EIGHTEEN

1392 Words
NALAMAN namin na ang pangalan ng tricycle driver na nakilala namin noon ay si Lance. Sinama niya kami sa kanilang bahay, habang ikunukwento ang kanyang buhay. Napag-alaman din namin na kakalipat lang din niya sa sa Qari, dahil sa mahalagang misyon na kailangan niyang tapusin. Noong makita nga raw niya kami sa daan ay nagulat pa siya at nagtaka kung bakit ngayon ay nandito pa rin kami. Nakaramdam din siya nang lungkot dahil napag-alaman niyang wala na ang iba naming kasamahan. "Tuloy kayo," pag-aaya niya sa amin sa isang barung-barong na medyo malayo na sa gubat. Pagpasok namin doon ay isang malawak ngunit lupa ang sahig na kinatitirikan ng bahay. Wala gaanong gamit, tanging mesa na gawa lamang sa kahoy at isang monoblock na upuan lamang ang naroon. "Pagpasensyahan niyo na kung ito lang ang bahay ko ah?" nahihiya niyang sabi. "Ano ka ba, ayos lang." Pahayag ko, habang nililibot ang tingin sa buong paligid. Sa labas ng bahay, may tatlong puno ng mangga ang nakatanim. Malaking tulong iyon upang maharangan ang dirrjtang init ng araw na tumatama rito da barung-barong ni Lance. Medyo luma na rin ang bahay dahil bukod sa butas na ang sawali ay may ilalaki pa itong butas sa gilid-gilid. "Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa, Lance. Alam mo ba ang tungkol sa p*****n sa bundok ng Shibuyan?" seryosong tanong ni Laurenz habang hinaharap nilang dalawa si Lance. Hindi muna siya kumibo at nanguha ng tubig sa jar. Inalok niya pa ako, ngunit kakainom lang naamin kaya umiling ako. "Oo alam ko." prente niyang sagot. "Pero hindi pauna ako kumikilos dahil naghahanap pa ako ng matibay-tibay na ebidensya. Tsaka nag-iimbestiga pa rin ako tungkol sa nagaganap na krimen dito." "Anong ibig mong sabihin." takang tanong ni Johnson. Sumandal si Lance sa mesa at napayuko. Mariin siyang natawa habang inaalala ang lahat. "Hindi ko akalain na hahantong ako sa ganitong sitwasyon. Tatlong taon na ang nakalipas nang mawala ang nanay at kapatid ko rito pagkatapos nilang mag-retreat sa bundok. Simula niyon ay wala na akong balita sa kanila. Ni hindi unaaksyon ang gobyerno tungkol sa nagyayari dito, dahil ang sabi nila, natatakot daw sila." Tumingin siya sa amin. "Hindi ba, nakakatawa? Mga wala silang kwenta, kaya ayan. Ang lugar ng Qari ay kinatatakutan. Pati ang mga residente dito ay walang maibunyag na kahit ano, dahil hindi rin nila alam. Ang alam lang nila ay may isang babae na pumapatay sa taas ng bundok." "Babae?" Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. " Babae ang pumapatay? Babae ang pumatay sa mga kaibigan namin?" Tumango siya. "Akala ko noong una ay mga malalaking tao ang gumagawa ng karumal-dumal na pagpatay. Ngunit nang ako na mismo ang sumubok para magpunta sa gubat, nakita ko ang isang babae, isang babae na may dala ng matalim na armas ang balak akong patayin." "Anong ginawa mo? A...anong hitsura ng babae?!" sunod-sunod namang tanong ni Laurenz. "Hindi ko alam. Kakagising ko lamang niyon at nakita ko siya sa loob ng tent ko. Akmang sasaksakin na ako, ngunit bigla akong nagising. Hindi ordinaryong babae ang kalaban natin dito. Masyado siyang malakas." Isang babae ang gumagawa ng lahat ng ito? Pero paano? Bakit? Para saan ang pagpatay niyon? Nahihibang na ba siya? Hindi ko pa rin maintindihan! "Paano mo mapapaliwanag iyong tatlong matatandsng babae sa tindahan kanina?" singit ni Johnson. "Masasama ang tingin nila sa amin. Parang may tinatago sila na kung ano base sa kanilang matalim na tingin." "Iyon sina Lourdes, Clara at Tess. Hindi ka naman gagalawin ng mga iyon kung hindi mo binabastos ang kanilang ninuno na si Ka Marsing. ng tatlong iyon ang nagsisilbing alagad ni Ka-Marsing. Kapag may nakita o narinig sila na mali sa inyong ginawa, sila mismo ang papatay sa inyo. Naalala ko pa noon na may mga dayo ring nagpunta dito. Binastos-bastos nila si Ka-Marsing, at iyon hindi na sila sinikatan ng araw. Nakita na lamang na may gilit na ang kanilang leeg at nagkalat ang kanilang dugo sa daan." Tumingin siya kay Johnson. "Sinabi ko na sa inyo una pa lang na huwag na kayong tutuloy." " I don't know! Hindi namin alam!" angal ni Johnson. Tumawa si Lance. "Hindi ako naniniwalang hindi ninyo alam. Sa nagkalat na balita dito sa Qari, wala kayong alam? Ngayon, nasaan na ang iba pa ninyong mga kasama? Patay na rin?" "Dahan-dahan akong tumango. "Oo. Kaya gusto naming mahuli kung sino mang may gawa nito sa kaibigan namin. Masyadong brutal ang kanilang pagkamatay." "Hindi ba kayo natatakot sa inyong magiging kahihinatnan?" May pagbabanta sa boses ni Lance. "Tandaan ninyo, hindi pa natin kilala kung sino ang pumapatay na iyon. Kahit akong matagal nang naririto ay hinahanap ko pa rin kung sino ang pumatay sa nanay at kapatid ko, tapos kayo." Tumawa siya. "Hahanapin ninyo?" Tiim bagang na lumapit si Johnson at nabigla kami nang hawakan nito ang kwelyo ng damit ni Lance. "Kaya nga nagpunta kami rito upang makakalat ng ebidensya. Hindi pakinggan ang pagyayabang mo!" inis nitong sabi. Kaagad naman naming pinigilan si Johnson kaya binitawan niya si Lance. "Wala akong pakialam kung mamatay pa ako! Basta gusto ko lang makita at mahanap kung sino ang gagong...pumatay kay Alex!" "Gusto rin naming wakasan ang nangyayaring misteryo dito," dugtong ni Laurenz. "Kung ipagsasawalang bahala lang namin ang nangyari, parang pinalabas rin namin na walang kwenta ang buhay ng mga kaibigan namin. Kung magpapadala kami sa takot, parang hinayaan na rin namin na mabuhay sa takot ang mga tao rito, kahit na alam na namin ang nangyari. Hindi gagawa ng aksyon ang mga gobyerno. Tanging sarili lang natin ang maasahan natin." "Kung ganoon pala..." Tumingin si Lance sa aming lahat. "Iisa lang ang ating adhikain rito, ang wasakan ang misteryo ng Shibuyan. Kung makikipagtulungan kayo sa akin, mas mapapadali ang trabaho natin. Pero kung hindi naman—" Kaagad na naming pinutol ang kanyang sasabihin. "Handa kami." Sabay-sabay naming sabi. "Tutulong kami upang mahanap ang pumatay sa mga kaibigan namin. "Basta binabalaan ko kayo," ani Lance. " Huwag na huwag kayong magtitiwala sa kahit na sinong tao rito. Hindi natin alam ang takbo ng kanilang pag-iisip. Mas mabuti nang tayo lang ang nakakaalam ng ating plano." "Pero teka," sabat ni Laurenz. "Hindi bat sabi mo kanina, babae posibleng babae ang may gawa ng lahat ng ito?" Tumango si Lance. "Kung ganoon, posibleng si..." "Si Ka Marsing ang tinutukoy mo?" pagtutuloy ko. Hindi makaimik sina Lance, Laurenz at Johnson. Tila napaisip din siya sa sinabi ko. Ngayon ko lamang din napagtanto na baka siya nga iyon dahil sa una pa lang ay hindi na maganda ang bungad namin sa kanya. Baka nais niyang maghiganti sa amin? Tsaka isa pa, kung siya ang tinuturing nilang pinuno dito bakit hindi siya kailanman nagpapakita sa amin? Tsaka kapag may namamatay, wala siya upang umaksyon? Nakakapagtaka talaga. Masyadong malihim ang lugar na ito. NAGTAGAL kami sa bahay ni Lance. Doon na rin namin pinag-usapan ang aming gagawing hakbang at plano kung paano matunton ang pumapatay sa taas ng bundok. Hindi kami maaarinv magkamali, isang residente lang din ng baryong ito ang may gawa niyon. Pero pinagtataka ko lang, kung tatlong taon na si Lance na namamalagi rito sa bundok bakit hindi niya kilala si Lola Elena? Sabagay, hindi naman mahirap paniwalaan ang sinabi niya. Hindi raw kasi siya palakaibigan lalo na sa mga tao rito. Kahit kapwa daw niya driver ay hindi niya masyadong kinakausap dahil wala nga siyang tiwala. "Kung kayo man ay babalik sa taas ng bundok, dalhin ninyo ito." Inabot ni Lance sa amin ang tag-iisang armas. Ang sa akin ay isang kutsilyo na napakatalim. Ang kagandahan lang dito ay natutupi ang kutsilyo at maaari kong ilagay kahit saan bahagi ng katawan ko. Ang kay Laurenz naman ay isang baril. Hindi ko alam kung anong klassng baril iyon, ngunit payat lamang at maaaring ibulsa. Ang kay Johnson naman ay mga paputok. Sapat na raw iyon para takutin ang aming kalaban, dahil wala naman kaming balak na patayin ito. "Saan galing ang mga armas mo?" Tanong ni Laurenz. "Nagtatrabaho ako sa Armoury. Nakabalik na ako ng Manila para kumuha ng mga armas, saka naman ako bumalik muli dito para pagpatuloy ang misyon ko. Oh siya, maglakad na kayo dahil baka abutin pa kayo ng gabi. Mahirap makipaglaban kung hindi ninyo alam kung nasaan ito. Tandaan ninyo, tatlong beses na kayo naisahan ng kalaban kaya ingat ninyo ang inyong sarili."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD