magbasa ng libro ni Karen Mcmanus, iyong "One of Us is Lying". Bago kasi ako umalis ay iyon na ang binabasa ko, nakalimutan ko lang dalhin ngayon dahil aa kakamadali naming umalis noon. Nalaman ko rin kung bakit weirdo minsan si Laurenz ay dahil sa ayaw niyang magkaroon ng maraming kaibigan.
Hinikayat lang daw siya ni Johnson noon kaya napilitan siyang sumama. Naniniwala daw kasi siya na hindi ka naman matutulungan ng kaibigan sa oras ng kahirapan, at heto na nga. Nangyari ang ganito sa amin. Minsan napapaisip ako, kung hidni ba ako sumama, kung hindi ba ako nagpabigla sa kanila, masaya kaya kami sa bahay ngayon ni Lola? Syempre, doon ay wala kaming problema. Makakatulog kami nang mahimbing. Pero napapaisip ako sa kabilang banda, sa nangyari sa amin ngayon, nagkakaroon ako ng eager na hanapin kung sino ang pumatay kina Addison at Mark, pero sa kaloob-looban ko ay takot naman ako. Syempre, wala kaming ka ide-ideya kung saan iyon galing at kung tao ba ang gumagawa niyon.
Doon lamang nga sa nangyari kay Addison, minsan ay natatakot na ako, dahil baka ako na ang sunod. Pero nagdarasal pa rin naman ako at nakakatulong iyon ng sobra sa akin upang kumalma.
Napapansin yata ni Laurenz na napapapikit-pikit na ako, kaya naman tumingin siya sa akin, imbis na sa paligid. "Inaantok ka na?" tanong niya.
Kahit sobra nang mabigat ang talukap ng mata ko ay hindi pa rin ako umaamin. "Hindi 'no! Baka ikaw?"
Tumawa lang siya at nilamukos ang mukha ko. "Oh siya sige na. Matulog ka na at kaya ko namang magbantay dito mag-isa. Isa pa, hindi pa rin naman ako makatulog 'e. Hihintayin ko na lang ang pagsikat ng araw, para makauwi na tayo."
"Laurenz?" tawag ko.
"Bakit?"
"Kapag ba nakauwi na tayo, kakalimutan mo na ang mga masasamang nangyari sa atin dito?"
Hindi siya nakasagot. Umupo siya habang nakatingin sa akin. "Sa tingin mo?"
Hindi ko rin alam ang sagot, kaya nanatili akong tahimik.
"Sa totoo lang, ayaw ko pa sanang umuwi."
Tila binuhusan ng malalig na tubig ang katawan ko, kaya nabigla ako at napaupo. Nawala ang antok ko sa sinabibni Laurenz. "Bakit? Gusto mo ba talagangbmamatay tayong lahat dito?"
"Syempre hindi. Gusto ko lang matigil ang p*****n sa luagr na ito, para sa susunod na mga pupunta ay hindi na sila matakot. Hindi lang para sa kaligtasan natin ang iniisip ko, Mellisa. Kung tatakas tayo dito, para na rin nating hinayaang lumaganap ang p*****n sa lugar na ito. Hindi ko rin mabibigyan ng hustisya ang pumatay kina Addison at Mark."
Natahimik lang ako. May point naman si Laurenz, pero kailangan ba talagang mamili sa dalawa? Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Kahit papaano naman ay naging kaibigan ko rin si Laurenz at hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanya. Sa mga sinabi niya pa lang kanina, parang hindi ko na kayang lumagay sa sitwasyon niyang iyon.