NINETEEN

1484 Words
AKMANG aalis sana kami pagkahatid sa amin ni Lance sa labasan, ngunit natigilan kami nang muli siyang magsalita. Parang bago lang sa kanya ang tatak na numero sa aming batok kaga ganoon na lamabg ang pagtataka niya. "Teka, saan galing ang mga numero ninyong iyan?" tanong niya sa amin. Kinapa ko naman ang numero sa aking batok. "Nilagay ito ni Lola Elena bago kami tuloy sa tuktok. Ewan ko kung ano ang ganap nito, pero sabi palatandaan daw ito ng pagrespeto namin sa bundok dahil nakarating kami doon ng ligtas," paliwanag ko. "Ganun ba?" Panandaliang tumahimik si Lance. Kaagad naman naming napansin ang pagbabago ng kanyang ekspresyon. Animoy hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Sige, mag-ingat kayo sa pagbalik sa bundok. Bukas na lang tayo magkita-kita ulit," aniya. Kahit nagtataka ay nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad. Medyo weird si Lance sa parte g iyon pero hinayaan na lang namin. Habang naglalakad kaming tatlo pabalik sa bundok, naroon na naman at nagtipon ang tao sa gilid saka kami tinitingnan nang matatalim. Nakakapanibago, dahil bukod sa kulay ng aming balat hindi rin pantay ang pagtrato sa amin dito. Isa-isa naman akong tumingin sa kanila, ngumiti ako at yumuko. "Mellisa!" pabulong na tawag sa akin ni Johnson. Kaagad naman akong humarap sa kanya. "Ano bang ginagawa mo? Bat palagi kang humihingi ng dispensa sa mga iyan?!" Lumapit ako sa kanya. "Alam mo kasi, Johnson. Laging habilin sa akin ni Lola na kapag nagpupunta ka raw sa ibang lugar kailangan mo laging humingi ng dispensa kapag dadaan ka sa harapan nila. Hindi natin sila kilala kaya mas mabuti nang magbigay ng respeto. Tsaka malay mo, kapag ginawa natin ito may magkusang loob na magsabi sa atin sa nangyayari sa kanilang lugar." "Ewan ko sa'yo!" aniya at nauna nang maglakad. Napansin ko pa ang mga batang masayang naglalaro ng habulan sa daan, ngunit nang dumaan na kami ay bigla silang tumigil at tumabi panandalian. Nakita ko pa ang isang ginang na tinuturo ng numero sa batok ni Laurenz ngunit nang matuon ang atensyon ko sa kanya ay dali-dali nitong binaba ang kanyang kamay at yumuko. Habang nagsisimula na kaming maglakad papasok ng gubat, hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa aking likuran. Ako kasi ang nagpahuli sa dalawang lalaki dahil gusto kong malaman kung talaga bang may sumusunod sa amin o guni-guni ko lang iyon. Nang mapadaan kami sa puno na inakyat noon ni Mark, naalala ko ang ngiti niya nang araw na iyon. Paano kasi ay napakarami niyang nakuhang prutas, isa pa siya rin ang nagpo-provide ng pagkain para sa aming lahat. Ngayon, wala na siya kaya kailangan naming magtulungan sa paghahanap ng aming makakain para ngayong gabi. "Laurenz!" tawag ni Johnson nang sumignal si Johnson na huwag maingay. Tinuro nito ang tatlong maiitim na ibon na nagpapahinga sa taas ng puno. "Pamatid gutom din natin iyan para mamaya!" ani Johnson. Dinukot naman ni Laurenz sa kanyang bulsa ang baril at dahan-dahan kaming nagtago sa malalaking damo. Kahit isa lang ang makuha ni Laurenz ay kasya na siguro sa amin dahil sa laki ng ibong iyon. Hindi kasi ako pamilyar sa pangalan ng mga ibon, kaya hindi ko alam ang tawag sa isang 'to. Kaagad ko namang tinakpan ang tainga ko pagkaputok ng baril. Hindi ko nga nakita kung natamaan ba ni Laurenz iyon, dahil kahit ako ay napapikit. "Ayun!" saad ni Johnson at kaagad tumakbo. Ang dalawang ibon naman ay dali-daling lumipad, kaya hindi na pinag-aksayahan pa ng bala ni Laurenz. "Sakto ito para kainin natin mamaya." Tinaas ni Johnson ang malaking ibon na natamaan ni Laurenz sa leeg. "Sayang kasi at wala na si Mark. Kung sanang siya ang nakakasama kong manghuli ng hayop, panigurado hindi lang ito ang mahuhuli natin." Ngumiti si Laurenz at inakbayan si Johnson. "Huwag kang mag-alala. Ako muna ang sasama sa'yo sa panghuhuli ng hayop ngayon," anito at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad ay hindi pa rin talaga ako mapakali. Hanggang ngayon ay pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa bawat hakbang na ginagawa namin. Hindi kaya ito ang mamamatay tao? Nang makita ko sa gilid nangbmata ko na palapit na ito nang palapit at nasa likuran lang ng mga puno, mabilis akong tumabi kina Johnson at Laurenz. Ilang beses ko pang nahuli sa gilid ng mata ko ang paglilipat-lipat nito ng pwesto at nang nasa likuran na namin siya napansin ko ang panang hawak niya na balak ipaulan sa amin. "Dapa!" sigaw ko sa kanila at kaagad kaming dumapa. Mabuti na lang ginawa namin iyon, dshil ilang minuto lang ay nakita na namin ang sibat na nakatusok sa puno ng mahogany sa aming dinadaanan. "Nandito sila! Ihanda ninyo ang mga armas," bulong ko. Dahan-dahan kaming tumayo habang isa-isang binubunot ang aming mga armas na pinabaon ni Lance. Kahit nanginginig ang kamay ko ay hinawakan ko nang mahigpit ang matalim at mahabang kutsilyo. Si Laurenz naman ay nakaantabay na ang kanyang baril sa kung saan mang maaaring dumaan ang kalaban. Wala kaming pinalampas na pagkakataon para makatakas iyon, ngunit nang ilang minuto na kaming nagmamatiyag ay tila nawala ang ingay sa paligid. Naging palagay na rin ang loob ko dahil wala nang sumusunod sa likuran namin. "Paano mo nalaman iyon Mellisa?" takang tanong ni Johnson. Halata ang kaba sa kanyang mukha. Akala ko ay wala nang tinatagong takot sa katawan si Johnson dahil sa pagiging siga at maskulado niya, ngayon ay mukhang mas takot pa siya kay Laurenz. "Kanina ko pa sinusubaybayan iyon. Ang akala ko normal na pagsunod lang ang ginagawa niya, pero lagi siyang palipat-lipat ng lugar para siyang kumukuha ng pwesto para sa pagpana niya sa atin," paliwanag ko. "Hindi kaya siya ang pumapatay?" tanong bigla ni Johnson. Umiling ako. "Base sa nakita ko, lalaki iyon. Oo mahaba ang kanyang buhok, ngunit nakakasiguro akong lalaki siya. May balbas siya at malaki ang pangangatawan, hindi ko alam ang intensyon niya pero kailangan na nating mag-ingat. Hindi natin alam ang ating kahihinatnan sa pag-akyat natin sa bundok na ito. Basta tandaan na lang natin ang bilin ni Lance." Hindi na kami muling nag-usap pa, ngunit ang aming mata ay hindi pa rin tumitigil sa kakamatiyag. Medyo nawala na ang kaba ko nang wala na akong naramdamang sumusunod sa amin. Naging panatag na rin ako, nang marinig ko na ang ingay ng mga hayop at agos ng tubig sa ilog. Binilisan namin ang aming paglalakad, dahil malapit nang magdilim sa aming dinadaanan. Pagtapak namin sa tuktok ay panandaliang sumily ang ngiti sa aming mata dahil nakaligtas kami sa panganib ngayong araw. "Tamang-tama, lulutuin ko na itong..." masayang sabi ni Johnson, ngunit napatigil kami sa paglalakad at nawala ang ngiti namin sa labi nang matunghayan namin kung ano ang nangyari sa aming mga gamit. Tanging natira lang ay ang aming dalawang tent. Bukod doon ay wala na. Pati ang aming mga plato, damit na sinampay namin sa ginawa naming sampayan gamit ang alambre, pati na ang aming lutuan ay wala na rin. "Anong nangyari rito?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Halos sinimot na nila lahat ng mga gamit namin. Kaagad naman akong pumasok sa tent at tiningnan ang gamit ko. Napasampal na lang ako sa ulo ko nang wala na rin ang bag ko na naglalaman ng mahahalaga kong bagay. Naroon pa naman ang wallet ko! "Hindi malabo na ang isang pamilya na nakasalubong natin kanina ang kumuha nito." saad ni Laurenz habang nakatuyo at tinitingnan ang aming nga gamit. "Ayun!" May kung ano siyang sinabi ngunit hindi na namin pinansin ni Johnson. "Sabi ko na nga ba at sila iyon," aniya. Lumabas naman ako ng tent at tiningnan ang sinasabi niya. Hawak niya ang isang porseras ng bata na may ibat-ibang kulay. "Nakita ko ito kanina sa batang babae na may dalang galon. Iyong takot na takot kaninang makipagtitigan sa akin. Napansin kong may suot siyang ganito. Siguro, habang kinukuha nila ang mga gamit natin ay nagmamadali sila kaya naman nalaglag sa kanya ito," paliwanag ni Laurenz. "Hayop talaga ang mga tao rito!" inis na saad ni Johnson at napasabunot siya sa kanyang ulo sa sobrang inis. "Pinatay na nga nila ang mga kaibigan natin, kukuhanin pa nila ang mga gamit natin?!" Hindi ko masisisi si Johnson kung bakut niya nasasabi ang ganoong bagay. Wala naman kaming magawa kung hindi pagtiyagaan ang mga naiwan sa amin. Kumuha na lang ng tuyong kahoy sina John at Laurenz, habang ako naman ay tinanggal ko na ang balahibo ng ibon. Iihawin na lang namin ito, dahil pati ang kaldero na pinahirsm na lola Elena ay nawala din. Habang nagpaparingas ako ng apoy, naalala ko ang tanong sa amin kanina ni Lance. Parang may kakaiba kasi sa kanya noong nakita niya ang numero namin sa leeg. Nalagyan din kaya ang ina at kapatid niya ng katulad sa amin noong umakyat sila sa bundok? Pero naguguluhan pa rin ako e. Parang bago lang sa mata niya ito nang makita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD