SEVEN

2190 Words
"PAPA, sino po sila?" rinig kong tanong ng isang bata na akay-akay ng kanyang ama. Halatang galing sila sa tindahan, dahil may bitbit na plastik ang bata na naglalaman ng sangkap para sa kanilang pagkain. "Hindi ko alam anak. Hayaan natin sila! Halika na," mukhang nagmamadali ang kanyang ama na hilahin siya at kung may anong takot ang sumisilip sa kaniyang mata, ngunit nabaliwala iyon nang tumawa si Johnson. Sa gulat ay napalingon silang lahat sa kanya. "Ano ba naman ang mga 'to. Parang ngayon pa lang nakakita ng tao," pagyayabang niya, nang magsimulang dumami ang itim na taong nakapaligid sa amin. Tila may sinasabi ang kanilang mata na hindi ko mawari. Takang-taka sila kung bakit kami naririto at anong gingagawa namin sa kanilang lugar. Nagpasyang magsalita na si Addison, dahil kanina pa kami nagtitigan at kinikilala ang mukha ng bawat isa. "Hello po! Pasensya na po sa abala. Pero pwede po bang magtanong?" umpisa niya. Naghintay kami ng ilang saglit sa kanilang sagot, ngunit ni isa ay walang nagtangka. "Magtatanong lang po sana kami kung saan po rito ang daan patungo sa bundok ng Shibuyan? Sa left po ba o sa right side?" Pagkatapos tinuro ni Addison ang kanyang tinatanong, bigla na lamang may isang matandang babae na tingin ko ay nasa edad otsenta na. Puti na ang kanyang buhok at nakasuot ng luma at butas-butas na damit. Ginagamit ang kanyang luma at pasira na tungkod palapit sa amin. "Huwag na kayong magbalak na pumunta sa bundok." Kahit nahihirapan ay sinikap pa rin nitong magsalita. Humarap naman sa amin si Johnson. "Eh gago pala ang mga tao rito e. Kaya nga nagpunta tayo, para makita natin ang bundok—" Hindi na pinatuloy pa ni Laurenz ang pagsasalita ni Johnson at sinabing tumahimik na lamang ito. "Bakit po?" tanong ni Addison. "Mga anak. Mapanganib ang bundok na iyon. Daang taon na akong nakatira rito at siguro'y taon-taon ay may napapabalitang namamatay." Hindi na iyon bago sa amin. Malawak na rin ang kaalaman ko tungkol sa bundok, kaya hindi na ako nagtaka pa. Isa pa, kalat na kalat nang may mga namamatay sa bundok na iyon at iyong iba ay hindi na nakakabalik pa. Kung hindi lang tapaga makulit itong si Johnson. "Alam mo tanda..." Biglang sumabat na si Johnson sa gitna ng kanilang pag-uusap. Hindi ko nagustuhan ang kanyang pananalita, pero hinayaan ko na lang siya. "Sabihin mo na lang kung sa kaliwa o kanan ba, para makatuloy na kami. Wag ng maraming satsat." "Bata!" Bigla naming napatingin sa may gilid kung saan naroon nakatayo ang maliit na tindahan. "Hinay-hinay ka sa pananalita mo. Nandito ka sa teritoryo namin. Ayusin mo ang pakikipag-usap kay Ka-Marsing." Sinang-ayunan naman namin iyon lahat, kaya medyo kumalma ang bangis ni Johnson at maayos nang tumingin sa tinatawag nilang Ka-Marsing. "Okay, easy!" Itinaas ni Johnson ang kanyang kamay. "Wala akong balak makipag-away sa inyo. Sabihin niyo na lang kung saan dito ang daan, nang tumuloy na kami at makapagsimula na kaming umakyat sa bundok, diba?" medyo sarkastiko ang pagkasabi niyang iyon, ngunit hinayaan lamang siya ng matanda. Halatang malaki ang pasensya nito. "Pasensya na kayo mga anak, ngunit hindi ko na ba mababago ang isip ninyo?" tanong muli nito. Sa puntong iyon ay ako naman ang nagsalita. "Lola, medyo malayo po kasi ang binyahe namin patungo rito. Balak lang sana naming akyatin ang bundok at tingnan ang ganda ng lugar ninyo. Promise." Tinaas ko ang aking kamay, sa pangangako. " Pag hapon na ay babalik rin kami dito at uuwi na." saad ko, kahit na alam ko namang gusto nila Johnson na magtagal kami rito kahit dalawang araw man lang. Mabuti na lang at hindi sila umimik, dahil unti-unti ko nang nakukumbinsi ang matanda, ngunit bigla na namang may nagsalita. "Ka-Marsing! Huwag mong ituro! Baka mamatay lang ang mga dayuhan na 'yan!" sigaw ng isang babae na kasama sa nakalupong. Tinaas naman ni Ka-Marsing ang kanyang tungkod. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon, ngunit ang kaninang nagbubulong-bulungan ay biglang natahimik. Siguro ang matandang kaharap namin dito ay ang nangangalaga ng bundok, kaya ganoon na lamang kalaki ang respeto ng mga tao sa kanya. Pagkataas ni KaKa-Marsing ng tungkod ay tinuro nito ang daan sa kanan, habang siya ay nakayuko. Parang labag sa loob niya na sabihin pa sa amin ang daan, dahil hindi siya makatingin ng direkta sa amin. "Thankyou tanda!" Sa sobrang galak ni Johnson ay nilapitan niya si Ka-Marsing at niyugyog. "Oh, halina kayo! Pupunta na tayo ng shibuyan!" sigaw sa tuwa ni Johnson. Bago kami pumasok sa sasakyan ay nagpahuli muna ako sa kanila. Isa-isa kong tiningnan ang mga taong kakaiba ang tingin sa amin. Bago ako bumalik ng tingin sa kotse, nakarinig pa ako ng isang babala. "Mayroon na namang mabibiktima ang Shibuyan," wika ng isang tatay habang bitbit sa likod ang kanyang anak. "Alyssa, sakay na!" sigaw ni Johnson, kaya binilisan ko ang paglalakad. Bago ako sumakay ay tumingin pa ako sa kanilang lahat at saka yumuko upang magbigay ng respeto. Tanaw ko pa ang mukha ni Ka-Marsing na dismayado sa pagpunta namin sa kanilang lugar. "Sasabihin din pala, nagpapaligoy-ligoy pa," bulong ni Johnson, bago ipihit ang makina. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang aming gugugulin sa pagbyahe namin tungo sa bundok. Sa tingin ko kasi ay malapit-lapit na lang, dahil tanaw na tanaw ko na ang matarik nitong itsura, pati na ang mga nakapalibot ditong puno. Medyo nawala naman ang kaba ko habang pinagmamasdan iyon. First time ko lang kasing makaakyat ng bundok, kasama pa ang mga kaibigan ko. MAHIGIT tatlumpung minuto ang ginugol namin sa byahe, bago kami makarating sa tapat ng Shibuyan. Ngayon ay malinaw at tanaw na tanaw ko na ang ganda nito. Hindi lang namin madiretso ang sasakyan, dahil hagdan na ang dadaanan namin pababa tungo sa bundok. Tumigil muna kami at nagpahinga rito sa tingin ko'y dating bahay ito. May iilan pa kasing pader ang nakatayo, at saka may mga puno sa paligid, kaya naman preskong-presko ako habang nagpapahinga. "Ayusin na natin ang mga dadalhin!" ani Addison. Isa-isa na naming kinuha ang mga gamit namin sa compartment ng sasakyan. Dahil isang bag lang ang dala ko, pinagkasya ko na roon ang iilan kong damit, short pati na mga underwear. Sa kamalas-malasan nga lang ay pati cellphone ko ay naiwan ko sa kwarto. Mabuti pa sila ay dala nila, kaya nakakakuha pa sila ng picture sa tapat ng bundok. "Mellisa, smile!" tawag sa akin ni Addison. Hindi pa nag-sync in sa akin ang sinabi niya, kaya naging stolen shot ang kuha niya sa akin. Pagkatapos kong makisali sa mga picture taking, sinukbit ko na sa balikat ko ang bag at tumingin muli sa bundok. Wala nang urungan ito. Sisiguraduhin kong mag-eenjoy kami rito, at ikukwento ko kay Lola na mali ang iniisip niya tungkol sa Shibuyan. "Halina kayo!" pag-aya ni Johnson. Bago pa ako tumuloy, biglang may kumalabit sa likod ko. Pagtingin ko ay naroon si Laurenz habang inaabot sa akin ang isang itim na tumbler. "Alam kong wala kang baon na kahit ano riyan, kaya heto." aniya. Pagkaabit niya sa akin ay kinuha ko iyon tsaka siya unang naglakad. Minsan ang weird ng lalaki ito. Pero minsan din ang bait. Pero natutuwa ako sa kanya, naalala niya pa akong pagdalhan ng tubig. Habang naglalakad kami sa bato-batong daan, tanaw na tanaw na namin ang kagubatan na aming dadaanan tungo sa tuktok ng bundok. Kahit malayo ay nakikita na namin ang masukal at nagtatayuang mga puno sa gilid nito. Mukhang wala namang daan, dahil napapalibutan ito ng malalaking halaman. "Wow!" hindi makapanwialang sabi ni Alex, tsaka tinapon ang upos ng kanyang sigarilyo. Tumakbo siya tungo sa isang puno na nasa bungad na may kulay orange at green na dahon. May bunga din itong brown na parang sirang orange, pero kung titingnan ay sariwa ito Malalaki naman ang mga bunga at mukhang masasarap. "Babe, umakyat ka!" pag-aaya ni Alex kay Johnson. "Ayoko!" Kaagad siyang umiling. "Ang taas-taas niyan. Tsaka mabigat ako! Si Mark na lang!" Turo niya kay Mark na mukhang naglalaway na sa mga bunga. Hindi na nagdalawang isip pa si Mark, at kaagad siyang umakyat sa puno. Dahil may kagalingan si Mark sa pag-akyat sa mga puno, kaagad siyang nakarating sa tinuturong bunga ni Alex. "Bigyan niyo ako rito ha!" aniya pa, saka hinulog ang isang punggol ng prutas. Tuwang-tuwa naman kami, dahil habang inaalog ni Mark ang puno ay may nahuhulog na iilan. "Palmyra fruit ang tawag diyan." Biglang sbai ni Laurenz, kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat pa ako dahil nasa likuran ko lang pala siya. "Ha?" tanong ko, dahil hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya. "Palmyra fruit. Kadalasan ang prutas na iyan ay matatagpuan lamang sa bulubunduking kagaya nito. Matamis ang laman niyan, at may mga malilit ding buto. "Woah!" namangha ako sa paliwanag niya. "May alam ka pala tungkol sa mga ganito?" Dinampot ko ang isang Palmyra fruit na gumulong sa paanan ko. "Syempre." Tumingin siya sa akin ng masama. "Hindi naman ako tangang kagaya mo." Biglang nagdilim ang paningin ko sa sinabi niyang iyon. Gusto ko siyang batuhin ng hawak ko, pero huwag na lang. "Whatever!" Pinandilatan ko siya ng mata. Ang lalaki talagang ito, madalas may sapak! Nagtatanong lang 'e. Syempre, na-amaze ako sa sinabi niya. Kahit pala may pagka weird siya, andami niya ring alam tungkol sa kalikasan. Ako kasi, ang alam ko lang na prutas 'e yung mga binibenta rin sa palengke. Ang mga nakuha namin ay nilagay namin sa extra na bag na dala ni Addison. Iyong travelling bag kasi ang bitbit niya, kaya naman nilagay na lang namin ang prutas sa isa pa niyang bag. "Lamang tiyan din 'to, mamaya!" masayang sabi ni Mark saka kumuha ng isa. Sa gutom niya ay kaagad niyang kinagat iyon at lumabas niya ang kulay puting laman na parang santol. Halatang sarap na sarap pa siya sa kinakain niya, dahil napapapikit pa siya. Saka naman niya niluwa ang buto. Nagpatuloy kami sa paglalakad at ingat na ingat kami sa aming dinaraanan. Medyo madulas kasi ang daan, dahil iyong ibang parte ng gubat ay may simento. Hindi ko alam kung anong purpose nito. Ayaw ko rin tumingin sa bandang ibaba, dahil nandoon ang naglalakihang at matutulis na bato. Wala pa kami sa kalahati ng bundok, pero kinakabahan na ako, at baka dumausdos pa ako. Para hindi kami gaanong kabahan, inunahan na ni Johnson ang paglalakad. Sinabayan siya ni Alex, Mark, Addison tapos ako. Sa likuran ko naman ay ang buwisit na si Laurenz. Mabuti na at hindi gaanong nagsasalita 'tong si Laurenz. Kung mainis man ako, isang tulak lang siya. Pero siyempre, joke lang! Hindi naman ako mamamatay tao ano! Bigla tuloy akong natahimik nang mabigkas ko ang mamamatay tao. Naalala ko rin bigla si lola dahil sa babala niya sa akin. Sana lang, hindi totoo iyon. Sa nakikita ko naman ngayon, tahimik lang at napakaganda ng tanawin. Sariwa pa ang hangin, pati na ang mga kumakantang mga ibon at mga insekto na nag-iingay. Nang masiguro naming nasa gitna na kami ng bundok, tumingin muna ako sa suot kong wristwatch. Alas nuebe na pala, kaya mainit-init na. Nagpasya muna silang magpahinga sa gilid, ngunit nang may marinig si Laurenz na agos, kaagad naming pinuntahan iyon. Kumaliwa kami sa aming dinadaanan. Binagtas namin ang masukal na daan, hanggang sa mapangiti na lamang kami nang makita ang isang ilog. Ang lawak niyon at halatang malinis ang tubig, dahil may pinagdadaluyan iymto sa ibaba. Para tuloy kaming nasa paraiso nito. "Fresh air, fresh water! masayang sabi ni Johnson. "This is what I want!" saka siya tumakbo papunta sa tabi ng ilog. "Sa wakas!" sigaw naman ni Mark tsaka sumabay kay Johnson. Kaagad naman silang nagtanggal ng kanilang mga damit, at binabad ang katawan sa tubig. Sumabay rin sina Addison at Alex, na ngayon ay nagbabasaan na sila. Ako naman, nakaramdam ako ng pananakit sa paa, kaya pinagpahinga ko muna ito at sumandal ako sa punong malapit lang sa ilog. "Hindi ka ba sasama sa kanila?" Nagulat pa ako nang magsalita na naman sa likuran ko si Laurenz, habang nakatingin siya kina Johnson na sayang-saya sa pagligo. "Alam mo, para kang multo. Kung saan-saan ka sumusulpot!" inis kong sabi. Natawa na lang siya sa naging reaksyon ko. "Oh! Ano pang ginagawa niyo riyan? Halina kayo!" pag-aaya ni Johnson. Narinig kong ngumisi si Laurenz kasabay ng pagtanggal niya sa kanyang damit. Tumalon siya sa ilog, kaya naman pati ako ay natalsikan. "Mellisa, tara na!" pag-aaya ni Addison. "Sige lang. Masakit pa ang paa ko," saad ko. Pinagmamasdan ko lamang silang maligo. Napasarap nga namang mabuhay ng simple, lalo na sa gubat na ganito. Kapag nagugutom ka, maaari kang mamitas ng mga prutas o di kaya, manghuli ng ligaw na hayop. Kapag naman gusto mong maligo o nauuhaw ka, merong naghihintay sa'yo na isang dagat na mukhang paraiso. Nang mapagod na sila sa kakalangoy, nagpahinga muna sila at sinaluhan ako sa pagkain. Mabuti na lang at ready itong mga kasama ko, dahil may mga dala silang ulam at kanin. May mga tubig pa at mga alak, kaya naman feeling ko, hindi lang isang araw ang pag-stay namin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD