EIGHT

1347 Words
NANG matapos na sila sa pagligo, umahon naman kaagad sila at sinuot muli ang kaninang mga damit nila. Mukhang presko na sila ngayon at nakangiti na. Hindi tulad kanina na pati sa paghakbang ay tinatamad sila. Ngayon ay ganado si Johnson na umakyat ng bundok. "Bakit hindi ka naligo, Mellisa?" tanong ni Addison. "Hindi kasi nawala ang sakit ng paa ko, Addison. Baka mapasma pa ako e," sagot ko. "Sus, kaartehan!" bulong ni Alex, ngunit ang bulong na iyon ay sapat lang upang iparinig sa aming lahat. Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pag-akyat. Napatingin muli ako sa wrist watch ko. Isang oras na pala kaming naglalakad. Hindi namin alintana iyon, dahil masuado kaming nag-enjoy sa pangunguha ng mga prutas at pagligo nila sa ilog. Hindi rin sumisilip ang araw sa dinadaanan namin, dahil hinaharangan ito ng malaking puno. Malaking tulong ito, dahil nagsisimula nang tumirik ang araw. Maya-maya lang ay aabutan na rin kami. Nagkukwentuhan sina Alex at Addison tungkol sa pagkalasing nila kagabi. Ako naman ay tahimik lang, habang nakikinig sa kanila. Ang mga lalaki ay may kani-kaniyang mga gawain. Si Johnson at nakapokus lang sa dinadaanan namin, habang si Mark at palinga-linga at naghahanap pa ng ibang klase ng prutas. Nasiyahan kasi siya sa nakuha naming mga Palmyra fruit. Ang tatamis kasi ng mga iyon na may pagkamaasim. Ang kwento pa sa akin ni Laurenz sa India lang daw matatagpuan ang ganong klaseng prutas. Madalang lang daw sa pinas iyon. Habang abala ang lahat, biglang sumigaw si Johnson, kaya sabay-sabay kaming napalingon sa kanya. "Malapit na tayo!" sigaw niya nang matanaw na namin ang tuktok ng bundok. Hindi ko naman maitago ang saya, dahil sa wakas, ligtas kaming nakaakyat rito. Akala ko pa naman, pag-akyat pa lang ay to-torture-in na kami ng kung sino, iyon pala masyado lang o.a ang mga media. Kaya walang nagbabalak na magpunta rito 'e. Hindi man nila binabalita ang ganda ng kapaligiran, pati na ang mababait na tao. Lagi na lamang nasa headline nila "Panibagong biktima ng bundok ng Shibuyan." Tapos, ipapakita nila 'yung mga pugot na ulo. Habang pinagmamasdan ko ang tuktok, tila may kakaiba akong napansin doon. "Hindi ba kubo 'yon?" turo ko sa isang maliit na bahay na nakatayo sa tuktok. "Oo nga no! Sakto, makakapagpahinga tayo!" sang-ayon naman ni Johnson. Mas lalo pa kaming ginanahan, kaya binilisan namin ang paglalakad. Noong malaoit na kami sa tuktok, medyo nahirapan kami, dahil bato-bato na ang aapakan namin. Dumudulas din ang sapatos ko, sa pinong bato, kaya nagpapatulong akong umakyat kay Addison. Hinihila naman ako nina Mark at Addison sa taas, habang sinusubong ako ni Laurenz na panghuli sa paglalakad. "Thankyou," saad ko nang makaakyat na kami. "Ang hirap pala sa paitaas na ito." reklamo ko. "Mahirap sa hindi nag-e-exercise," bulong ni Laurenz na kaagad ay katabi ko na. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Hindi ko na magawang magalit sa kanya, dahil sa wakas ay natatanaw ko na ang tuktok. Wala na rin gaanong puno, kaya nasisinagan na kami ng araw. Napakahapdi niyon sa balat, kaya todo reklamo si Alex. Medyo tanaw ko na rin ang buong syudad. Pinilit kong tumingin sa ibaba, dahil base sa nabasa ko, ito raw ang makakatulong sa akin para mawala ang fear of heights ko. Medyo lumuluwag naman ang dibdib ko. Habang binabagtas namin ang bundok, napapansin kong nawawala na ang mga damo-damo, dahil napapalitan iyon ng mga bato. Mahirap na tuloy umakyat, dahil lagi akong nadudulas. Mabuti na lang at nauuna sa akin sina Addison at Mark. Isa-isa lang kasi ang pwedeng maglakad, dahil masyado ng makitid ang daan. Baka mahulog pa ang isa, kapag pinagpilitan. Sa loob ng isang oras at kalahati ay sa wakas! Nasa tuktok na kami ng bundok, ng walang galos at buhay! Tuwang-tuwa kaming lahat, at si Johnson ay kaagad nag-take ng picture. Si Alex naman ay nag-live para raw mapanuod ng iba at gayahin kami. Ako naman ay kaagad tiningnan ang kubo na nakita ko kanina sa baba pa lang. Wala itong anumang harang, tanging bubong lang at mga kawayan. May mahabang papag at...mga prutas? "Uy prutas oh! Andami!" Turo ni Mark, ngunit bago pa siya makakuha ay may bigla na lamang lumitaw sa harapan namin na isang matanda. Tingin ko ay nasa edad otsenta na ito o pataas pa. Nakasuot ng puti, ngunit medyo maring bestida. Nakalugay ang mahaba at puti nitong buhok. Halata na rin ang katandaan sa kanyang kulubot na balat at mukha. Nakangiti ito, habang pabalik sa kanyang pwesto. "Nariyan na pala kayo!" salubong niya sa amin. Kami naman ay napaawang ang bibig at takang-taka. Kami ba ang tinutukoy niya? Paano niya nalamang aakyat kami rito? "Kami po ba ang tinutukoy ninyo?" tanong ni Johnson. "Oo naman! Halikayo sa kubo!" paanyaya ng matanda. Dahil sa maamo nitong mukha at pagiging masiyahin ay napapayag kami ng matanda na sumama sa kanya sa kubo. Kahit na hindi namin siya kilala, parang napalapit kaagad ang loob namin sa kanya, dahil lagi siyang nakangiti. "Ako nga pala si Elena," pakilala niya. "Caretaker ako ng bundok na ito. Oh heto, kumuha kayo ng mga prutas oh!" abot niya isa-isa sa amin ng prutas. Kaagad namang kinagat nina Johnson, Alex, Mark at Addison at mansanas na bigay sa kanila. Halatang sarap na sarap ang mga ito, dahil kitang-kita pa sa kanilang mukha. "Ang sarap ah!" Puri ni Mark. Tumawa lang si Elena. "Oo. Ito kasi ang pagsalubong namin sa mga bisita ng Shibuyan. Binibigyan namin sila ng mga prutas." Dahil busog pa ako, hindi ko muna kinain ang akin at nilagay sa bag. Napansin naman iyon ni Lola Elena, kaya nagtanong siya. "Bakit hindi mo pa kinain ang iyo, anak?" tanong nito. "Naku, lola! Busog pa po 'yan sa prutas na kinuha namin sa ibaba," paliwanag ni Mark. Tumango na lamang ang matanda, kahit may kaunting pagkadismaya sa mukha nito. "Lola, tanong ko lang po," sumingit ako sa pag-uusap nila. "Paano ninyo nalaman na paparating kami?" tanong ko. Kanina pa kasi bumabagabag sa isip ko 'yon. Baka mabaliw ako, kapag hindi ko pa tinanong. "Ah iyon ba?" tumawa siya. "Sinabi sa akin ng mga tao sa baba. Mayroon kami kasing kaugalian dito at kultura. Kapag may mga bagong tao ang nagpupunta sa bundok na ito, kailangan naming alayan ng prutas, upang sila ay magalak at matuwa. Kapalit niyon, ang paglalagay ko ng marka sa inyong leeg, para sa respeto natin sa kalikasan." "Marka sa leeg?" takang tanong ni Alex. "Weird." "Okay lang yun babe! Binigyan naman tayl ng maraming prutas ni Lola e," kaagad na sang-ayon ni Johnson. HABANG abala sila sa pakikipagkwentuhan kay Lola Elena, sinundan ko naman si Laurenz na nakatingin sa malayo. Habang pinagmamasdan ko siya, napansin ko ang bukol sa kanyang bulsa. "Bakit hindi mo kinain ang prutas na bigay sa'yo ni Lola Elena?" tanong ko. Nilingon niya lang ako saglit at bumalik na ang tingin niya sa paligid. "Wala lang. Hindi ko kasi trip kumain ng prutas e," simple niyang sagot. "Eh, bakit ikaw?" pagbabalik niya. Sa totoo lang, hindi naman ako busog e. Nagugutom na rin ako at natatakam habang kinakain nila ang bigay na prutas ni Lola Elena, pero nangibabaw pa rin sa akin ang sinabi ni Lola noon na huwag basta-basta kumain ng kahit ano, kapag bigay ito ng iba. Lalo na ng hindi ko kilala. "Alam mo, busog pa kasi ako..." "I don't believe you." Pagputol ni Laurenz ng sinasabi ko, saka siya lumingon sa akin. "I can see in your eyes na hindi ka nagtitiwala sa matandang iyan. Right?" Nahihiya man ay dahan-dahan akong tumango. "Finally. Nagtugma rin ang iniisip natin. Hindi ko ma-explain 'e. Pero parang ang weird niya." Sabay kaming tumingin sa kubo, kung saan masaya pa rin siyang nag-uusap. "Ah basta!" Pagpapalit ko ng mood. "Masaya ako na nakaakyat na tayo rito ng safe. Ibabalita ko rin kay lola na buhay pa ako hanggang ngayon!" masayang sabi ko at nilahad ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ngayon ang masarap na simoy ng hangin, kahit na tirik ang araw, hindi ko alintana iyon. Pakiramdam ko, nakalaya ako sa matagal kong pagkakakulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD